"b-battler?" naguguluhang tanong ni Nemi sa kaharap.
"hindi, bottle. bottle mo ako.... maganda sana LG nga lang" mahina lang ang pagkakasabi ng kaharap sa mga huling salita. Pero sapat na para marinig niya.
Tumaas ang kanang kilay niya dahil sa sinabi nito at masamang tumingin sa lalaking nagpakilalang battler niya kuno.
"excuse me? Mabilis akong makagets sa mga sinasabi ng mga tao sa akin, its just that ajsshhdduhddbsbsjsjzkskaka" hindi niya natuloy ang sasabihin ng biglang may ipinakain sa kanyang bagay si Ezriel.
Kinuha niya ang bagay na iyo sa kaniyang bibig at kunot noong tinitigan ito.
"like what the heck is this?" wika niya saka iwinagayway sa mukha nito ang bagay na iyon.
"tissue I think? Di ako nainform na medyo bobo ka rin pala ma'am"
"what the heck! did you just fed me a tissue paper?!"
"obvious ba? don't worry ma'am minsan ko lang naman ginamit yan eh" tila mas iniinis pa siya nito dahil pigil ang tawa nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"eeeeeewwwwwww" agad niyang ibinato sa sahig ang hawak na tissue paper at masamang tumingin sa lalaking kaharap.
"masarap naman yun pawis ko ma'am diba?" nakangiting wika nito.
"pakipigilan ako! masasapak ko 'tong hayop na 'to"
"like hellooooo? sinong p*t*ng inang tao ang masasarapan sa pawis ng isang tao ah!? are you insane or what?oh my god, I'm going to call dad and tell him to f----" again she was stop by a thing fed on her mouth.
Agad niya ulit itong tinanggal dahil baka isa naman itong tissue paper. Pero ganun na lamang ang pagtataka niya ng makitang isa itong resibo.
"Resibo yan ng binayaran ko sa mga nasira mo dito. Just pay me pag may pera ka na.... Skl baka tanungin mo ulit kung para saan yan" saad ni Ezriel saka nakapamulsang iniwan siyang nakatanga sa pwestong iyon.
Taka naman siyang tumingin sa may cashier na pilit lamang na ngumiti sa kaniya.
Agad na nag init ang ulo niya at hinabol ang battler sa nasa may entrance na ng arcade zone.
Pasalamat na lang talaga siya at hindi siya mahilig mag heels. Dahil kanina pa sana namaltos ang kaniyang paa.
Habang tumatakbo ay binuklat niya ang hawak na nakacrumpled na papel at binasa kung magkano ang kaniyang total bill.
"three thousand five hundred eighty eight pesos and fifty centavos!" malakas niyang basa sa mga numerong nakasulat doon.
Lahat tuloy nang mga taong naroon ay napatingin sa kaniyang pwesto dahil sa eksenang iyon.
"LIKE WHAT THE HECK IS THIS!? BAKIT ANG LAKI NG BILL KO!" sigaw niya, hindi niya ininda kung pinagtitinginan na ba siya ng ibang tao dahil sa lakas ng boses niya. Wala siyang pakealam.
"HOY! SELF PROCLAIM NA BATTLER KO! BAKIT ANG LAKI NG BILL KO!?" huminto naman sa paglalakad si Ezriel at tumingin sa umuusok na amo
"Damage Cost plus Crowd Damage cost yan, wala pa diyan ang Hospital bill ng mga binugbog mo" paliwanag niya sa amo. Lihim pa siyang napangiti nang mas namula pa ito dahil sa galit.
"and why would I pay for their hospital bill huh? I'm not stupid para bayaran ko iyon. They deserve it!" galit na wika ni Nemi saka itinuro ang mga lalaking nakahandusay pa rin kung saan niya napatumba ang mga ito.
"you need to pay for them, unless gusto mong makulong" kibit balikat na sagot ni Ezriel dito.
"hinding hindi ako makukulong, dad will make a way para hindi mangyari iyon"
"not anymore mi lady, your dad gave me the full resposibility for your doings. According to him, hindi na niya pakikialaman ang mga pinaggagawa mo. So nasa akin na ang desisyon whether hahayaan kitang makulong or what. So choose now"
Hindi sumahot si Nemi sa tanong ni Ezriel bagkus ay naglakad lamang ito ng napakabilis at nilampasan ang lalaki.
