MATAPOS mag-agahan ay gumayak na rin si Thalia at Radson. Inihatid pa sila ng pamilya ni Radson sa garahe at halos hindi pakawalan si Thalia. Habang nasa daan, nakabibinging katahimikan ang naghari sa loob ng kotse. Gusto mang kausapin ni Radson ang asawa nito pero nanahimik na lng siya. Tahimik na kasi ulit si Thalia. Wala na ang ngiti sa mga labi. Hindi katulad nang nasa harapan sila ng pamilya ni Radson. Ngayon niya lang nakitang nakangiti at tumawa si Thalia. At dahil iyon sa kanyang pamilya. Hindi nga siya nagkamali na mas gumaganda si Thalia kapag nakangiti ito o tumatawa. “Uhm, gusto mo bang sumama sa akin sa opisina? Baka lang may free time ka pa at gusto mong dalawin ang opisina ko,” pambabasag ni Radson sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. “No, I have plans today. Is

