Chapter 8

2033 Words
NAPABUGA ng hangin si Radson na sumunod pa rin sa dalawa. Muli nitong hiniklat sa braso si Thalia at buong lakas na hinila kaya napatili itong napasubsob sa dibdib ni Radson! “Radson, ano ba?!” singhal ni Thalia dito pero para lang itong bingi! Napakuyom ng kamao si Tristan na hinarap ito. Matapang namang sinalubong ni Radson ang mga mata nito at mahigpit na nakayapos ang braso sa baywang ng asawa nito! “Don't make a scene here, dude. Ako ang kasama niya. Hindi mo ba nakikita? Ayaw niya sa'yo,” madiing saad ni Tristan ditong napangisi. “Who do you think you are, huh? ‘Cause as far as I remember. . . Thalia is my wife! E ikaw, sino ka?” pang-uuyam ni Radson na nag-iigting ang panga at matalim ang tinging nakatitig dito. Pagak na natawa si Tristan sabay iling. “Asawa ka?” aniya na tumango-tango. “Maybe you're right. You are her husband. But the question is. . . did she love you? Or should I say–did she love you even once?” nakangising pang-aasar ni Tristan ditong nag-igting ang panga. His fist clenched and unclenched. Kitang-kita ang inis sa mga mata nito sa itinanong ni Tristan sa kanya. Nasagi kasi ng binata ang ego niya lalo na't alam ni Radson kung ano ang sagot sa tanong nito. “It doesn't matter if she loves me or not. It won't change the fact that she is my wife, bastard. Sa ating dalawa, kahit saang anggulo mo tignan? Ako ang may karapatan sa kanya. Dahil asawa ko siya!” madiing sikmat ni Radson dito na napaka-possessive ng pagkakasabi! “Tama na, Radson. Bitawan mo nga ako!” sikmat ni Thalia na pilit kumakawala dito pero mas kinabig lang siya ni Radson padiin sa katawan nito! “No, Thalia. Let's go. You're coming home with me. Wether you agree or not.” Madiing saad ni Radson at walang anu-anong kinarga ito na parang isang sakong bigas na isinukbit sa balikat niya! “What do you think you're doing, dude!? You're harassing her!” pigil ni Tristan ditong napangisi lang. “It's none of your fvcking business, asshole! Get out of my way. Kilalanin mo kung sino ang binabangga mo. Because I'm not Radson Parker for nothing,” madiing sikmat ni Radson dito at pumihit na patalikod kay Tristan na karga sa balikat ang asawa. Napakurap-kurap naman si Thalia at umikot ang paningin nito na sa isang iglap ay heto at para lang siyang paslit na nakasukbit sa balikat ni Radson! “Ibaba mo ako, Radson! Isa!” pagwawala nito na sinusuntok sa likod ang asawa nito. “Shut up!” pagalit din ni Radson na napangising pinalo ang bilugang pang-upo nito! Namilog ang mga mata ni Thalia na nag-init ang mukha sa ginawa nito! Dinig niya pang mahinang natawa si Radson na natigilan siya sa pagpalo nito sa kanyang pang-upo! Hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng Bar! Pinagtitinginan tuloy sila ng mga tao at nagbubulungan. Ang iba ay kinukunan pa nga sila ng video. Maingat niyang ibinaba sa tapat ng kotse niya si Thalia. Muntik pa itong matumba at nahilo ito na kaagad yumapos ang braso sa baywang ng asawa niya para alalayan ito. Napahawi si Thalia sa buhok nitong tumabing sa mukha at sinamaan ng tingin ang asawa nitong nakangisi. “Hop in, my lovely wife.” Nakangising saad ni Radson na binuksan ang pintuan. “No! Hindi ako sasama sa'yo!” sikmat ni Thalia dito na lalong napangisi. “Sasama ka sa akin, Thalia. Uuwi tayo sa mansion at magpaliwanag ka sa mga magulang ko, kung bakit dalawang buwan kang nawala!” madiing saad ni Radson dito na nag-igting ang panga at sinamaan ng tingin si Radson. Napahalukipkip ito na kitang walang planong sasama sa asawa niya. Lihim namang nangingiti si Radson na nakamata dito. Nagtungo siya sa Bar para magpalipas muna ng oras bago uuwi. Pero heto at dumating ang asawa niya. Natigilan pa ito nang bumungad si Thalia at agaw attention siya sa mga naroon. Parang nag-slow motion ang paligid nito nang tumapat ang spotlight sa asawa niya kaya nakilala niya ito kahit medyo may kalayuan si Thalia sa gawi