Habang naglalakad patungo sa sunod na klase, maraming umiiwas ng tingin or else ay gumigilid sa kaniyang daraanan. Takot na takot ang mga ito na makabangga siya dahil kamakailan lang ay may napatalsik itong guro.
That's her power thou.
Kilala bilang isang goddess of war si Nemi, well sino ba naman hindi? Himala na lang siguro kapag nagkaroon ng isang araw na hindi siya napapapunta sa guidance or else napapaaway kanino man.
War freak kung war freak pero yan na ata ang daily routine niya. Hindi buo ang araw niya ng walang taong nakakaaway.
At ni isa sa lahat ng nakakaaway niyang iyon ay walang nagtagumpay na kalabanin siya.
Not on her list na magpatalo sa mga low class people like them.
"excuse me?" taas noo niyang saad sa likod ng mga lalaking nagkukumpulan sa harap ng classroom na pupuntahan niya.
"nakaharang kayo sa pinto"
agad naman na tumalima ang mga ito at gumilid. Pero sadyang ayaw magpaawat ng lola niyo.
"sa susunod huwag kayong humarang sa daraanan ng mga tao lalo na kung mukha naman kayong mga kulugo. It sucks, nakakawala ng gana" panlalait niya sa mga ito bago nagtuloy tuloy papasok ng classroom na iyon at diretsong umupo sa kaniyang special sit na talagang pinasadya na pang ipagawa. Well, lahat ng classroom na pinapasukan niya ay may ganiyong klase ng upuan na nakalaan para lamang sa kaniya.
"ahmm, Nemi w-would you like to join o-our group para sa activity natin today?" tumigil siya sa pag iiscroll sa kaniyang social media account at tinignan ang babaeng nakatayo sa may gilid niya.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.
"tsk, ang lakas naman ng loob ng chararat na ito na kausapin ako" wika niya sa kaniyang isip.
"sino ka para tanungin ako ng ganiyan?" taas kilay niyang tanong dito.
"gross, wala man lang sense of fashion nitong babaitang 'to" pinagmasdan niya ang suot nitong oversize color grey long sleeves turkle neck na pinarisan ng brown full length skirt with matching doll shoes pa at thick eye glasses.
"ahmmmm. sa-sabi kasi nila na ikaw na lang daw ang walang kagrupo dito. By the w-way I'm Louie" mas lalo pang tumaas ang kilay niya ng makita itong nanginginig.
Sumilip siya sa likod nito at nakita niya doon ang isang grupo nang mga babae na nagtatawanan habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Maybe sila ang may pakana nito. feeling bitches. di naman bagay sa kanila"
"sino nagsabi sa'yo?" tanong niya sa kaharap.
Minsan lang siya kumausap ng tao ng ganito katagal. And it annoys her.
"s-sabi n-nila b-bawal ko daw imention name nila"
That made her more annoyed. Those person.
"wait are you a new student here?"
"ahmmm, o-oo"
That's explain everything, hindi pa siya nito kilala kaya ang lakas ng loob nitong sundin ang utos ng mga walang hiyang iyon.
but sad to say... Kahit naiirita siya sa mga bitchesang iyon ay wala pa rin siyang balak na paunlakan ang alok ng babaeng ito na makagrupo siya.
"oh okay" biglang nagningning ang mata ng babae kaya agad niya rin itong iniwala through her savage words.
"huwag mong isipin na pumapayag akong mga ka grupo mo. Because first, I don't join any group activities in every class I attended, second ayaw kong makigrupo sa mga nerd na kagaya mo na wala man lang sense of fashion sa katawan, and third mas lalong ayaw kong sumali sa mga kagaya mong tao na uto-uto sa mga sinasabi ng iba sa kaniya. So better back off now nerd. Nasusuka ako sa pagmumukha mo" iminuwersa niya ang kaniyang palad na sinenyasan ang babae na umalis na kaniyang harapan bago niya ipinagpatuloy ang pagbrowse sa kaniyan IG account.
"damn those stupid person" she thought. Kung sino lang kaya nilang utuin, yung lang ang kaya nilang ibully. What a pathetic society, Kunwari lang na malalakas sila but not in all people. Sa mga mahihina lang nila ito nagagawa.
Isa pa iyon mga katulad ng babaeng iyon. Masyadong uto-uto, masyadong weak.
Nagtapos ang buong class hour na sobrang boring. Aside from that scenario na nasabihan niya ng masasakit na salita yung babae kanina ay wala na siyang ibang ginawa buong discussion ng professor nila kundi ang tumingin sa labas ng bintana habang ngumunguya ng chewing gum. Hindi naman siya sinita nito dahil sa takot na mapatalsik sa trabaho. Kilalang maimpluwensyang pamilya ang mga Romero, kung saan siya nabibilang.
Kayang kaya nilang patalsikin sa trabaho ang sino man sa isang tawag lamang.
"miss Nemi saan niyo po gustong pumunta muna?" tumingin siya driver nilang si Mang Ben. Kasalukuyan nila ngayong binabagtas ang kahabaan ng EDSA.
"I want to go the mall" maarte niyang wika saka muling tumingin sa labas ng bintana.
Sa gawing iyon, nakikita niya ang iba't ibang scenario sa lipunan. May mga busy na taong naglalakad na tila ba palaging may hinahabol, mayroon naman mga street vendors na ginagawa ang lahat makabenta lang, mayroon mga nag aabang ng sasakyang sa daan na kulang na lang eh harangan na mismo ang jeep at busses. At higit sa lahat, nakikita niya kung paano magtrabaho at manlimos ang mga taong naroon lalo na ang musmos pa na sana ay nag aaral sa mga oras na iyon.
Maya maya pa ay nakarating na sila sa isa sa mga pagmamay-aring mall ng pamilya Romero.
Agad siyang nagtungo sa may arcade zone. Gusto niyang mag unwind at isa ang arcade sa mga nagtatanggal ng stress niya.
Naglaro lang siya ng naglaro ng mga paborito niyang games doon like basketball, race car, at machine claws.
Habang busy sa paglalaro nang machine claw kung saan tinatarget niyang makuha si pepa pig ay biglang may nahagip ang kaniyang peripheral view.
Out of curiosity ay tumingin siya dito which she thought, a wrong move for her dahil bigla na lamang kumulo ang kaniyang dugo sa kaniyang nakita.
May grupo nang mga lalaki na sa tingin niya ay mga ganster batay na rin sa pananamit ng mga ito ang pinagtutulungan ang isang binata. Pilit nila itong hinihingian ng pera.
Like what the heck? Parang mga walang bayag.
Dahil hindi na niya kayang makita ang nakikita lalo na ang mga taong nagbibingi bingihan sa mga pangyayari ay agad niyang binitiwan ang claw maneuver at walang alinlangang naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga ito.
"ganyan ba talaga kayo? maski bata pinapatulan niyo?" tahasan niyang tanong paglapit sa mga ito.
Agad naman lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon ang limang kalalakihan at nakita nila ang isang babaeng prenteng nakasandal sa may drop ball machine habang nakahalukipkip at diretsang nakatingin sa kanila na may bahid ng ngiti sa mga labi.
"miss, kung ako sa'yo hindi na ako makikialam sa usapan ng mga lalaki" wika ng isa mga ito.
"oh really? usapan ng mga lalaki? asan?" tumingin sa paligid si Nemi at kunwari may hinahanap dito.
"sila ba?" turo niya sa mga lalaking nagtatawanan di kalayuan sa pwesto nila.
"or sila?" turo naman niya sa grupo ng mga kabataan na naglalaro ng basketball.
"nagpapatawa ka ba miss? Nasa harap mo lang yung tinutukoy ko" inis na wika ng nagsalita kanina.
"harap? oh! eh hindi naman lalaki itong mga nasa harap ko eh... mga game machine naman" pilosopo niyang sagot saka turo sa coin drop machine na naroroon.
"abat! kami yun tinutukoy ko" inis na wika nito.
"pre hayaan mo na yan baka may kulang lang yan sa pag iisip" wika naman ng isa pa kanila.
Napataas naman ang isang kilay ni Nemi dahil sa narinig. Siya baliw? Sa ganda niyang ito?
Patuloy na hinihingian ng mga lalaki yung binata kaya naman ibinato niya sa mga ito ang hawak niyang teddy bear na napalanunan kanina sa isang claw machine.
Tumama naman ito sa ulo ng isa sa kanila at galit itong lumingon sa kaniya.
"ooopps sorry nadulas lang sa kamay ko" maang maangan niyang wika.
"sinong niloko mo ah miss!" bulyaw ng lalaking natamaan at dinuro duro pa siya nito.
"ikaw? or yung unggoy sa tabi mo" tinaas baba pa niya ang kaniyang kilay para mas lalong inisin ang mga ito.
"aba naman! hindi kami pumapatol sa babae pero sinagad mo na pasensya ko!" sigaw nung lalaki at saka sinugod siya.
Agad naman na nakaiwas si Nemi sa atakeng iyon at malakas na tinadyakan ang tagiliran nito upang maging dahilan ng paghiyaw nito dahil sa sakit. Sunod naman na sumugod ang dalawa pang lalaki, na siyang naiwasan niya rin. Nang dahil sa tagpong iyon ay nagkagulo na rin sa loob sa ng arcade zone. Ang mga nanay na dala ang kanilang mga anak ay kaniya kaniya ng takbo palabas ng arcade zone. May mga malalakas naman ang loob na nakipanood pa at kumukuha pa ng video ng riot na kinasasangkutan niya.
Gamit ang hawak na upuan ay iwinasiwas niya ito at ipinalo sa ulo ng kalaban.
Hinihingal niyang tinignan ang ang tatlong lalaking nakahandusay sa sahig.
Kelalakas ng loob mangotong wala naman silang binatbat sa pakikipaglaban.
Yumuko siya at hinablot ang wallet ng binata na nasa bulsa ng isa sa kanila. Saka ito inihagis sa binatang tulalang nanginginig habang nakatingin sa mga nakahandusay na katawan.
"sa susunod huwag ka ng magpapaapi sa mga kagaya nila. Learn to know how to defend yourself, hindi sa lahat ng oras may tutulong sa'yo" wika ni Nemi dito bago pumunta sa may cashier area upang bayaran ang mga nasirang gamit.
"magkano lahat ng nasira kong gamit?" diretsang tanong niya sa kahera.
"ahhhh. ehhhh" tila hindi alam ng kahera ang sasabihin. Siguro ay dahil natakot ito sa kaniya or what.
"what?" tanong niya rito.
"ahhh ehh.... b-bayad na po yun mga nasira niyong ga-gamit miss" wika nito.
Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. Sino naman kaya ang magbabayad ng mga nasira niyang gamit? Eh hindi naman niya kasama si Mang Ben dito or kung sinong family members nila.
"sinong nagbayad?" ayaw na ayaw niyang may pinagkakautangan lalo ang utang na loob.
"ako" saad ng isang boses lalaki sa kaniyang kanan.
Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa kaniya ang isang lalaking nakangiti sa kaniya.
Pinagmasdan niya muna ang hitsura niti at inalala kung kilala niya ba ito or what? Pero wala eh, hindi niya matandaan ang mukha nito kung nakita na ba niya ito noon.
"sino ka?" tanong niya rito.
"Ezriel Damien Guison" pagpapakilala ng lalaki saka inilahad ang kamay nito sa kaniyang harap upang makipagshake hands.
Kunot noo naman niyang tinignan ang kamay nitong nakalahad.
"anong kailangan mo sa akin?" tanong niya rito. Baka pala may plano ito or gusto siyang kidnappin kaya siya nilalapitan nito.
Ngumiti ito bago binawi ang kamay na hindi niya tinanggap. Bago ulit nagsalita.
"Ezriel Damien Guison, at your service ma'am Quinn Nehemiah Romero" yumuko ito na tila nagbibigay galang sa isang kataas kataasan or maharlika.
"from now on, I will be your personal battler. Your family hired me to be your personal body guard and assistant.... And to clean whatever mess you will make" dugtong pa nito saka tumingin sa kaniya at ngumiti ng napakatamis.