CHAPTER 4.

1606 Words
Sakay ng Porsche open roof sports car ay tahimik na binabagtas nila ang mahabang daan. Hindi alam ni Trinity kung saan siya dadalhin ni Edward. Pumagitna ang mahabang patlang sa kanilang pagitan at wala ni isa sa kanila ang tila may balak na putulin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinatangay ng hampas ng hangin ang kanyang may kahabaan na tuwid at itim na buhok. Ang kanyang paningin ay itinuon niya sa berdeng kapaligiran na kanilang nadadaanan. She did her very best na hindi lingunin si Edward because she knew that the moment she turned her gaze to him ay makikita nitong muli ang emosyon na bumabalot sa kanya. Ayaw na niyang maging kaawa-awa pa sa paningin nito. Sapat na iyong siya ang naaawa sa sarili niya. Kaya niya pa naman e-handle iyon. Tumigil sa tapat ng isang supermarket ang sasakyan. Nararamdaman niya ang pagbukas ni Edward ng pintuan sa side nito. “Wanna come with me inside the supermarket?” Tinapunan niya ito ng sulyap. “No. Hihintayin na lang kita rito.” Muli ay ibinaling niya ang paningin sa kaliwang bahagi. “Trinity.” Muli nitong sambit sa pangalan niya. Nilingon niya ito. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ito sa mukha. Bumuka ang labi nito ngunit tila nito hindi maapuhap sa sarili ang salitang gustong sabihin. Edward hieved out a deep sigh. “May i-papabili ka ba?” “Wala.” Maikling tugon niya. Edward closed the car door. Tumitig muna ito sa kanya partikular sa kanyang mga mata. Ngunit agad niyang iniwas ang tingin mula rito. Hanggang sa narinig niya ang papalayong yabag nito. Isang marahas na paghinga ang kanyang ginawa. Sumagap siya ng hangin. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at piniling ipikit ang mga mata. She must stop. Kailangan na niyang bumitaw. Ang konting pag-asa na pinanghahawakan niya ay unti-unti nang naglaho. Binuksan niya ang mga mata at tumingala sabay singkit ng mga mata. Nakakasilaw ang sinag ng araw. Hindi naman siguro sasama ang loob ng isang taong mahalaga sa kanya ng lubusan kung sakaling bibitawan niya si Edward. Malawak ang pag-unawa ng taong yun at sobrang mahal siya. “I miss you so much!” Nakangiti niyang usal. Tatawagan niya ang mama niya mamaya. Namimis na niya ang boses ng ina at ang halakhak ng kanyang papa Colorado. Maging ang ngiti at malamyos na tinig ng taong pinakamahalaga sa kanya. Kapag ganito na sobrang down siya, at nasasaktan. Wala siyang ibang gusto kundi ang magkulong sa bisig ng kanyang ina at Maramdaman ang mahigpit na yakap ng kanyang ama. Maging ang panunukso ng mga kapatid na sina Caleb at Crane ay bigla niyang namimis. Umabot sa kanyang pandinig ang mga yabag ni Edward. Nakakatawa lang dahil maging ang tunog ng mga yabag nito ay memoryado na niya. May mga kung ano itong nilagay sa likod bahagi. Hindi na siya nag-abalang lingunin kung ano ang pinamili nito sa supermarket. Wala nga siyang ideya kung saan siya nito dadalhin. Ilang sandali lang ay pumwesto na ito sa driver's seat. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinaharurot nito iyon paalis. Sa isang camping site siya dinala ni Edward. Agad na bumaba siya ng tumigil ang sasakyan. Nakakamangha ang buong paligid. Matataas na pine tree ang nakahilera sa kaliwang bahagi ng campsite at nag re-reflect iyon sa malinaw na tubig ng lake. Berde na berde naman ang mga zoysia grass na nakapalibot sa buong campsite. May ilang mga pamilyang campers na naroon. May mga batang tumatakbo ng paroo't-parito malapit sa lake, at ilang grupo ng kabataan na nagkakasiyan ilang metro ang layo mula sa kanyang kinaroroonan. Lumingon siya. Hinahanap ng paningin si Edward. Nakita niya itong kausap ang isang Swiss. Sa sobrang tagal na ni Edward dito sa Switzerland marami na itong taong kilala at nakakasalamuha dito sa Interlaken. Matapos nitong kausapin ang isang lalaking swiss ay tumungo ito sa sasakyan at kinuha ang dalawang malaking mga supot sa backseat. Agad na humakbang siya tungo sa sasakyan. Nang makalapit kay Edward ay agad na kinuha niya rito ang isang malaking supot. “Akin na itong isa. Saan ba tayo pupwesto?” “Ikaw saan mo gusto?” balik tanong nito sa kanya. “Pwede tayong pumwesto malapit sa lake. As far as I remember mahilig ka sa ilog. May dala akong picnic sheet at may tent din. Naisip ko kasi na baka gusto mong magpalipas ng gabi dito at bukas na ng umaga bumalik.” Bigla ay naangat niya ang mukha at napatitig siya sa mukha nito. Parang ayaw paniwalaan ng isip niya ang mga narinig mula rito. Ayaw nitong malayo ng matagal sa tabi ng mga bata at kay Althea. Umaalis man ito ngunit saglit lang at agad bumabalik. Binitawan nga nito ang pagiging piloto alang-alang kay Althea. Naalala pa rin pala nito ang hilig niya sa ilog batis at lawa. When they were young, madalas ay dinadala siya nito sa ilog na nasa farm ng mga ito sa batangas. Madalas na tumatambay sila sa kubo malapit sa batis at halos kalahating araw na nagtatampisaw sa ilog. “Trinity!” Untag nito sa kanya. Napapitlag siya at napakurap. “Tara na. Ako na magdadala nito,” kinuha niya mula rito ang isa pang bitbit nitong malaking supot. “Dalhin mo na lang ang tent at picnic sheet,” aniya sabay talikod at hakbang paalis. Tumigil siya ilang metro mula sa lake. Saka inilapag sa green na zoysia grass ang mga supot na bitbit. Tinanggal niya ang suot na wedge sandal saka inapak ang paa sa damuhan. Tumusok sa talampakan niya ang matulis na dulo ng damo. The tip of the grass brought a tingling sensation to the sole of her foot dahilan upang mapangiti siya. Edward places a picnic sheet on the ground. Kapagkuwan ay ipinatong nito ang isang basket na naglalaman ng mga fruits, sandwiches at dalawang bote ng wine. Namangha siya. Did he prepare all of the stuff without her noticing it? Kaninang umaga lang naman niya ito niyayang i-date siya. Tinulungan kaya ito ni Savannah o ni Manang Minda? Why did he suddenly put an effort into a date na siya naman ang nagyaya? Pagkatapos nitong ayusin ang picnic sheet ay muli itong tumayo at humakbang paalis. “Saan ka?” Hindi niya napigilang tanong. “I need to get some stuff inside the car.” Nakangiti nitong tugon sa kanya. “Marami pa ba? Tutulungan kita.” “No. You stay here. Ako na ang gagawa!” He smiled at her. Ang ngiti nito ay kumikiliti sa puso niya. Suwail talaga. Parang hindi siya nito ininsulto kanina ‘a. Nagtatampo siya at nasaktan sa paraan ng paghalik nito sa kanya kanina. Pero heto siya. Pinakitaan lang ng maganda at nginitian ni Edward ay nalusaw na naman ang inis, tampo at galit na nararamdaman niya. Ang rupok niya talaga. Kainis. Tent at ilang gamit pa para sa tent ang kinuha nito mula sa sasakyan. Dalawang malaking unan at isa pang basket. It took fifteen minutes for Edward to build the tent. Nakakamangha lang. Kumpleto sa gamit ang loob ng tent. Unan sheets at blanket. Nagkabit rin ito ng lantern lights. He really did put an effort into this date. Sobrang bilis naman nito nakapaghanda. Nakasunod ang kanyang paningin sa bawat galaw nito habang inaayos nito ang tent. His muscles are flexing in his every move. Napaka-sexy nitong tingnan. Bumabagay rito ang suot nitong plain t-shirt na gray na bumabakat sa katawan nito maging ang rugged ripped jeans na suot nito ay mas lalong nagpapatingkad sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. “Baka matunaw ako niyan. Ikaw rin. Mawawalan ka ng Edward na sakit sa ulo mo.” Bigla ay wika nito. Napapitlag siya. “Hindi ikaw ang tinitingnan ko. Sa ginagawa mo ako nakatingin. Tinitingnan ko kung tama ba ang ginagawa mo.” despensa niya. Para siyang isang magnanakaw na nahuli sa aktong pagnanakaw. Ito kasing mata niya, parang ang puso niya. Suwail din. Naayos na niya ang mga pagkain sa ibabaw ng picnic sheet. Mayroon pang fresh cook na spaghetti pasta. Hindi niya alam kung anong dish ng spaghetti iyon. Hindi siya pamilyar. “Gutom ka na ba?” Tanong nito habang hinuhubad ang suot na sneakers. “Hindi pa naman.” “Hindi ka nag-agahan kanina. Ano yun? Nabusog ka sa kakatitig mo sa ‘kin?” Mapanukso nitong wika sa kanya. Nakapagkit pa sa labi nito ang matamis na ngiti. Ganito ang Edward na minahal niya ng sobra. Mahilig siya nitong tuksuhin, at kapag nakitang napipikon na siya ay agad naman siya nitong nilalambing. “Pagkain ka ba?” nakanguso niyang wika sabay inirapan ito. “Hindi ba?” Mapanuksong balik tanong nito sa kanya. Bigla ay napatitig sila sa isa't-isa. God knows, umakyat lahat ng init ng kanyang katawan sa kanyang mukha. Marahil ay pulang-pula ang mukha niya ngayon. Hindi siya inosente. Alam niya kung patungkol saan ang tinutukoy ni Edward na pagkain. He was referring to their wild and hot make-out where they licked and svcking each other. Agad na iniwas niya ang tingin mula kay Edward. “K-Kumain na tayo!” Utal niyang wika. Napalunok siya bigla ng mariin at sunod-sunod. Agad na kinuha niya ang paper plate na nasa loob ng basket. Ngunit muli ay natigil siya. Nakahawak ang kanyang kamay sa paper plate maging si Edward. Nagdaiti ang kanilang mga braso at ang kamay nito ay hindi sinasadyang nakapatong sa kanyang kamay. Tila may hatid na kuryente ang balat nito at mainit nitong palad na biglang nanulay sa kanyang balat tungo sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Ang mga mata ay tila na magnetong nakatitig sa bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD