CHAPTER 1.

1582 Words
Tumingala si Trinity sa kalangitan. Maliwanag ang buwan sa gabi, at ang mga bituin ay kumikinang sa kalangitan. Malamyos ang hangin na dumadampi sa kanyang mukha. Nasa balkonahe siya ng kanyang inuukopang silid habang napapangiting nakatangila sa kalangitan. “Another day has passed and another day will begin.” Hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha at inipit sa kanyang punong tenga. Niyakap niya ang sarili ng maramdaman ang biglang pag-ihip ng malamig ng hangin. It was autumn in Switzerland, kaya unti-unti ng bumababa ang temperatura ng klima. Unti-unting lumalamig. Buwan na lang ay matatapos na ang taglagas at susundan na ito ng taglamig. Kung sana ay tulad ng klima ay magbabago rin ang tibók ng puso niya. Ngunit hindi. Kahit anong gawin niya ay hindi iyon nagbago. Over the past years ay nanatiling tumitibok iyon sa iisang tao. “Pathetic!” Hinilot niya ang dibdib at marahas na bumuga ng hangin. “Draco, Draco, Drake…” Naipikit ni Trinity ang mga mata ng marinig ang mahinang hikbi na iyon mula sa kabilang silid. A woman is crying in the middle of her sleep. Crying while calling the name of the man she loves. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib. Nanginig ang kanyang mga labi at isa-isang pumatak ang mga luha. Nasasaktan siya. Hindi sa babaeng umiiyak, kundi para sa isang tao na ngayon ay nilulunod ang sarili sa pag-inom ng alak. Pinahid niya ang mga luha. Pumasok siya sa loob ng silid at dumiretso sa pinto. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Napahigpit ang pagka-hawak niya ng seradura. Mula sa tapat ng kanyang pinto ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa pinto kung saan nagmula ang tinig ng babaeng umiiyak habang hawak ang bote ng alak sa kanang kamay nito. “You are so damn pathetic, Edward. Pathetic!” Gusto niyang humakbang pabalik sa kanyang silid ngunit hindi niya magawa. Ang mga paa ay tila may sariling pag-iisip. Humahakbang siya tungo sa kinaroroonan ni Edward. Ngunit bago niya marating ang kinaroroonan nito ay pumihit na ito tungo sa kanang bahagi patalikod sa kanya. Tinungga nito ang boteng bitbit na may lamang alak saka humakbang paalis. Humakbang siya sa mahinang hakbang upang sundan ito. Ganito naman siya simula pa noon. Kahit sobrang sakit na at kahit durog na durog na siya ay hindi niya pa rin magawang tumigil. Ang lintik at suwail niyang puso ay walang tigil sa pagmamahal sa lalaking iba naman ang mahal. Napaka martir niya. Napakatanga niya. Hanggang kailan siya magpapaalipin sa lintik na pagmamahal niya para kay Edward? She was a cardiologist and a surgeon. Matalino at magaling sa propesyon na kinabibilangan. Ngunit pagdating kay Edward ay nagiging bobo siya. Nagiging tanga. Nakarating siya ng hardin dahil sa pagsunod kay Edward. Umupo ito sa naroong wooden bench. Sunod-sunod ang muling pagtungga nito ng alak. “Damn it!” Edward cursed. Kapagkuwan ay kumawala ang mahinang hikbi mula rito. Ipinatong nito sa tabi ang bote ng alak. Itinukod nito ang mga siko sa magkabilang binti, saka hinilot ang sentido at napahilamos sa mukha kasabay ng sunod-sunod na pagmumura. Edward was cursing himself. Kung gaano man kasakit at kahapdi ang nararamdaman niya ngayon alam niyang katumbas ng sakit at hapdi na iyon ang nararamdaman ni Edward. Mula sa kinatatayuan ay malinaw niyang nakikita ang bawat galaw ni Edward. Maliwanag ang buwan na silbing tanglaw niya sa gabi. Ang puso niya ay tila pinipiga habang nakatingin sa lalaking minahal niya sa mahabang panahon. Dapat ba siyang matuwa? Matuwa dahil kapwa silang naghihirap at nasasaktan? Mahal niya si Edward. Sobrang mahal. Ngunit may mahal itong iba. Mahal ni Edward ang kababata nitong si Althea. Sa sobrang pagmamahal ni Edward kay Althea ay nagawa nitong itago si Althea sa asawa nitong si Drake na matalik nitong kaibigan. Handang gawin ni Edward ang lahat para kay Althea kahit ang kapalit nito ay ang pagkasira ng kanilang mga pamilya. Ang pamilyang De Luna at Villareal ay kilalang matalik na magkaibigan simula pa sa kanunuan ng mga ito. Althea was under selective amnesia due to an accident that caused her severe brain injury. Nakalimutan nitong kasal ito kay Drake De Luna. Edward took advantage of Althea's situation. Nagbabakasakali itong matutunan na mahalin ni Althea at tuluyan nitong makalimutan si Drake. Ngunit sadyang hindi nakakalimot ang puso. Nakalimutan ng isip ni Althea ang asawa ngunit hindi ito nakalimutan ng puso nito. Walang gabi ang dumaan na hindi nito sinasambit ang pangalan ng asawa sa panaginip nito. Edward took the bottle of the liquor beside him, walang pagdalawang isip na tinungga nito iyon at nang tuluyang masaid nito ang laman ay inihagis nito