KAHIT hindi humarap si Radson sa kanilang hapunan, masayang idinaos ng pamilya nito ang kaarawan ni Thalia. Simpleng salo-salo lang iyon sa kanilang pamilya pero– napakasaya ni Thalia dahil ito ang unang beses na nag-celebrate siya ng birthday at kasama pa ang bagong pamilya niya! “Siya nga pala, anak. Gusto mo bang mag-party tayo dito bukas? Para dito sa birthday mo,” wika ni Lalyn habang kumakain sila ng dessert. Kaagad namang umiling si Thalia at ngumiti. “Hwag na po, Mommy. Salamat po pero– mas gusto ko po na gan'to ang pag-celebrate sa kaarawan ko. Na kasama ko ang pamilya ko,” sagot ni Thalia. Napangiti naman ang mga ito. Kung ibang babae lang si Thalia, lalo na't asawa na ito ng isang kilalang tycoon billionaire, gusto nito ng grandeng birthday party para maipakita sa mundo kung

