“May sasabihin ka ba?” Natatawa niya ring tanong. “Parang mas mahalaga ‘ata ang sasabihin mo kaya sige, ikaw na ang mauna.” Edward smiled. Ngunit ang ngiti nito ay hindi umabot sa mga mata nito. Bigla ang pag bundol ng kaba sa kanyang dibdib dahil sa nababanaag na lungkot sa mukha nito. “Trinity, I will leave the country again.” Wika nito sabay gagap ng kanyang palad. Sa mga sandaling ito ay parang pinukpok ang puso niya. Kumudlit ang sakit at mabilis na kumalat ang hapdi sa buo niyang sistema. Para siyang panandalian na nabingi at hindi na proseso ng sistema niya ang sinabi nito. “Y-You're leaving?” utal niyang tanong. Kahit na malinaw naman ang pagkarinig niya ng mga salitang lumabas sa bibig nito. Aalis ito at iiwan siya. “Oo.” walang gatol na tugon ni Edward. “W-Why? Bakit mo

