NAPANGITI si Edward na makita ang asawa niyang nasa silid ng anak nilang si Leigh. Malalim ang iniisip na yakap-yakap ang paboritong purple teddy bear ni Leigh na human sized ang laki. "Halika, anak." Pagtawag niya sa anak nito. Nanginginig pa rin ang buong katawan ni Leigh dahil sa nangyari. Kahit ligtas siyang nabawi ng pamilya niya mula sa sindikato, parang naka-freeze pa rin ang isipan niya sa kaganapan sa warehouse kung saan ito nanggaling. Inakbayan ito ni Edward. Sabay silang dahan-dahang pumasok ng silid. Naramdaman naman ni Lalyn ang mga ito na napalingon sa dalawa at naluha na mapatitig sa dalagang kasama ni Edward. Napahagod siya ng tingin sa anak niya. Gusot-gusot ang uniform nito. Madungis na rin iyon at maging ang buhok nito ay sabog-sabog. May pasa din sa pisngi nito

