MADALING araw na nang makauwi si Radson. Kahit naparami ang nainom nito, nakaya pa rin naman niton umuwi– kay Thalia. Dahil naging abala siya sa kumpanya, hindi niya namalayan na halos dalawang linggo na pala siyang hindi nakauwi. Pagdating nito sa bahay, pagewang-gewang itong maglakad dala ng kalasingan at inaantok na rin ito. Para na nga siyang matutumba pero pinilit niyang umakyat sa silid para doon matulog. Naramdaman naman ni Thalia ang pagdating ng asawa niya. Maingat siyang bumangon ng kama, nagtungo sa pintuan at pinakinggan ang mga yabag ni Radson. Nakahinga siya nang maluwag na marinig na wala itong ibang kausap, na mag-isa lang itong umuwi ngayon. Napangiti si Thalia na naginhawaan dahil umuwi na din sa wakas ang asawa niya. Iba ang dating sa puso niya na umuwi na si Radson–