niya. Kaagad itong napababa sa highchair nang may lumapit kay Thalia at yumapos sa baywang nito. Aminado siyang nagselos siya kaya hindi na napigilan ang sariling lumapit at inagaw ang asawa niya sa binatang kasama nito. Nagdidiwang ito sa loob-loob dahil sa bandang huli– siya pa rin ang nagwagi. “Hop in, Thalia. May sakit ang mommy. Hinahanap ka niya.” Mababang saad ni Radson na lumamlam ang itsura. Napalunok naman si Thalia. Parang kinurot ang puso nito. Kahit kasi malamig ang pagsasama nila ay mainit naman ang pakitungo ng mga magulang ni Radson sa kanya. Maging ang mga nakababatang kapatid nito ay kasundo ni Thalia at gustong-gusto nila itong maging ate. May apat pa kasing nakababatang kapatid si Radson. Siya ang panganay na anak ni Edward Parker. Isang tanyag na bilyonaryo at kasalukuyang PNP general din ito ng bansa. Kaya mataas ang respeto ni Thalia sa pamilya ni Radson dahil mainit nila itong tinanggap sa pamilya Parker. Sumusuko itong napahinga ng malalim at walang emosyon ang mga matang tumingala kay Radson na matiim na nakatitig sa kanya. Napalunok pa siya nang magsalubong ang mga mata nila at nabasaan niya ng kinang ang mga mata ni Radson. “Fine. I'm coming with you. But keep this on your mind, Radson. I'm not doing this for you. Kapag magaling na si mommy, ako mismo ang magtatapat sa kanila na maghihiwalay na tayo. Pasalamat ka. . . may respeto ako sa pamilya mo,” madiing saad nito na pabalang pumasok sa kotse. Napangiting tagumpay naman si Radson na marahang isinarado ang pintuan. Kaagad itong umikot sa harapan ng kotse at nagtungo sa driver side. Sumakay ito na nagsuot na muna ng seatbelt. Tahimik lang naman si Thalia na sa harapan lang nakamata. Naiinis pa rin siya sa ginawa ni Radson na basta na lang siyang inagaw mula kay Tristan. Kung hindi lang nito sinabi na may karamdaman ang mother in-law niya, hinding-hindi siya mapapasakay ni Radson sa kotse nito. Nag-drive naman na si Radson. Nakabibinging katahimikan ang naghari sa loob ng kotse nito habang nasa kahabaan sila ng byahe. Kahit gusto niyang makausap ang asawa niya, kita naman niyang wala ito sa mood. Sapat na sa kanya na sa kanya umuwi si Thalia ngayong gabi at hindi sa lalakeng kasama nito. Pakiramdam niya ay siya pa rin ang panalo. "Ahem!" Napatikhim si Radson na napasulyap sa asawa niyang napahalukipkip. Nakabusangot pa rin ito at malayo ang tanaw ng mga matang puno ng lungkot. "Are you cold? Do you need my coat?" alok nito at baka nilalamig na ang asawa niya. Hininaan niya rin ang aircon dahil strapless ang suot ni Thalia at wala manlang itong suot na jacket. "Just drive." Malamig na sagot ni Thalia na hindi manlang siya nililingon. Pilit naman itong ngumiti na tumango. Nanatiling sa harapan nakamata si Thalia. Kahit gusto niya sanang lingunin si Radson at ngumiti ito. Ngayon niya lang kasi nakita iyon. Ang ngumiti si Radson na siya ang kasama. Ngayon niya nga lang din napansin na may malalim pala itong biloy sa pisngi. "Thalia, where did you go? Dalawang buwan kang nawala. Kahit ang mga magulang mo ay hindi alam na umalis ka ng bansa." Muling tanong nito na kalmado ang boses. "Ano ba ang pakialam mo? Let me just remind you, Radson. Sa papel lang tayo mag-asawa. Hindi mo ako pakikialaman. . . at hindi rin kita pakikialaman. Ikaw mismo ang nagsabi niya'n noon, hindi ba?" masungit na sagot ni Thalia dito na napalunok. Napaluwag ito sa kanyang necktie. Para kasi siyang nasasakal at hindi makahinga dahil sa tinuran ng asawa niya. Tama naman kasi si Thalia. Siya mismo ang nagsabi no'n noong bagong kasal silang dalawa. Kaya kahit nagdadala pa siya ng babae sa mismong pamamahay nilang mag-asawa, wala itong narinig na reklamo o panunumbat mula kay Thalia. Kahit nga mag-s*x sila ng babaeng iniuwi niya sa harapan ni Thalia, wala siyang maririnig mula kay Thalia. "G-gusto ko lang namang malaman kung saan ka pumunta. Ano ang mga ginawa mo doon at. . . at kung sino ang kasama mo," mahinang saad ni Radson na umabot pa rin naman sa pandinig ni Thalia. Pilit itong ngumiti na napahinga ng malalim nang hindi sumagot si Thalia. Nakamata lang ito sa harapan at halatang nababagot. "London." Napalunok ito na sinulyapan ang asawa at kita ang gulat sa mga mata na magsalita si Thalia pagkalipas ng ilang minutong katahimikan nila. "Nagbakasyon lang ako doon. I need to take a break. Dahil baka mabaliw na ako sa mga pinagdadaanan ko. At kung iniisip mong kasama ko si Tristan sa pamamalagi ko doon--nagkakamali ka. Hindi ako nakikipag-s*x sa kung sino-sinong lalake. Hindi ako katulad mo. May kalekadesa ako at kahit hindi tayo nagmamahalan. . . wala sa isipan ko ang manlalake." Anito na lihim na ikinangiti ni Radson at napatango-tango. "Yeah. I know," mahinang usal nito na may bahagi sa puso na natuwa sa nalaman at nalungkot din dahil ipinaalala ni Thalia sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang asawa. "Hindi ko naman iniisip iyon. I know you." Dagdag pa nito. Nilingon ito ni Thalia at napataas ng kilay na humalukipkip ng braso sa dibdib. "Really? You know me? Bakit, Radson, ano ba ang mga alam mo tungkol sa akin?" tanong ni Thalia dito na napalunok. "Ahem!" Napatikhim ito na napapilantik ng mga daliring napasulyap sa asawa niyang nakatitig sa kanya. Pilit itong ngumiti na bumaling muli sa harapan ang paningin. "You're right. You are my wife but I didn't know who you are. Wala akong ibang alam tungkol sa'yo. I just know your name. Pero alam ko rin namang. . . hindi mo magagawa iyon. Ang manlalake. Dahil hindi ka mababang uri ng babae. You're a class woman." Anito. "You're sexy and beautiful too." Dagdag pa nito na pero sobrang hina na umabot pa rin naman sa pandinig ni Thalia at lihim na napangiti. Ngayon niya lang narinig si Radson na may magandang sinabi tungkol sa kanya. At aminado ito na may parte sa puso niya ang natuwa. Dahil kahit napaka heartless at napakalamig na asawa ni Radson sa nakalipas na tatlong taon nilang pagsasama. Ito ang unang beses na may magandang sinabi si Radson sa kanya at ibang-iba ang dating no'n sa puso niya. PAGDATING nila sa Parker's mansion, naunang bumaba si Radson na pinagbuksan ng pinto ang asawa nito. Kahit naglahad ito ng kamay ay hindi iyon inabot ni Thalia at bumaba itong mag-isa. Napatingala pa siya sa mansion na mapait na napangiti. "I know that I'm not belong to this family. Pero masaya na ako na minsang naging bahagi ng mansion na 'to," mahinang usal nito na narinig pa rin naman ni Radson. Napahinga ito ng malalim na napailing at humakbang na patungo sa dalawang pintuang nakasarado. Sumunod naman si Radson dito at malamlam ang mga matang nakatitig sa pigura ng asawa nito. Ngayon niya kasi na-realized kung gaano naghirap at nagdusa si Thalia sa kamay niya. Hindi nga niya ito minumura harap-harapan o sinasaktan physically. Pero dinurog niya ito sa puso at itinatak sa isipan ni Thalia na wala itong halaga sa kanya. Na kahit kailan ay hinding-hindi siya ituturing ni Radson na bahagi ng pamilya nila. Na hindi niya ito kailanman ituturing na asawa. Pagpasok nila ng mansion, hinabol niya ito na kaagad pinagsalinop ang mga kamay nila. Napasinghap pa si Thalia na nagulat at napatingala dito. Ito kasi ang unang beses na hinawakan ni Radson ang kamay niya. Kaya hindi niya mapigilang bumilis ang t***k ng puso. "At least we act in front of them that we're good. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanila. Sumang-ayon ka na lang, hmm?" saad ni Radson dito na napalunok at nag-iwas na ng tingin sa asawa nito. Lihim namang napangiti si Radson na hawak-hawak niya ang palad nitong kay lambot. Hindi niya rin maipaliwanag ang nadarama dahil kahit itanggi ng isipan niya? Alam niya sa sarili na masaya siyang hawak-hawak ang palad ni Thalia ngayon at hindi umangal na magkahawak kamay silang haharap sa kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD