Kulay kahel ang buong kapaligiran. Nag re-reflect sa lake ang paglubog ng haring araw umiihip ang malamyos na hangin at humahampas iyon sa kanyang katawan at sinasayaw ang kanyang may kahabaan na buhok.
Nakatayo siya sa gilid ng lake at mataman na tinitigan ang sariling reflection sa tila crystal na linaw ng lake. Naaninag niya maging ang reflection ng pine trees. Napangiti siya. Ang kanyang nakikita ay tila isang larawan na madalas niya lamang makikita sa mga paintings. Napapangiti na inangat niya ang paningin.
Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti at sobrang namangha ng makita ang nagkalat na mga swan sa lake. The pine trees, the crystal clear water, the green zoysia grass, and the swan that peacefully floating in the lake and a beautiful sunset, in one frame. It was panoramic and scenic at the same time.
Napakaganda.
Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay para siyang nasa isang paraiso. Isang imahe ang biglang lumitaw sa kanyang isip. Kung sana ay kasama niya ngayon ang isang tao na pinakamahalaga sa buhay niya.
Napalingon siya sa kanyang kanang bahagi kung saan naroon si Edward. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Kung sana ay narito ngayon ang taong iyon kasama niya at ni Edward. Siya na siguro ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.
Nakaguhit ang ngiti sa labi ni Edward habang kausap nito ang may edad na Swiss na kausap nito kanina ng dumating sila rito sa campsite. Tumatango-tango si Edward at hindi maalis-alis ang ngiti nito sa labi. Ang may edad naman ay panay rin ang ngiti at ang mga kamay ay kumukumpas sa ere habang nagsasalita.
Trinity sighed. Hanggang pangarap at panaginip na lang siguro ang lahat. Kesa isipin iyon. She averted her face and stared back into the beautiful view in front of her.
“My hat! Honey, my hat!”
Malakas na tinig ng isang babae mula sa kanyang likuran. Akma niya itong lingunin. Ngunit nahagip ng kanyang paningin ang isang white floppy hat. Agad siyang yumuko at pinulot iyon saka binalingan ang babae.
Isang babaeng nakaupo sa wheelchair ang kanyang nakita na ilang metro mula sa kanyang kinatatayuan. Itinaas niya ang sumbrero habang nakatingin sa babae.
The woman nodded.
Agad na humakbang siya tungo sa babae at ibinigay dito ang sumbrero.
“Thank you!” Nakangiting pasasalamat ng babae.
“Sure thing, ma'am!” tugon niya sabay bahagyang tango at ngiti.
“Honey, I told you to tie the hat on your neck so it won't be blown by the wind.” wika ng lalaki na lumapit sa kanilang kinaroroonan.
Nilingon niya ang lalaki at tinitigan ito sa mukha. To her surprise. Ito ang lalaking may edad na kausap ni Edward.
“Oh, my bad, honey. I untied it. I want to feel the wind blowing through my hair so I remove the hat. But the wind blew it right the moment I untied the tie.” pagpapaliwanag ng babae.
Tumungo sa mukha ng babae ang lalaking may edad at kinintalan nito ng halik sa labi ang babae. “It's okay, honey,” hinaplos ng may edad na lalaki ang ulo ng babae saka ngumiti. “Feeling better now!”
“I am, Jullian.” Nakangiting tugon ng babae.
Kung hindi siya nagkakamali ay mag-asawa ang dalawa. Basi sa halik na iginawad ng may edad na lalaki sa babae. Ang kislap sa mga mata ng mga ito habang nakatitig sa isa't-isa ay isang patunay ng isang wagas na pagmamahalan.
“Hello, Mrs. Whitlock. It's nice to see you again.” Si Edward mula sa kanyang likuran.
“You too, Edward. Are you with this beautiful young lady?” lumingon sa kanya ang babae.
“Yes, Mrs. Whitlock,” tugon ni Edward saka ito lumingon sa kanya. “Trinity, Mr. and Mrs. Whitlock, the old owners of our house.” pagpapakilala nito sa mag-asawa sa kanya.
“Oh!” Mangha niyang bulalas. “Hi, Mr. Mrs Whitlock. I am Trinity. Trinity Quijano.” Nakipag-kamay siya sa mag-asawa. “Glad to have met you both!”
“Oh, darling, the pleasure is ours! I am very glad to finally meet the woman behind this successful young man!”
Muli ay bumangon ang kirot sa kanyang dibdib. ‘Si Althea. Si Althea ang babaeng tinutukoy mo. Hindi ako.’ Hindi mabilang kung ilang beses siyang napalunok dahil pakiramdam niya ay biglang may kung anong humarang sa kanyang lalamunan.
“So when is the wedding?” Si Mr. Whitlock.
“Oh no! Edward and I.”
She paused.
Napalingon siya kay Edward. Isang mariin na paglunok ang kanyang muling ginawa.
“Edward and I were just best friends.”
She said those words while staring straight into Edwards's eyes. Hindi siya kumurap at ni hindi man lang pumiyok ang kanyang boses. Bestfriend lang naman talaga ang papel niya sa buhay nito at wala ng iba pa.
‘Best friends with benefits.’
Dugtong ng isip niya.
Mas mabuting sa kanya na nagmula ang katotohanan na iyon kesa rito dahil siguradong mas masakit iyun.
Ngumiti pabalik sa kanya si Edward.
“Indeed, Mr and Mrs Whitlock. Trinity is my best friend. A best friend that everyone wishes to have. I am one lucky man to have a best friend like her.”
Tulad ng ginawa niya. Tumitig ito sa kanya at sinabi ang mga katagang iyon sa kanya habang nakapagkit sa mga labi ang ngiti at hindi kumukurap.
Ang tanga niya.
Para niya lang binudburan ng asin ang sugat sa dibdib. Mabilis na binawi niya ang paningin mula kay Edward. Kahit mahirap ay nagawa niyang humarap sa mag-asawang whitlock ng may nakapagkit na ngiti sa labi.
“Oh really?”
Nanlaki pa ang mga mata ni Mrs. Whitlock na tila ba hindi makapaniwala. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Edward.
“But you two look good together.”
Mahihimigan sa boses ni Mrs. Whitlock ang panghihinayang. Napatingala ito sa asawa at napailing na tumitig kay Edward.
Nagpakawala ng mahinang tawa si Mr. Whitlock. Umiling pa ito na tumitig sa asawa bago nito inangat ang paningin at tumitig sa kanila ni Edward.
“You know, Edward, marrying my best friend is the right decision I ever made,” nilingon muli ni Mr. Whitlock ang asawa nito at tinitigan ito na may kinang sa mga mata. “This woman here beside me is my best friend. I fvcked up a lot of times. Through my worst, she never left me. She is the only one who stays when everyone turns their back on me.”
“No. I did not choose to stay beside you, Jullian. You beg me to stay!” Inirapan ni Mrs. Whitlock ang asawa nito.
Napangiti siya. Maging si Edward ay mahinang natawa.
Mr Whitlock laughed. Tinunguan nito ang asawa at muling kinintalanan ng halik ang mga labi nito. “And I am glad that you stay, Honey!”
“I don’t believe that you two were just best friends. Maybe yes today you are best friends. But you two will definitely wake up one day realizing that being best friends is not enough, that you both can’t leave without each other and that you are in love.” si Mrs. Whitlock na palipat-lipat muli ang tingin sa kanila ni Edward. Titig na tila binabasa ang mga nakatagong damdamin sa kasuluk-sulukan ng kanilang mga isip. “Especially you, sweetheart,” tukoy ni Mrs Whitlock sa kanya. “I saw myself in you. My young self when I am madly in love with this asshole beside me.”
Mr. Whitlock and Edward both laugh. Habang siya ay bigla napayuko. Ganun ba siya ka obvious? Tinitigan lang siya ni Mrs. Whitlock sa mga mata ay agad na nito nabasa ang damdamin niya. Hindi naman lingid kay Edward ang nararamdaman niya. She confessed her feelings to him nine years ago.
Ngunit ang sabihin ng iba ang nararamdaman niya sa harap niya at ibang tao maging sa harap ni Edward ay naghahatid sa kanya ng hindi kaaya-ayang pakiramdam.
Nanlalamig siya, lumalakas ang pintig ng kanyang puso. She is a cardiologist. Nag-aalaga ng puso at nag bibigay lunas sa mga taong may sakit sa puso. Ngunit sariling puso niya ay hindi niya magawang pangalagaan at pagalingin.
Hindi man hayagan na sinasabi ni Mrs. Whitlock na nakikita nito sa kanyang mga mata ang pagmamahal niya para kay Edward. Malinaw ang kahulugan ng mga katagang huling sinabi nito na tumutukoy sa kanya at sa kanyang damdamin para kay Edward.
---------
Tuluyang nilamon ng gabi ang buong kapaligiran. Humalili sa sikat ng araw ang maliwanag na sinag ng buwan. It was still a full moon. Malinaw ang kalangitan at napapalamutian ng mga kumukutitap na liwanag ng bituin at nagre-reflect iyon sa lake.
“Hindi ka ba nalalamigan?” Si Edward na biglang nagsalita mula sa kanyang likuran.
“Hindi. Masarap sa pakiramdam ang ihip ng hangin.” tugon niya na sa lake ang atensyon.
“Umupo ka baka mangawit ang mga binti mo sa kakatayo,” inilapit nito sa kanya ang isang folding chair at inayos iyon. “May mga binili pala ako kaninang spare cloths natin at meron din mga hygiene stuff. Baka gusto mong mag palit ng damit.”
Napalingon siya rito. Nagtatanong ang isip niya sa kung bakit bigla ay ginawa nito ang bagay na ito ngayon. He should be at home right now, watching over Althea and the kids. May nababanaag siyang emotion sa mga mata nito. Emosyon na hindi niya mapangalanan.
Ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang pag-e-effort nito ngayon. Marahil ay ginawa nito ang lahat ng ito upang bumawi sa lahat ng sakripisyo niya para rito.
“Thank you, Edward!”
Thank you is the only word she could utter. Nililimitahan niya ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig dahil baka umalpas ang mga bagay na gustong-gusto na niyang sabihin at mga bagay na matagal na niyang kinikimkim at tinatago.
“Trinity,” Edward took a deep sigh. Tila ba ito nahihirapan na sambitin ang mga katagang gustong sabihin. Bahagya itong napayuko at ilang segundo pa bago ito muling napaangat ng tingin saka tumitig sa kanya. “Mahalaga ka sa ‘kin. Sobrang mahalaga ka.” tumigil ito sa pagsalita ngunit ang labi ay nanatiling nakabuka. May kung ano itong gustong sabihin ngunit tila ito nahihirapan na sambitin iyon.
“I want to clean myself. Nasaan ang mga damit at hygiene stuff?”
Kailangan niyang putulin ang tensyon sa kanilang pagitan. Ayaw niya rin naman na ituloy nito ang sasabihin. May ideya na kasi siya kung ano iyon. Alam niyang masakit ang sasabihin nito. Ipamukha lang nito ulit sa kanya na mahalaga siya bilang kaibigan.
She cleaned up herself and changed her clothes. It's amazing how Edward knew her taste. Mula sa kulay ng damit at size ng underwear. Paano ba naman nito hindi malaman ang size niya, ‘e mabilang lang sa daliri ang gabing hindi siya nito kaniig sa tuwing nandito siya sa Switzerland.
Kapwa na nakaupo sa loob ng tent. Nakabukas ang tent flap at nasa kanilang gitna ang mga canned beer. Kapwa nakahawak ng canned beer at halos sabay pa minsan kung tumungga.
“Sa tingin mo. Kung natuloy ang kasal natin ten years ago, natutunan mo na kaya akong mahalin ngayon?” Bigla ay nadulas sa labi niyang sambit habang nakatitig sa matatayog na pine trees. She was a bit drunk. Naka sampung bote na siya ng canned beer.
Edward did not answer. Sa halip ay nagpakawala lang ito ng marahas na hangin.
“Siguro kung naikasal tayo noon we might be happy right now and having kids. O baka, miserable din. Hindi mo ako mahal ‘e.” Nilingon niya ito. He saw Edward swallow. Nakatitig lang ito sa kanya nababalot ng hindi maipaliwanag na emosyon ang mga mata.
She is a bit drunk. Ngunit malinaw niyang nakikita ang mukha nito. Maliwanag ang lantern lights sa loob ng tent at maliwanag ang buwan sa gabi. Sapat upang malinaw na mabanaag niya ang mukha nito at emosyon na bumabalot sa mga mata.
“Sinukuan kita, dahil akala ko maging masaya ka. I gave up because I want you to be happy. But look at you now. You are in pain. Ano ba ang nangyayari sayo? Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa lintik na pagmamahal mo para kay Althea, ha, Edward?”
Edward averted his face from her. She saw how he clenched his jaw. Marahas na tinungga nito ang canned beer at nilukumos iyon sabay marahas na binato.
“You are pathetic. We are pathe—”
Hindi niya na ituloy ang gustong sabihin. Edward harshly grabbed her by her nape. He crashed his lips on her. Marahas, mariin at mapagparusa siya nitong nilukumos ng halik.
Sa halip na itulak niya ito ay kumabig ang kanyang braso sa leeg nito at tinumbasan niya ng kasing pusok ang halik nito. Pinagsaluhan ang mapusok na halik na muling naging mitsa upang pukawin ang init ng pagnanasa sa kaibuturan ng bawat isa.
In the blink of an eye. She found herself again naked underneath Edward's warm and naked body.