CHAPTER 3.

1626 Words
Mataman na nakatingin si Trinity sa isang babae na nakasuot ng isang itim na jogger pants at brown sleeveless. Naka messy bun ang buhok at natatamaan ng sinag nang araw ang makinis nitong mukha. Naninilaw ang makinis na leeg nito, noo at buong mukha dahil sa pawis. Ang mukha nang babae ay tila nililok ng isang magaling na iskulptor. Mula sa kilay na may natural at magandang kurba, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at manipis at pulang mga labi. Everything with the woman's physical features was perfect. Morena ang babae at tila ito barbie version nang isang perpektong pilipina dahil sa kayumangging balat. Ang babae ay walang iba kundi si Althea. Ang babaeng kinababaliwan ng lalaking mahal niya. Walang lalaki ang hindi mabibighani sa isang Althea Marasigan. Na kay Althea na ang lahat pati ang lahat ng magandang ugali. “Mommy, where should I place this pot?” ang isa sa kambal nitong anak na lalaki na si Xander. “Anak, ‘wag na. Ako na lang. Mabigat yan.” Nasa pinaka dulo na bahagi ang mga ito ng harden kung saan nakahilera ang mga tanim ni Althea na tulips. Namumulaklak na ang mga tulips at mayroon iyong samut-saring kulay. Red, yellow, and white. “Mommy, do I need to take all this grass and throw it in the garbage outside?” Si Alex na nilagay ang mga munting damo na binunot sa isang black plastic garbage bag. “No, Alex. Ipasok mo lang sa loob ng garbage bag at ako na ang magtatapon sa labas.” tugon ni Althea habang nasa pagbubunot ng munting mga damo ang atensyon nito. Ang nag-iisang babae naman na anak nito ay nasa loob ng bahay kasama ang tyahin nitong si Savannah na pinsang buo ni Althea. Nasa kusina ang mga ito at abala sa paghahanda ng pananghalian. Hindi umaalis sa tabi ni Althea ang mga anak nito. Simula ng magkaisip ang mga ito ay nakita na ng mga bata ang paghihirap ng ina. Althea suffered a lot due to the aftermath of the accident and coma, dahilan upang maagang nag matured ang isip ng mga anak nito. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa mag-ina. Althea's son made her remember someone very special. Bigla ay nakaramdam siya ng pangungulila. Nakakaramdam siya ng matinding panibugho kay Althea dahil sobrang mahal ito ng lalaking mahal niya. But God knows, wala siya ni katiting na sama ng loob dito. It's not Althea's fault kung sobrang mahal ito ni Edward, it's not her fault kung nabaliw dito ang lalaking sobrang mahal niya. Ang tanging meron lang sa kanya ay matinding panibugho. Panibugho na paulit-ulit na sumusugat sa puso niyang matagal ng wasak. Kung meron man dapat sisihin sa paghihirap ng kalooban niya ngayon walang iba kundi siya mismo. Alam niya simulat-sapul ang estado ng damdamin ni Edward, ngunit hinayaan niya pa rin ang sarili na mahulog rito. “Tita, Trinity!” Tili ng matinis na tinig na iyon ang dahilan upang mapalingon siya. “Faith!” nakangiti niyang sambit. Nakahawak ang munting kamay nito sa palad ni Edward at humahakbang patungo sa kanyang kinaroroonan. Si Faith ay ang nag-iisang babae sa triplets. Kamukhang-kamukha ito ni Althea, ngunit ang kutis ay namana nito iyon sa amang si Drake de Luna. “Tita Trinity, you look so pretty!” Nakangiti na wika ng batang si Faith habang nakatingala ito sa kanya. “Your clothes and your shoes look so pretty too!” “Really?” “Yeah, so pretty like Mommy and tita Sab!” “Thank you, sweetheart!” Tugon niya sabay bahagyang yuko at ginawaran ng magaan na halik ang noo ni Faith. Inangat niya ang palad at hinaplos ang malambot nitong pisngi. “Are you and Papa, going outside, Tita?” “Yeah, wanna come with us?” Mabilis na umiling si Faith. “Nope, tita. Papa said I need to watch over Mommy, always.” “Sige, sa susunod na lang. Mamasyal tayo kasama ang Mommy mo, tita sab at mga kambal mo.” “Sige po!” Humalik sa kanyang pisngi si Faith saka bumitaw ito kay Edward at tinakbo ang kinaroroonan ng ina. “Mommy!” Tili nito. Marahang tumawa si Edward maging siya ay ganun din. Kapwa ay nakatitig sila sa mag-ina. Niyakap ni Faith ang ina nito at pinunasan pa nito ang noo ng ina na ngayon ay nakaluhod sa tapat nito. “They are growing too fast. Parang kailan lang.” Edward said while smiling and staring at Althea with the kids. “Indeed, parang kailan lang.” Parang kailan lang nakikipaglaban si Faith sa buhay nito. Sa tatlong triplets, si Faith ang mahina ang puso. Dahil sa premature ang mga ito ng isilang ay nagkaroon ng problema sa puso si Faith. Isa sa dahilan noon na hindi siya makaalis sa tabi ni Edward at ni Althea ay si Faith. Mabuti na lang at agad naagapan at lumaking normal ang puso nito. “Wait for me here!” Mabilis ang mga hakbang na tinungo ni Edward ang kinaroroonan ni Althea. Nang makalapit ito kay Althea ay gusto niyang ibaling sa ibang direksyon ang paningin. Ngunit parang walang balak ang sistema niyang gawin iyon. Sa halip ay nakapako ang paningin niya sa mga ito. Her heart felt like it was squeezing, and it's damn hurt. Hinaplos ni Edward ang mukha ni Althea, saka kinabig nito iyon sa batok at hinalikan ito sa noo. The way Edward touches Althea and caresses her cheeks is full of gentleness. Ibayong hapdi ang dulot non sa kanya. Ang paglapat ng labi nito sa noo ni Althea ay puno ng pagsuyo. Maging ang mga mata nitong nakatitig kay Althea ay puno ng paghanga at nag-uumapaw sa matinding pagmamahal. Gusto niya rin gawin ni Edward sa kanya ang mga bagay na ginagawa nito kay Althea. Gusto niya rin maramdaman ang mga haplos nito na puno ng pagsuyo. Gusto niya rin maranasan ang titigan siya nito ng puno ng paghanga at pagmamahal. She smiled bitterly. Ang tagal na niyang inasam-asam ang bagay na iyon. Sampung taon. Hinahaplos naman siya ni Edward, at hinahalikan. Ngunit haplos at halik iyon ng pagnanasa at tawag ng laman at walang kaakibat na pagmamahal. And this is who she is in Edward’s life. She was his best friend and a fvck buddy at the same time. Taga hupa ng init nito sa katawan at tagabigay rito ng kalinga sa mga oras na nahihirapan ito at nasasaktan. O diba? Talo pa niya ang Gomburza sa ka martiran. Bago pa niya maibaling sa ibang direksyon ang paningin ay humakbang na si Edward tungo sa kinaroroonan. “Let's go.” Agad siyang humakbang upang tunguhin ang kinaroroonan ng sasakyan. Inangat niya ang kamay at inipit ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga na tumatabing sa kanyang mukha at sunod-sunod na huminga ng malalim upang kalmahin ang naninikip na dibdib. “Papa!” Tinig ni Faith. Napalingon siya. Isang white and red tulips ang hawak ni Faith. Ibinigay nito kay Edward ang tulips sabay hinila siya ni Faith papalapit kay Edward. Edward blinked his eyes countless times. “What is it, Faith?” Edward ask. “Go on, Papa. Give the flowers to tita Trinity!” Hinila ni faith ang kamay ni Edward. “Sige na Papa.” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Edward. Kapagkuwan ay binigay nito sa kanya ang bulaklak na bigay ni Faith. “Now kiss, Tita Trinity, Papa!” Pinagsiklop ni Faith ang mga palad at ngumiting palipat-lipat ang tingin sa kanya at Edward. “Sige na Papa. Mommy said a beautiful woman deserves a beautiful flower and a kiss. Kaya pinitas iyan ni Mama para ibigay mo kay tita Trinity. Go on Papa, kiss tita Trinity.” nakangiti at inosenteng utos ni Faith kay Edward. Kapwa sila ni Edward napalingon kay Althea. Kumaway ito sa kanila ni Edward ng may nakapagkit na matamis na ngiti sa mga labi. Lumingon siya kay Edward. Ang kaninang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Edward ay tuluyang nabura. She saw him clenching his jaw and even swallowed hard. “Tara na.” Wika niya upang putulin ang hindi kaaya-ayang emosyon na kapwa bumabalot sa kanila. Alam niyang natamaan ang ego ni Edward. Marahil pakiramdam nito ngayon ay itinutulak ito ni Althea sa kanya. Harap-harapan na rejection ang naramdan nito. It hurts and hits his ego damn hard. Kung siya nga nanliit sa sarili sa oras na ito. Ngunit bago paman siya makahakbang palayo kay Edward ay mabilis na nahawakan siya nito sa pulso. Edward then held her on her nape then pulled her close. Sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi. Mariin ang pagkahawak ni Edward sa kanyang batok at maging ang isang braso nito ay yumakap sa kenyang bewang sabay kabig sa kanya at diin ng kanilang mga katawan. Napakapit siya sa magkabilang tagiliran nito at ang mga mata ay tila naduduling na nakatitig sa mukha ni, Edward. Hindi niya na paghandaan ang biglaang pagsunggab nito ng halik sa kanya. He is kissing her deeply right in front of Althea and the kids. Para siyang hindi makahinga. Hindi dahil nadadala siya sa halik ni Edward, kundi dahil sobrang naninikip ang dibdib niya. This was not the kiss she longed for. Ang paraan ng paghalik nito sa kanya ay mariin at nararamdaman niya ang hapdi ng bawat mariin nitong pagsipsip ng kanyang mga labi. Tila nakapaloob sa halik nito ang sakit na nararamdaman nito ngayon. She did her very best. Itinulak niya ito upang kumawala mula rito. She succeeded. Kapwa na hinihingal na napabitaw sila sa isa't-isa. “T-Trinity!” mahina nitong sambit. Bumakas ang pag-alala sa mukha nito. Lalo pa at nag uunahan ang mga luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD