Chapter 7

2205 Words
PANGITI-NGITI si Radson na maganang kumakain habang kasalo si Thalia. Kahit panay ang irap ni Thalia sa kanya sa tuwing magsasalubong ang mga mata nila, napakasaya pa rin nito. Dahil ngayon niya lang nakasalong kumain ang asawa niya. “Anyway, wife–” “Pwede ba? Don't call me that way. Nakakawalang gana,” mahina pero may diing saad ni Thalia dito. Napalapat ito ng labi. Muntik pa siyang masamid dahil nadulas ang dila niya na tinawag itong ‘wife’. Napatikhim ito na inabot ang wineglass at sumimsim doon. Napapasulyap naman sa kanilang dalawa ang mga tao sa restaurant at nagbubulungan. Nakikilala kasi nila si Radson at isa itong kilalang businessman. Namamangha ang mga ito kung gaano kabagay ang dalawa. Sa nakikita kasi nila, isang high class woman ang kasama ni Radson ngayon. Higit sa lahat? Napakaganda at sexy nito. Idagdag pang hindi ito nagpapabebe at ubod ng arte ang bawat kilos. “Bakit ba ang sungit mo? Totoo namang asawa kita e. What's wrong with that?” sagot ni Radson dito na inirapan ni Thalia. “I'm done. Pwede mo na bang pirmahan ang annulment natin?” pag-iiba ni Thalia na inabot ang juice nito at sumipsip sa straw. Napasunod pa ng tingin si Radson sa pagbuka ng mga labi nito at napalunok na namagnet ang paningin sa mga labi ni Thalia. Lihim namang napangisi si Thalia na hinayaan lang ito. Ngayon niya lang kasi nakikita na natutulala si Radson sa kanya. Dati-rati kasi ay napakalamig ng tingin ni Radson sa kanya at hindi tumatagal sa limang segundo kung tignan siya nito. “Ahem!” Napatikhim si Radson na inubos ang laman ng wineglass nito. Inilapag niya sa mesa ang wineglass at saka kinuha ang tablenapkin at napapunas sa labi. Tumitig ito sa mga mata ni Thalia. Sinalubong naman ni Thalia ang mga mata nito at pinanatiling blangko ang expression. “Ano ba ang sinabi ko sa'yo, Thalia?” makahulugang tanong nito. Bahagya pang naipilig ni Thalia ang ulo na napaisip at nangunotnoo. “You asked me to bring my own pen and have lunch with you,” sagot nitong ikinatango-tango ni Radson. “Malinaw naman pala e.” Anito. “Can just sign our annulment at nang makaalis na ako dito?” iritadong saad ni Thalia dito na napangisi. “Wife–” “I said don't call me that way, Radson.” Putol nito na mataray ang pagkakasabi. Napatikhim pa ito na nagpipigil mapangiti sa asawa niyang wala manlang kangiti-ngiti. Tiyak niya kasing mas maganda ito kung nakangiti ito. At gusto niyang makita kung paano ngumiti at tumawa si Thalia. Dahil hindi niya pa nakikita na ngumiti ito–ngumisi oo. “Fine. Pasensiya na. Nadulas lang.” Anito na tumuwid ng upo. “I told you to bring your pen and have lunch with me, Thalia. But I didn't said that. . . I'm going to sign those papers, right?” Namilog ang mga mata ni Thalia na ikinangisi nito! “You bastard–” “Shh. . . lower your voice, Thalia. Everyone is looking at us,” putol nito. Napalunok si Thalia na napalinga sa mga tao roon at tama nga si Radson. Napapasulyap ang mga tao sa kanilang dalawa at nagbubulungan pa nga. Napakuyom ito ng kamao. Huminga ng malalim na kinakalma ang sarili. Masama ang tinging iginawad nito sa asawang pangiti-ngiti na animo'y may magandang nangyari. “Pirmahan mo na kasi para matapos na tayo,” mahina pero madiing saad ni Thalia dito na nagngingitngit ang mga ngipin sa galit at gigil. “Malalagot naman ako sa mga magulang ko kapag pinirmahan ko iyon, naiintindihan mo ba? Akala mo ba gano'n lang kadali na maghiwalay tayo? My goodness, Thalia, mag-asawa tayo. Hindi tayo basta magkasintahan lang na may commitment sa isa't-isa pero walang sinumpaan sa batas natin at batas ng Diyos. Malaking kasiraan sa pangalan ko kapag kumalat na naghiwalay tayo. Gagamitin iyon ng mga kakumpitensya ko sa negosyo laban sa akin. Pwedeng mag-backout ang mga investor ko at mag-pullout ang mga shareholders ko sa kumpanya. Naiintindihan mo ba?” mahina pero may kariinang paliwanag ni Radson ditong napailing. “Do you think I care, huh? My God, Radson. For the past three years, hindi mo naman ako pinahalagaan at itinuring na asawa mo. Yes, I am your wife. Pero ikaw na rin mismo ang nagsabi na hanggang papel lang ang pagiging asawa ko sa'yo. Pabor pa nga sa'yo na maghiwalay tayo e. Kasi makakalaya ka na.” Iritadong sagot ni Thalia dito na napailing. “Hindi iyon pabor sa akin, Thalia. Sa iyo lang iyon pabor. Sabihin mo nga, gusto mo nang magpakasal sa iba noh? Sino siya? Iyong lalakeng kasama mo kahapon sa airport, tama? Kaya atat na atat ka nang maghiwalay tayo. Nagsasama na ba kayo? Sa kanya ka na ba umuuwi ngayon?” magkakasunod na tanong ni Radson ditong naningkit ang mga mata at napailing lamang. “I think I'm just wasting my time here. Bwisit,” anito na iritadong tumayo. “Hey,” anito na napatayo na rin. Sinenyasan nito ang waiter na kaagad lumapit. Iniabot niya ang card niya dito at sinundan si Thalia. “Thalia, ano ba? We're not done yet.” Pigil nito na hinabol ang asawa. “Stay away from me, Radson. Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo,” banas nitong sagot na nagmamart’yang nagtungo sa pinto. “Sir, card niyo po!” paghabol ng waiter sa dalawa. “Oh s**t!” bulalas ni Radson na hinintay makalapit ang waiter. “Thank you, sir!” magalang pasasalamat ng waiter dito na tumango. Patakbo itong lumabas ng restaurant at sinundan si Thalia. Napapikit na lamang ito na hindi niya nahabol at sumakay na si Thalia sa kotse nito. Napasunod siya ng tingin sa sinakyang kotse ni Thalia. Isang yellow Ferrari kasi iyon at kita nitong si Thalia ang nagmaneho. “Damnit. I didn't even know that she can drive,” usal nito na napahilot sa sentido. Alam niyang napikon niya si Thalia. Kaya nga hindi niya kaagad sinabi dahil gusto niya lang naman itong makita at makasabay kumain. Mahina itong natawa na naiiling sa sarili. Nagtungo na siya sa kanyang kotse na sumakay na doon. “Sino ka ba talaga, Thalia? Ano pa ba ang mga hindi ko alam tungkol sa'yo? Imposibleng nagmula sa mga magulang mo ang villa at kotse mo. Dahil si Amanda nga ay hindi nila kayang ibili ng sariling condo at kotse e.” Usal nito na napapaisip. Napahigpit ang hawak nito sa manibela na nag-igting ang panga. Isa lang kasi ang tumatakbo sa isipan niya at ayaw niya iyong paniwalaan. Napapikit ito na maalala na may kasamang gwapo at matangkad na lalake si Thalia kahapon sa airport na sumundo dito. Nakatitiyak naman siyang hindi iyon grab driver dahil sa uri ng sasakyang gamit nito. “No, Radson. Imposible. Matinong babae si Thalia kahit boring siya– noon. Pero iba na ngayon,” usal nito na napailing. "Damn. Even she's mad, she's so beautiful and hot." NAGNGINGITNGIT ang loob ni Thalia na bumalik sa jewelry store nila. Naiinis pa rin ito na naisahan siya ni Radson para makasama siyang mananghalian. Hindi niya alam kung anong trip ni Radson, pero naiinis siya na pinadala siya ng pen pero hindi naman nito dala ang annulment papers nila. Umasa ito na pipirmahan na ni Radson iyon pero. . . parang nangti-trip lang ito. “Damn him.” Usal nito na mahigpit na nakahawak sa manibela. Pagdating nito sa store nila, tumuloy ito sa kanyang opisina. Padabog itong naupo sa kanyang swivel chair na inilapag sa mesa ang handbag niya. Napahilamos ito ng palad sa mukha na mabibigat ang paghinga. Kino-control ang sarili nito at nagpupuyos pa rin ang loob niya na sinayang lang ni Radson ang oras niya. Umasa pa naman siya na pipirmahan na nito ang annulment nila. Pero para lang siyang batang pinaikot ni Radson. “What's wrong, Thalie? You look upset,” ani Tristan na bagong pasok ng opisina. Napailing ito na napahilot sa kanyang sentido. Naupo naman ang binata sa kaharap nitong silya. Napahinga siya ng malalim na nakalarawan ang inis sa magandang mukha. “Si Radson,” mababang saad nito. Napataas naman ang isang kilay ni Tristan na nakamata dito. “What about him?” pag-uusisa nito sa kaibigan na napailing. “Kumain kami sa labas. Pinaasa niya ako na pipirma na siya sa annulment namin. Nagpadala pa siya ng pen sa akin kaya pumayag akong kumain kasama siya. Pero. . . hindi niya pala dala ang annulment namin at sinabing inaya niya lang akong kumain sa labas at pinadala niya ako ng pen–pero wala siyang sinabi na pipirmahan na niya ang annulment. Naiinis lang ako dahil inisahan niya ako na kumain kami sa labas. Pero hindi niya rin pala pipirmahan ang annulment,” pagkukwento nito sa binata na napanguso at pinapakibot-kibot ang ngusong nakatulis. “Hmm. . . interesting,” usal ni Tristan dito na napabusangot. “Anong interesting? Baka naman