Bumabyahe sila ni Manong Tonio patungo sa ancestral Mansion ng marinig ang tunog ng pag-ring ng cellphone. Hindi niya iyon binigyan pansin. “Ma'am, telepono niyo po.” “Telepono ko po?” Takang tanong niya. Alam niya kasing naiwan niya ang cellphone niya sa kinaroroonan nila kanina ni Edward. “Pinadala po sa akin ni, Ser Edward ang bag nyo kanina.” Mas lalong tumindi ang sama ng loob niya. Plinano talaga ng gago ang lahat. The passionate night they had last night, at ang pagdala nito sa kanya sa ilog. Lahat ng iyon plinano ng hayop. Pinaligaya muna siya nito bago saktan. Hayop. Nakakaputangina. Ayaw niyang sagutin ang tawag. Iniisip niya na baka si Edward lang yun. Simula ngayon ay gagawin niya ang lahat upang makalimutan ito. Ito kasing lintik na puso niya. Sabi nang huwag umasa ‘e!

