PANGITI-NGITI si Radson habang inaayos ang higaan nila sa sahig ni Thalia. Hindi kasi nila magamit ang kama dahil nasira ang isang paa nito. Kaya ibinaba niya ang makapal na foam at sa sahig na lamang sila matutulog. "Kung makagigil naman kasi e. Paano natin iyan sasabihin kina mommy bukas? Nakakahiya," pagalit ni Thalia dito. Kanina pa siya nanggigigil na nakukurot si Radson na tatawa-tawa lang. "Ako na lang ang bibili ng bagong kama natin, love. Sorry na, hmm?" sagot ni Radson na ubod ng lambing. Naupo na ito sa foam na hinawakan sa kamay si Thalia at maingat na hinila paupo sa kanyang lap. Napabusangot naman si Thalia. Hindi naman siya naiinis sa asawa niya. Nahihiya lang siya na malaman ng pamilya niyang nasira ang kama nilang mag-asawa sa unang gabi nila sa mansion! Iisipin

