KINABUKASAN ay naunang nagising si Thalia kay Radson. Matapos ang awkward moment na namagitan sa kanila kagabi na umiyak si Radson sa harapan niya, nagpahinga na silang dalawa. Natulog si Radson sa sofa, habang si Thalia naman ay natulog sa kama. Mapait itong napangiti na malamlam ang mga matang tumitig kay Radson na nahihimbing sa sofa. Maingat itong humakbang palapit dito at naupo sa harapan ni Radson. Parang may sariling pag-iisip ang kamay niya na umangat at magaang hinaplos sa ulo si Radson. Napalunok pa siya na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Ngayon niya lang kasi hinaplos sa ulo si Radson habang nahihimbing ito. Dati na niyang nakikitang nahihimbing si Radson. Minsan pa nga ay may babaeng nakayakap dito at parehong hubad na kumot lang ang nakatabing sa katawan nila. Pero ni

