NANGUNOTNOO si Amanda na pagdating nito sa kanilang bahay ay maraming tao ang nasa labas. Ang ay mga kapitbahay nila na nakikiusyoso sa mga nangyayari sa loob. Nagmamadali itong pumasok at nagulat na bumungad ang nagkalat nilang mga gamit! May mga lalake din na iisa ang kasuotan na pawang mga nakaitim. Namilog ang mga mata nito na pagpasok sa bahay ay nabungaran ang mga magulang na nasa gitna ng kanilang sala! Nakaluhod sa harapan ng isang lalakeng may edad at hawak na tungkod! “Mommy! Daddy! Ano po ang nangyayari dito?!” gimbal na bulalas nito na patakbong nilapitan ang mga magulang! “Amanda, bakit ka umuwi?” pagalit ng ina nito na inalalayan niya. “Mommy, ano po ang nangyayari dito? At sino itong mga trespassers na ‘to?” galit nitong tanong sa ina na sinamaan ng tingin ang matandan