Matatalim ang kaniyang mata, sagad na ang pasensya niya.
She needs to talk to her father right now.
Pagkarating sa parking lot ay agad siyang sumakay sa kanilang kotse at initusan si Mang Ben na magdrive patungo sa kanilang bahay.
Pagkaparada pa lang ng kotse sa tapat ng pinto ng kanilang bahay, ay dali dali na siyang bumama ng sasakyan at galit na ibinalibag ang main door na naging dahilan ng pagkakaroon ng malakas na kalabog. Gulat na gulat na napatingin sa kaniya ang mga taong naroon, magmula sa mga katulong na busy na naglilinis ng sala, pati na rin ang nakakatanda niyang kapatid si Nixon at ang asawa nitong si Faye na masaya sanang naglalandian sa may veranda. Napakunot din ang noo ng kanilang ina na sinadya pa talagang sumilip galing nang kusina upang makiusosyo kung anong nangyari.
"anong problema anak?" tanong ni Naomi sa anak na hatalang galit na galit.
Imbes na sagutin ang tanong nang kaniyang ina ay mabilis niyang tinungo ang opisina ng kaniyang ama na nakapwesto sa pagitan ng dining area at living area.
Galit niyang binuksan ang pinto niyon at nadatnan niya ang ama na prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nagbabasa ng isang Food Magazine.
"Dad!" sigaw niya dito upang maagaw ang atensyon nito.
"what it is princess?" tanong nang ama, na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
"is it true that you've hired a battler for me?" diretsang tanong niya sa ama.
"yes" tipid nitong sagot.
"then I want you to fired him right now! I don't want to have an arrogant battler!"
"really? I don't think so princess. In fact, siya lang pumasa sa standard ko as your personal body guard"
"dad!"
"I'm so sorry my princess, but I can't do what you wished for. Isa pa, naienroll ko na siya sa university mo. Sayang naman ang ginastos ko para doon"
"dad! hindi ko kayang pakisamahan ang isang tulad niya! Nakakawalang gana ang pagmumukha niya! Isa pa! He told me na ibigay mo daw sa kaniya ang full responsibility sa akin. Whicjmh is I think will be your stupidest idea you've ever made"
"that is true, I gave him the full responsibility to make you safe and of course to clean whatever you made. And I also gave him the responsibility of decision making whatever he wanted to do to you"
"eh paano pag ipinahamak niya ako?"
"then I will kill him"
"pero dad"
"no buts princesa. My decision is final. He will be your personal battler. Starting from now"
Napagat na lamang siya sa kaniyang labi. Wala na talaga siyang magagawa kapag buo na ang desisyon ng kaniyang ama.
"see this as a challenge for you my princess. kapag siya ay napakisamahan mo at nakatagal sa'yo ng isang taon. Then I would gladly gave you my consent to study whatever course you wanted"
Bigla siyang nabuhayan dahil sa sinabi ng ama. All she need to do is pakisamahan lang ang hayop na iyon.
"really dad?"
"Am I look like a joker to you my dear?" seryosong saad ng ama pero nakangiti naman ito.
"fine... then do as you promise. I want to study abroad"
"as you wish my princess, just do also this favor of me"
"fine... even though I hated seeing that bastard. I'll do it" wika niya.
"good" nakangiting wika ng ama.
Malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago lumabas ng opisinang iyon at nagtungo sa kaniyang silid.
"For my dream. Just for my dream" pagpapakalma niya sa sarili.
Bago naglakad patungo sa kaniyang study table at nagsimulang magsketch ng isang gown.
Ever since, gustong gusto na niyang maging isang fashion designer pero ayaw siyang payagan ng ama na mag aral nito sa Paris. Masyado kasing malayo. Kaya naman ngayon at may deal silang dalawa ay gagawin niya ang lahat mapakisamahan lamang ang hayop na iyon kahit sukdulan ang inis na nararamdaman para rito. She needed a plan para hindi ito makita minuto minuto. And if being a good girl will do then be it. She will do her best to be the nicest girl you've ever met in your life or whatever.