NANGINGITING yakap-yakap ni Radson ang asawa nito. Pasado alasdyes na ng gabi. Halos hindi na kasi pakawalan ng mag-asawang Robinson si Thalia. Gusto pa nga sana nilang makatabi ito sa pagtulog pero tumanggi si Thalia. Hinahanap-hanap niya kasi ang amoy ni Radson at nakasanayan na kayakap ang asawa kapag matutulog. Naiintindihan naman ng mga magulang niya ang dahilan nito lalo na't naglilihi si Thalia. "Hindi ka pa ba inaantok, love?" malambing niyang tanong na hinahalik halikan sa batok at balikat ang asawa nito. Nasa balcony sila ng silid ni Thalia sa mansion. Pinagmamasdan ang kailawan sa ibaba nila. "Hindi pa e. Gusto ko na nga sanang matulog pero gising na gising pa rin ang diwa ko," nakangusong sagot ni Thalia dito. Napasinghap ito nang mas humigpit ang pagkakapulupot ng braso

