NAGULAT ang mag-asawang Edward at Lalyn na bumungad sina Radson at Thalia na magkahawak kamay. Nasa sala ang mag-asawa na napatayo pa na makita ang dalawang bagong dating. Napababa ang tingin nila sa kamay ng mga ito at bakas ang gulat na makitang magkahawak kamay ang mag-asawa.
“Thalia hija? Wow, you look fabulous! Halos hindi kita makilala!” bulalas ni Lalyn na naglahad ng braso.
Napangiti naman itong bumitaw sa kamay ni Radson at yumakap sa mother in-law nito na nakangiting mahigpit siyang niyakap.
“Good evening po, Mommy, Daddy,” pagbati nito na bumeso sa ina at ama ng asawa niyang nakangiti sa kanya.
“Good evening too, hija. Napasugod kayo?” tanong ni Edward na hinaplos pa ito sa ulo.
Tipid itong ngumiti na bumaling kay Lalyn at napasuri pa sa kabuoan ng ginang. Nakapantulog na kasi sila at nagcha-tsaa silang dalawa dito sa sala.
“Uhm, okay na po ba kayo, Mommy? Nag-alala po ako sa inyo na malaman kong may karamdaman ka. Kumusta po kayo?” tanong nito na bakas ang pag-aalala sa tono at mga mata.
Napapilig ng ulo si Lalyn na napaisip kung kailan siya nagkasakit.
“Uhm. . . hindi naman ako–”
“Mommy, ako ang nagsabi kay Thalia na may karamdaman ka. Hindi po ba? Tumawag kayo kahapon at naglalambing na dalawin namin kayo ni Thalia dito at may lagnat kayo?” makahulugang sabat ni Radson na sinenyasan ang mga magulang niyang sumang-ayon sa kanya.
“Ah–o-oo, hija. Nilalagnat nga ako kahapon, hindi ba, honey?” anito na bumaling kay Edward at pinandidilatan ito ng mga mata.
“Ahem! She's right, hija. Mas maayos na siya ngayon pero may sinat pa ang mommy niyo. Kahapon ka pa nga pinapatawag e. Anyway, how are you, hmm? Matagal na iyong huling dumalaw kayo dito a. Is everything okay, hija?” pag-iiba ni Edward at inalalayan nila itong maupo sa gitna nilang mag-asawa.
Napaluwag naman sa necktie sa Radson na napatikhim. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib na muntik siyang mabisto kanina. Ang totoo niya'n, wala talagang sakit ang ina niya. Naisipan niya lang idahilan iyon kay Thalia kanina para sumama ito sa kanya pauwi. Alam niyang maling magsinungaling siya sa asawa niya. Nadagdagan na naman ang libo-libong atraso niya dito. Pero para makasama ito ngayong gabi at maiiwas sa kasama nitong lalake sa Bar, pikitmata siyang nagdahilan.
“Ahem! Maayos naman po ako, Daddy. Kayo po ang inaalala ko. Nagpasuri na po ba kayo sa doctor?” tanong nito na bumaling sa ginang na nakangiti sa kanya at hinaplos ito sa pisngi.
Lihim namang napangiti si Radson. Tahimik na nakamata sa tatlo at kaharap niya ang mga ito. Noon pa man ay gustong-gusto na ng mga magulang niya si Thalia. At hindi niya nakikita kung bakit gustong-gusto nila ito para sa kanya. Pero ngayon. . . naiintindihan na niya ang mga magulang niya. Nakikita na niya ang mga katangian ni Thalia at masasabi niyang kamahal-mahal nga ito.
“Hwag mo akong alalahanin, anak. Maayos na ako. Lalo na ngayon na dumalaw ka. Mabuti na lang sumama ka kay Radson ngayon. Mis na mis ka na namin e. Naku, tiyak na matutuwa rin ang mga kapatid niyo na makita ka. Pero nagpapahinga na kasi sila ngayon e. Pwede bang dito na muna kayo magpalipas ng gabi? Para sabay-sabay tayong mag-agahan bukas,” malambing ungot ng ginang na hawak-hawak ang kamay nito at bakas ang pakiusap sa mga mata nito.
Pilit ngumiti si Thalia na napasulyap kay Radson. Nagtatanong ang mga mata nito kung ano ang isasagot niya.
“Sige po, Mommy. Kung okay lang sa asawa ko. . . bakit hindi,” anito kaya bumaling ulit si Lalyn kay Thalia na alanganing ngumiti.
Nagulat pa si Thalia sa narinig mula kay Radson. Ito kasi ang unang beses na tinawag siya ni Radson. . . na asawa. May bahagi sa puso niya na natuwa pero kaagad niyang binalewala at inisip na sinabi lang iyon ni Radson dahil nakaharap sila sa magulang nito. Idagdag pang may sakit ang ina nito kaya siguro ayaw lang din ni Radson na sumama pa lalo ang nararamdaman ng ina nito.
“S-sige po, Mommy. Namis ko rin po kayong maka-bonding e.” Sagot ni Thalia na ikinangiti ni Lalyn at niyakap itong muli.
“Thank you, hija. Dalas dalasan niyo naman ang pagdalaw dito, hmm?” paglalambing pa nito na pilit ikinangiti ni Thalia at marahang tumango dito.
“Sige po.”
HALOS dalawang oras ding masayang nagkwentuhan ang apat sa sala. Bago nila napagpasyahang umakyat na sa silid nila para magpahinga. Inihatid pa nila ang mga magulang nila sa master's bedroom ng mansion at masayang nag-goodnight sa mga ito, bago sila tumuloy sa silid ni Radson.
Napalunok si Thalia na maging si Radson ay pumasok. Dati-rati kasi, kapag sa mansion sila natutulog, hindi tumatabi si Radson sa kanya. Mas pipiliin pa nitong sa guestroom matulog kaysa makasama si Thalia sa isang silid.
“Uhm, you can use my clothes, Thalia. Para komportable kang matulog,” anito na ikinatango ni Thalia.
Hinubad nito ang stilleto na itinabi sa shoe rack sa likod ng pintuan at tumuloy sa walk-in closet ni Radson. Pumili ito ng white long sleeve polo ni Radson at isang white boxer nito bago pumasok sa banyo.
Kahit kasama niya ito ngayon at abot kamay ay ramdam niya ang mataas na invisible wall sa pagitan nilang mag-asawa. At naiintindihan niya naman na malamig si Thalia sa kanya. Alam niyang masyado ng malalim ang naiukit niyang sugat sa puso ni Thalia. At kahit babawi pa siya ngayon, alam niya sa sariling. . . huli na siya.
Napahinga siya ng malalim na ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Napaunan sa dalawang kamay na magkasalinop at tulalang nakamata sa puting kisame. Malalim ang iniisip at kita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Iniisip ang sitwasyon nilang mag-asawa. Kung posible pa kayang. . . maging maayos ang pagsasama nila.
Nasa gano'n itong posisyon nang lumabas na si Thalia mula sa banyo. Natigilan naman si Thalia na mapatitig kay Radson na nakahiga patihaya sa paanan ng kama. Nakalaylay pa ang mahahabang binti nito na umabot sa sahig at hindi pa hinuhubad ang sapatos nito. Kitang-kita rin ang kakaibang lungkot sa mapupungay nitong mata.
“Ahem! I'm done. You can use the shower now. Saka, hindi mo ako kailangang samahan dito. Nakumbinsi naman natin silang maayos tayo. Pero ngayon lang ito. Sa susunod, sasabihin ko na sa kanila ang totoong sitwasyon natin,” ani Thalia na humakbang na palapit ditong bumangon at napaupo sa gilid ng kama.
Malungkot ang mga mata nitong tumitig sa asawa nito. Lihim pa siyang napangiti na makitang suot ni Thalia ang damit niya. Unang beses kasing nagsuot si Thalia sa kanyang damit. At aminado siyang masaya siyang makitang komportable at bagay kay Thalia ang damit niya. Kahit maluwag ang long sleeve niya dito na umabot ang manggas hanggang gitnang hita niya, napakaganda niya pa ring tignan. Wala na itong make-up pero litaw pa rin ang natural nitong ganda.
“Uhm, it's okay. Dito nga pala ako matutulog,” sagot nitong ikinakurap-kurap ni Thalia na nagulat sa narinig!
“What?!”
“Hindi kita tatabihan sa kama. Alam ko ang lugar ko,” sagot nito na tumayo na at hinubad ang necktie niyang wala na sa ayos. “Sa sofa ako matutulog.”
Napalunok naman si Thalia na napasulyap sa sofa. Kahit maluwag iyon at malambot, hindi niya lubos akalaing mapapatulog niya si Radson sa sofa habang siya ay komportableng hihiga sa malaki at malambot na kama ni Radson.
“Uhm, ako na doon. Ikaw na dito.” Saad nito na tinalikuran na si Radson.
“I insist. Ikaw na dito sa kama. Sige, magsho-shower lang ako,” sagot ni Radson na nagtungo na sa walk-in closet niya at kumuha ng pagbibihisan.
Napahinga ng malalim si Thalia na sumusukong nagtungo sa kama. Ayaw niyang makipagtalo kay Radson. Tahimik namang kumuha si Radson ng pantulog nito at saka pumasok sa banyo para mag-shower.
Muling napabuntong hininga ng malalim si Thalia na napababa ng tingin sa makintab na sahig. Mapait na napangiti na iniisip kung hanggang kailan niya na lamang dadalhin ang apelyedo ni Radson. Alam niyang kahit anong gawin niya ay wala siyang halaga dito. Na hindi siya magagawang ituring na asawa ni Radson.
Alam niyang ginagawa lang ito ni Radson, para sa pamilya niya, para sa imahe niya at higit sa lahat? Para sa kumpanya nila. Dahil malaking kasiraan sa magandang pangalan nila kapag naisapubliko na ang paghihiwalay nilang dalawa. Akala ni Thalia ay madali lang umalis at ibalik ang apelyedo nito kay Radson pero. . . ngayong iniisip na niya ang mga magiging consequence sa paghihiwalay nila, alam niyang malaking scandal iyon hindi lang kay Radson kundi sa buong pamilya Parker.
“What should I do? Nasasakal na rin ako. Pareho lang naman naming hindi ginusto na maitali sa isa't-isa. Dapat pala. . . noon pa ako naging matapang at tumakbo na lamang palayo. Kaysa ang tumuloy sa altar at nanumpa ng habang buhay na pagsasama kasama siya. Akala ko madali lang ito. . . hindi pala,” usal nito na hindi namalayang tumulo ang butil-butil nitong luha sa mga mata.
Sa lalim ng iniisip nito ay hindi niya namalayan na lumabas na si Radson sa banyo. Natigilan pa si Radson na masulyapan si Thalia na nakaupo sa gilid ng kama. Nakamata sa sahig at. . . luhaan. Napalunok ito at parang nahihipnotismo na nilapitan ang asawa niya. Lalo siyang nakadama ng guilt na ito ang unang beses na makita niyang lumuluha si Thalia. Nakalarawan sa magandang mukha nito kung gaano ito kalungkot. At alam ni Radson kung bakit. Dahil siya. . . siya ang dahilan sa mga lungkot sa mga mata nito. Lalo na. . . ang pagtulo ng mga luha nito.
Naupo ito sa harapan ni Thalia at wala sa sariling umangat ang palad. Marahang nitong pinahid ang pisngi ni Thalia na basa na ng luha. Naramdaman naman ito ni Thalia at napatitig sa asawa nitong malamlam ang mga matang nakatitig din sa kanya. Napalunok pa ito na ito ang unang pagkakataon na hinaplos siya ni Radson sa pisngi.
“Pirmahan mo na ang annulment natin, Radson. Para makalaya na tayo. Hindi ba pwedeng pirmahan mo na lang? Magpakasal ka na lang ulit. And this time. . . ang mahal mo na ang pakasalan mo. Tama na iyong tatlong taon na nagsakripisyo ako. Bigyan niyo naman ako ng kalayaan oh? Gusto ko ring enjoy-in ang buhay ko. Buhay ko ito e. Ako dapat ang masusunod kung anong dapat kong gawin. Kung anong gusto kong gawin. Karapatan ko naman iyon, ‘di ba? Karapatan kong maging masaya at maging malaya. Si Amanda, siya naman ang totoong mahal mo e. Bakit hindi na lang kayo ang magsama. Gusto mo bang habang buhay siyang maging kabit mo? Paano mo naaatim iyon? Na gawing pinakamababang uri ng babae ang mahal mo? Gayong may pagkakataon ka namang gawin siyang legal wife mo,” pagkausap ni Thalia dito na napalunok at ibinaba ang kamay.
“You don't understand,” usal ni Radson dito.
“E 'di ipaliwanag mo. Sige, makikinig ako, Radson. Kahit palabasin mong naglalake ako, nagtaksil ako, na hindi ako naging mabuting may-bahay sa'yo sa loob ng tatlong taon. Kahit maging masama na ako sa paningin ng publiko, para hindi masira ang imahe mo at ang kumpanya niyo. Basta. . . palayain mo na ako. Okay lang, Radson. Ako na lang ang magsasakripisyo. Nakahanda akong masira ang pangalan ko sa publiko. Basta. . . maghiwalay na tayo.” Pakiusap ni Thalia dito na panay ang tulo ng luha.
Nilingon ito ni Radson na malamlam at malungkot ang mga matang tumitig sa asawa nito. Hindi niya lubos akalain na lahat gagawin ni Thalia, makalaya lang siya sa kamay nito.
“Ganyan mo ba kagustong maghiwalay na tayo, Thalia?” mapait nitong tanong sa asawa na tumango.
“Para din naman ito sa'yo, Radson. Makakalaya ka. Mapapakasalan mo na si Amanda. Malaya na kayong magsama sa iisang bubong at bumuo ng pamilya niyo. Hindi ba, kayo naman talaga ang magkasama ngayon kung hindi lang siya sumama– ahem! Kung hindi lang siya umalis ng bansa para sa pangarap niya. Pero nagmamahalan pa rin naman kayo e. At tayo? Tayo hindi tayo nagmamahalan, Radson. At napaka imposible na maging masaya ang pagsasama nating una pa lang ay pinilit na.” Wika ni Thalia dito na napailing.
“Bakit imposible na maging masaya tayo, Thalia? Why?” tanong nito na hindi napansin ang pagkakadulas ng dila ni Thalia kanina tungkol sa girlfriend nitong si Amanda.
“Why? Because we don't love each other and we don't want this marriage, Radson. Hindi ba? Ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sa'yo. Pareho nating ayaw ang isa't-isa. Pareho lang tayong napilitan na magpakasal noon dahil sa pamilya natin. Pero ngayon? Iba na kasi e. Nakakapagod na, Radson. Upos na ako e. Gusto ko nang maging malaya. Naging mabuting asawa naman ako sa'yo sa loob ng tatlong taon, ‘di ba? Kahit ito na lang, Radson. Kahit ito na lang ang ibigay mong kapalit nang pagiging mabuting may-bahay ko sa'yo sa tatlong taon nating pagsasama. Ang pirmahan mo ang annulment natin. Kahit palabasin mong marumi akong babae at masama. Wala kang maririnig na pagtanggi mula sa akin. Tutulungan pa kitang kumbinsihin ang publiko na ako ang nagloko kaya tayo naghiwalay. Just please, sign our annulment.” Pakiusap ni Thalia dito na napahilamos ng palad sa mukha at napabuga ng hangin.
“But. . . I can't sign those papers easily just like that.” Mababang saad nito na malayo ang tanaw ng mga mata nitong kita ang halo-halong emosyon.
“Bakit? Bakit hindi mo mapirmahan? Gagawin ko ang lahat para hindi ka masira sa paghihiwalay natin. Bakit hirap ka pa ring pirmahan ang mga iyon, Radson? Bakit?” tanong ni Thalia dito na napailing at mapait na napangiti.
Napalunok si Thalia na makitang may tumulong luha sa pisngi nito habang nakatulala lang at kita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Para siyang kinurot sa puso na makitang tumulo ang luha ni Radson at dama din niya ang bigat na nadarama nito dahil sa sitwasyon nilang mag-asawa.
“I. . . I don't know, Thalia. Basta. . . basta ayoko. Ayokong pirmahan ang mga iyon. Ayoko,” nanginginig ang boses nitong saad na napayuko at yumugyog ang balikat na ikinaawang ng labi nitong nakamata kay Radson na alam niyang. . . umiiyak.
“R-radson.”