Prologue.

956 Words
“What the hell, Trinity? You know that we can't get married. We're just friends. Matalik na kaibigan at kapatid lang ang turing ko sayo.” Edward harshly brushes his finger through his hair. Napayuko si Trinity at mariin na kinagat ang ibabang labi. Pinagsiklop n'ya ang mga palad at pinisil-pisil ang kanyang mga daliri. Tila pinag-tatarak ng punyal ang kanyang dibdib na tumatagos sa buo niyang pagkatao. “I'm sorry, Edward!” Mahina n'yang sambit. “Trinity, please, talk to your parents at sabihin mo sa kanila na ayaw mo sa ‘kin!” Hinawakan s'ya ni Edward sa magkabilang balikat sabay tungo ito sa kanyang mukha. “Ikaw lang ang makakapigil sa kasalang magaganap, Trinity, please! You know how much I love Althea right? Althea is the love of my life, Trinity!” Tumingala s'ya sa binata kasabay ng panginginig ng kanyang mga labi. “Pero. Pero,” mariin n'yang muling kinagat ang ibabang labi bago muling nagsalita. “Mahal kita. Mahal kita, Edward, hindi bilang kapatid, hindi bilang kaibigan, kundi bilang isang lalaki.” Biglang napabitaw si Edward mula sa paghawak sa kanyang mga balikat sabay napaatras ito. Marahas itong bumuga ng hangin kasabay ng pagtaas ng mga palad sa ere. Bumuka tikom ang labi, sabay muling hinga ng malalim. “Trinity! Shît! Putang-3na!” Tumalikod si Edward mula sa kanya. Sumabunot ang mga palad nito sa sariling buhok at muling marahas na humarap sa kanya. “I won't marry you, Trinity! You knew from the very beginning na may mahal akong iba, you and I are nothing but best friends, magkaibigan tayo at hanggang doon lang i'yon, Trinity. Hanggang doon lang!" “Pero mahal kita!” Humihikbi n'yang wika. “Kapag, kapag kasal na tayo gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ako. Naniniwala ako na matutunan mo rin akong mahalin, Edward, bigyan mo lang ako ng chance please, subukan natin.” “Hindi kita mahal bilang babae, Trinity, mahirap bang intindihin yun? Mahirap bang intindihin na may mahal akong iba?” Marahas na muling tumalikod sa kanya si Edward, napasuklay ang mga daliri sa buhok nito. Muli itong humarap sa kanya at marahas na kumumpas sa ere ang mga kamay. “Trinity, I can't imagine my life without Althea, si Althea ang mahal ko, si Althea ang buhay ko, si Althea ang babaeng pakakasalan ko at magiging ina ng mga anak ko, mahirap ba na intindihin yun, ha?” Pakiramdam ni Trinity sa mga oras na iyon ay isang libong karayom ang pinagtatarak sa kanyang dibdib, tila pinagsusuntok ang puso n'ya, bugbog na bugbog, tagos hanggang buto ang sakit. Walang kapantay. Nanatili s'yang nakayuko habang panay ang mga hikbi. Kung hindi maging kanya si Edward ay tatanda s'yang dalaga. Sobrang mahal n'ya ang binata, ngunit anong magagawa n'ya? Pag-aari ng isang Althea Marasigan ang puso nito? Ano ang laban n'ya? Pinahid n'ya ang mga luha at tuwid na tumitig sa binata. “Have s3x with me then. Ayaw mong magpakasal sa ‘kin, then spend one night with me, have s3x with me at ako mismo ang aatras at puputol sa kasunduan ng mga magulang natin.” Taas noo at walang gatol n'yang wika. Edward was stunned. Napaawang ang mga labi nito mula sa narinig. “N-Nasisiraan ka na ba ha, Trinity?” “I am. Ngayon mamili ka. Marry me and forget about Althea or have a one-night stand with me.” Hindi nakasagot si Edward, nanatiling nakatitig lang ito sa kanya at bakas sa mukha ang matinding pagkabigla. “Ano? Bakit hindi ka makasagot? Should I take your silence as a yes for our engagement and soon marriage, Edward?” Napapitlag s'ya ng bigla s'yang hablutin sa kanang braso ni Edward at kinaladkad papasok sa loob ng mansion. Nasa mansion sila ng mga Villarreal, kung saan idinaos ang salo-salo sa pamamagitan ng kanyang pamilya at pamilya ni Edward. Kinaladkad s'ya ni Edward paakyat sa ikalawang palapag ng mansion kung saan naroon ang silid nito. Pagkapasok sa loob ng silid ay agad s'ya nitong marahas na itinulak sa ibabaw ng naroon na malapad na kama. “Now, undress yourself, Trinity ibibigay ko sayo ang gusto mo. Pagkatapos ng gabing ‘to, siguraduhin mong walang kasalan na mangyayari.” Tiim bagang na wika nito sa kanya. “Hubad!” Sigaw uli nito na nagpapitlag sa kanya. Mariin s'yang napalunok kasabay ng sunod-sunod na pagtambol ng dibdib. Tila mawawasak ang kanyang dibdib sa malakas na tibók ng kanyang puso. Tumayo s'ya at sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa n'yang tinanggal ang damit sa katawan pati na ang kapirasong saplot na nakatabing sa pribadong bahagi ng kanyang pagkatao. Right there and then. Edward took her rough and hard. Masakit man sa kalooban ngunit ito lang ang tanging paraan upang kahit papaano ay may babaunin s'yang alaala sa lalaking tinatangi ng kanyang puso sa matagal na panahon. “Pwede ba na, maging magkaibigan tayong muli? Lalayo ako pansamantala upang hindi matuloy ang kasal. Ngunit kapag muling mag krus ang ating landas, sana ako pa rin ang matalik mong kaibigan, Edward,” aniya habang kipkip ang kumot sa dibdib. “Naibigay ko na sayo ang gusto mo. Now, do your part,” anito sabay baba sa kama ng hubot hubad at isa-isang dinampot ang kanilang mga damit na nagkalat sa sahig. Kapagkuwan ay nagbihis ito at lumabas ng silid. Hindi lang ang gitnang hita n'ya ang nakaramdam ng matinding kirot kundi maging ang kanyang puso. Triple ang sakit sa dibdib. Ngunit sa kabila non, ay naroon ang munting tuwa dahil sa wakas ay nabigyan katuparan ang isa sa kanyang mga pantasya. Hinaplos n'ya ang puson. Isang taimtim na dalangin ang kanyang sinambit. Sana magbunga ang isang gabing pagkakamali, isang masarap at matamis na pagkakamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD