PUMUNTA si Amanda sa bahay ni Radson at matyagang naghintay doon. Alam niyang minsanan lang umuwi si Radson sa mansion nila. Kaya dito na lamang niya hihintayin. “Dito pa rin kaya nakatira ang Thalia na ‘yon?” usal nito na sumisilip silip sa bintana ng taxi. “Ms, bumaba ka na kaya? Baka mamaya ay mapagkamalhan pa tayong may masamang pinaplano d'yan sa bahay na ‘yan. Ayokong madamay sa anumang pinaplano mo,” ani ng driver dito na ikinalingon niya sa driver. “Ano'ng pinagsasabi mo, manong? Excuse me, huh? Boyfriend ko ‘yong nakatira sa bahay na iyan at gusto ko sana siyang surpresahin pero mukhang wala pa siya,” dipensa nito sa sarili sa driver. “Isa pa, babayaran naman kita a. Hindi ka pa nga lugi dahil nakahinto ka, nakakatipid ka sa gasolina,” ingos nito. “Bobo, diesel ang gamit k

