Pakiramdam ni Edward ay para lamang siyang nanalamin habang kaharap ang anak. His son is a spitting image of him. Walang tulak kabigin. “Anak, his name is Edward. Isa siya sa mahalagang tao sa buhay mo.” Pagpapakilala ni Trinity sa kanya sa kanilang anak. Hindi niya alam kung ilang beses siyang napalunok. Ang anak niya ay hindi kumurap, nakatitig lang ito sa kanya ng matiim. Ang paningin ng anak ay namaybay sa bawat sulok ng kanyang mukha na tila ba kinakabisado ang bawat sulok. He felt intimidated. Sa buong buhay niya ngayon pa lang siya kinabahan ng matindi, dahil lamang sa isang titig, at ang titig na iyon ay galing sa isang bata. Ang kanyang anak. “Hi, E-Edmund,” he stammered and it seemed like it was so hard to speak every single word. Ang hirap ilabas sa bibig. “I am so happy