nangbubwisit kamo,” inis nitong saad na mahinang ikinatawa at iling ni Tristan. “Do you think he's affected now? Take a look at it, Thalie. Kahapon ay sinundan ka niya sa villa mo. Hindi niya pa rin pinipirmahan ang annulment niyo at ngayon? Heto siya, gumagawa ng paraan para magpapansin sa'yo. Hindi kaya. . . may gusto na si Radson sa'yo? Lalo na ngayon na hindi ka na katulad ng dating asawa niya na tahimik, simple at plain tignan.” Wika ni Tristan dito na lalong napabusangot. “Wala iyong gusto sa akin, Tris. That's impossible. Ang inaalala niya, iyong image niya sa publiko at ang kumpanyang pinamumunuan niya. Malaking kasiraan sa imahe niya kapag kumalat sa publiko na hiniwalayan siya ng asawa niya. Kaya siya nagmamatigas,” sagot ni Thalia dito na napatango-tango at may punto naman si Thalia. Kilalang businessman si Radson sa bansa. Kahit nga sa Asia ay nakikilala na ang pangalan nito. Dahil sa apelyedong dala-dala niya. Tiyak na makakant’yawan ito at pagtatawanan kapag malaman ng mga taong ang isang katulad niyang bilyonaryo, gwapo at sikat ay iniwan ng asawa. “You're right, Thalie. Pabayaan na nga natin. Anyway, hangout tayo mamaya ha? Magkita tayo sa Amarillo’s Bar, hmm? Let's celebrate your comeback, bestie,” kinikilig nitong saad na ikinangiti at tango ni Thalia. “Sige. Mas maganda pa nga. Masarap ding mag-unwind paminsan-minsan.” Pagsang-ayon nito saka sila nag-apiran. PASADO alasotso na ng gabi nang dumating si Thalia sa Amarillo's Bar. Umuwi pa kasi ito sa bahay niya at nagbihis. Napangiti ito na pagbaba niya sa kanyang sportcar ay napalingon sa kanya ang mga tao sa paligid. Everyone is looking at her. Namamangha kung gaano ito kaganda. Tumutunog pa sa semento ang bawat paghakbang nito sa taas ng heels ng sandals nito. Nakasuot siya ng red strapless silky dress na pinaresan nito ng red stiletto. Nakalugay lang din ang wavy nitong buhok sa magkabilaang balikat niya. Kumikinang ang diamond necklace na nasa leeg nito na siya mismo ang nagdisenyo. Kahit light make-up lang ang ayos nito ay napakaganda nitong tignan. Lalo na't nakalitaw kung gaano kaganda ang hubog ng pangangatawan nito. Pagpasok niya sa Bar, napahinto siya sa gitna ng hallway at naigala ang paningin sa mga mesa at counter doon. Marami-rami na rin kasing costumer sa Bar. Naningkit pa ang mga mata nito na nahihilo siya sa neon light ng Bar. Idagdag pang marami-rami na ang mga tao. Nakakabingi rin ang malakas na musika at dinig ang hiyawan ng mga taong nasa dancefloor na nagkakasiyahan. “Where is he?” usal nito na hindi mahanap ang kaibigan. Napatingala siya sa second floor at may mga tao rin doon. Doon kasi naroon ang mga VIP room. Napanguso ito. Imposible kasing kukuha pa ng VIP room si Tristan e silang dalawa lang ang iinom. “Hey, gorgeous.” Napapitlag ito nang sumulpot si Tristan somewhere na yumapos pa sa baywang niya! “Ano ka ba? You scared me,” pagalit nito na nahampas sa braso ang binata. Mahinang natawa si Tristan na iginiya ito sa bar counter. Pero hindi pa man sila nakakarating doon nang may humawak sa kamay ni Thalia na ikinatigil nitong bumilis ang t***k ng puso na napalingon sa humawak sa kamay niya. Napalunok ito na mapatitig sa mukha nito na kitang madilim ang anyo. "Ano ba? Kabute ka ba? Bigla-bigla kang sumusulpot," sikmat nito na akmang babawiin ang kamay pero mas humigpit lang ang pagkakahawak doon ni Radson. "What's your problem, dude?" paninita ni Tristan dito na nag-igting ang panga na naniningkit ang mga mata sa binata lalo na't nakayapos ang braso nito sa baywang ng asawa niya! "Taking my woman is a big trouble, bastard. Get your dirty hands off of her." Madiing pagbabanta ni Radson ditong napangisi! "She is your woman? Are you sure?" makahulugang tanong ni Tristan na ngumisi ditong napalunok at napababa ang tingin kay Thalia na pinaniningkitan ito. Nangungusap ang mga mata nito sa asawa na parang batang nagpapasaklolo dito. Ngumisi si Thalia na binawi ang kamay niya ditong napalunok at kita ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito. "Pwede ba, Radson? Tantanan mo nga ako. Pumunta ako dito para mag-relax, hindi para bwisitin mo," masungit nitong turan na tinalikuran na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD