Mabilis ang bawat kilos ni Trinity. Wala pang tatlumpong minuto ay nasa ibaba na siya ng condo unit niya at naghihintay kay Edward. Mabilisang linis lang ng katawan ang ginawa niya. Parang ayaw nga niyang maglinis ng katawan. Ayaw pa sana niyang matanggal ang amoy ni Edward sa katawan niya. They made love the whole night last night. Nagniig sila na para bang wala ng bukas. Last night was the best night. Last night Edward took the lead in their lovemaking. Ilang beses niyang naabot ang langit at walang kapantay na saya at sarap sa piling nito. And yes it was a love making at hindi na basta séx lang iyon. Nararamdaman niya iyon. Sa bawat haplos at halik ni Edward ay nararamdaman niya ang pagsuyo. And she is indeed the happiest woman at this moment. Ang tagal niya kasing hiniling ang pagka

