Kapwa na may hawak na beer ang kanang mga kamay habang nakalublob sa tubig ang ibabang bahagi ng mga katawan. They were laughing while teasing each other. Sinasabuyan siya ni Edward ng tubig habang panay ang iwas niya ng kanyang mukha. “Stop, Eduardo!!” Tili niya. Tinalikuran niya ito at tinungga ang lahat ng laman ng beer. Tinapon niya ang wala ng laman na can sa batuhan saka hinarap si Edward. Gumanti siya sa pagsaboy rito ng tubig kasabay ng kanyang matinis na mga halakhak. Ang pakiramdam niya ay tila siya bumalik sa nakaraan. Ang kanilang mga halakhak ay umalingawngaw, kasabay ng ingay ng tagaktak ng tubig mula sa falls at agos nito. “Trinidad, stop! Stop!” tumalikod si Edward mula sa kanya kasabay ng halakhak nito. “Ano ha? Kanina pinapatigil kita ayaw mong tumigil. Ito sayo!!!