iyon at tumama sa sementadong pader. Pumunit sa katahimikan ng gabi ang malakas na pagtama at pagkabasag ng bote sa pader. Naipikit niya ang mga mata. Huminga siya ng malalim. “Feel the pain, Edward. Katulad ng sakit na nararamdaman mo ngayon ang sakit na dulot mo sa akin sa mahabang panahon. Bakit kasi hindi na lang ako? Bakit si Althea pa?” She hates him. She hates Edward to her core. Ngunit nakakaputangina lang. Dahil sa kabila ng sakit na dulot nito sa kanya ay hindi niya ito magawang talikuran. She always found herself trapped by him. Na kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang takasan ang matinding pagmamahal niya para rito. Lagi na lang siyang naging alipin ng lintik na pagmamahal niya para rito. Marahan na binuksan niya ang kanyang mga mata. Tumalikod siya at humakbang papasok sa loob ng kabahayan. Tumungo siya sa loob ng winery room na karugtong lang ng komedor. Hinugot niya mula sa winery rack ang isang whiskey saka muling lumabas at tumungo ng harden. Mariin ang pagkahawak niya sa bote ng alak habang humahakbang tungo sa kinaroroonan ni Edward. “Here!” Inabot niya rito ang bitbit na alak. “If you think liquor will help you ease the pain you felt. Sige. Uminom ka nang uminom hanggang sa mamanhid ka. Hanggang sa tumigil sa pagtibok iyang puso mo. Total, yan naman ang gusto mo di ba?” she said sarcastically. Tumingala sa kanya si Edward at tumitig sa kanya. Sa lilim ng maliwanag na buwan ay magkaugnay ang kanilang mga titig. Nagkaroon ng patlang sa kanilang pagitan. Tanging ang pagaspas ng hangin lamang ang maririnig sa paligid. Mula sa liwanag ng buwan ay kitang-kita niya ang kislap ng mga luha sa magkabila nitong pisngi. Hindi man niya malinaw na nakikita ang mga mata nito ngunit alam niyang nakaukit roon ang sakit at hinagpis. The cold wind breeze suddenly blew. Naipikit niya ang mga mata sabay binitiwan niya ang bote ng alak sa tabi ni Edward at niyakap ang sarili. Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng mainit na palad ni Edward sa kanyang magkabilang pisngi. Naramdaman niya maging ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang mukha. Naghahalo sa mainit nitong hininga ang amoy ng alak na iniinom nito. Gusto niyang imulat ang mga mata. Ngunit ang isip niya ay sumisigaw nang ‘Huwag!’ sa oras na idilat niya ang mga mata alam niyang ipagkakanulo na naman siya ng kanyang sarili. Edward is gently caressing her cheeks. Dahilan upang ang suwail niyang puso ay maghurmintado sa pagtibok. Rumisponde ang lahat niyang pandama. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa kanyang mga labi. Sumisigaw ang isip niya nang ‘Huwag!’ Ngunit ang puso niya ay hindi paawat at tulad ng laging nangyayari. Muli ay muling nanaig ang sigaw nang puso niya at katawang lupa kesa sigaw at dikta ng isip niya. Bumuka ang kanyang mga labi at kumunyapit ang kanyang mga braso sa leeg ni Edward. In a fleeting moment, their lips crushed against each other. Tila uhaw na sinabisab ng bawat isa ang mga labi, at ang mga dila ay tila sumasayaw sa loob ng kanilang mga bibig na ang nagsisilbing musika ay ang tunog ng kanilang nagsipsipan na mga labi. Yumakap si Edward sa kanyang katawan at sa isang iglap ay naiangat siya nito. Pinaupo siya nito sa naroon na wooden bench at pinasandal. Magkahugpong ang kanilang mga labi habang ang mga kamay ni Edward ay abala sa pagtanggal isa-isa sa pagkabutones ng kanyang suot na blusa. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang pagyakap ng lamig sa kanyang katawan. Lamig na may kasamang init. Lamig na dulot ng panggabing hangin at init na dulot ng bawat haplos at halik ni Edward sa kanyang katawan. It's always been like this. A simple touch and kisses of him were like magic that swept all the pain, and umbrage she felt toward him. Nagiging alipin ng bawat haplos nito at halik ang kanyang buong pagkatao. She hates edward to her core but she hates herself even more. She hates herself for being weak. Nagiging alipin siya ng matinding pagmamahal niya kay Edward. Napasabunot ang kanyang mga kamay sa buhok ni Edward ng bumaba ang halik nito sa kanyang leeg pababa ng pababa sa kanyang dibdib. Ang isang kamay nito ay kumobkob at minolde ang kanyang kanang dibdib habang ang isang kamay ay dumausdos at humahaplos pababa sa kanyang gitnang hita. All she could do at the moment was to bite her lower lip, close her eyes, and feel the delicious sensation caused by Edward's kisses and touch. Isang marahas na pagsinghap ang kumawala sa kanyang mga labi ng tuluyang gumalugad ang daliri nito sa kanyang pagkabàbàe. Sinasalat ang gitnang kanya at dinama ng daliri ang bawat bahagi at kasuluksulan ng kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD