Maagang nagising si Trinity. It was only four A.M. Pagkagising ay agad na ginawa niya ang pang-umagang ritwal. Ilang minuto ang lumipas ay naging abala na siya sa kanyang di kalakihan na kusina. Egg omelet, fried hotdog, fried rice at mainit na kape ang mabilisan niyang naihanda sa mesa. Dalawang araw na siya rito sa condo niya, and it was good waking up in the morning with Edward beside her. Edward chose to stay in her condo. Ayaw nitong malaman ng ina na narito na ito sa Pilipinas. Ayaw nitong makita ng ina ang sitwasyon nito ngayon. “Good morning!” Napalingon siya. Nakatayo si Edward sa gilid ng counter table at bahagya itong nakasandal doon. Nakasuksok ang mga palad nito sa loob ng magkabilang bulsa ng suot nitong khaki shorts. He looks so fresh kahit na medyo sabog pa ang buhok

