Chapter 68

1808 Words

DUMATING ang oras na itinakda ni Don Tonio. Hindi naman nabigo si Edward at tumawag din ang hinihintay niyang caller. "General Parker, how are you?" wika ng matanda sa linya. Napapalunok si Edward na nakamata sa screen ng laptop nito. Nakatutok ang camera sa anak niya-- si Leigh. Nakaupo ito sa isang silya. May piring ang mga mata, naka-tape ang bibig at nakagapos. Sabog-sabog din ang buhok nitong wala na sa ayos ang pagkakapusod. Naikuyom ni Edward ang kamao. Ni minsan, hindi niya sinaktan ang mga anak niya. Ni hindi naranasan ng mga anak niyang mapalo ng ama nila. Dahil iniingatan ni Edward ang mag-iina niya. Pinalaki niya ang mga ito na puno ng pagmamahal at inaalagaang maigi. Pero ngayon, may taong nanakit sa pinakamamahal niyang anak. Bilang ama, naghahari ang galit sa puso ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD