MABILIS lumipas ang mga araw at linggo sa pagsasama nila Radson at Thalia. As usual, napakalamig nilang dalawa sa isa't-isa. Kusa kasing umiiwas si Thalia at inilalayo ang sarili kay Radson. Tama ang kaibigan niya, siya ang madudurog kapag mahulog ang loob niya kay Radson, lalo na't kita at alam niyang walang interes si Radson sa kanya. Isang araw, nagkaroon ng problema sa kumpanya si Radson, dahilan para hindi na nito magawang makauwi sa kanyang asawa. Sa opisina na ito natutulog dahil malaki ang ibinagsak ng sales nila sa isang buwan! It's their family legacy. Ang Parker's Pharmaceutical ang pinakakilalang kumpanya nila sa bansa. Kahit na may mga hotel, condominiums at restaurants ang pamilya Parker, ang Pharmaceutical nila ang pinaka pinapahalagaan nilang pamilya dahil nagmula pa ito

