“Mine!!!” Sigaw ko at bigla akong napabangon. “Ara, Anak, anong nangyari? Bakit ka sumigaw?” Ani ni Nanay na bakas sa mukha ang pag-aalala. Bigla akong yumakap kay Nanay. “Nay, si Uno po. Tawagan nyo po si Uno. Baka po may nangyaring masama sa kanya.” Saad ko kay Nanay. Umiiyak na ako. “Ara, huminahon ka nga. Nanaginip ka lang. Walang nangyaring masama kay Uno. Ikaw nga tong nasaktan kahapon.” Tugon ni Nanay habang pinapakalma ako. “Nay, please. Pakitawagan nyo po si Uno.” Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Nanay at hinawakan ko ang kamay niya. “Sandali nga, Ara. Kumalma ka nga. Yang dextrose mo, baka matanggal. Wag kang magpanic at baka dumugo yang sugat sa noo mo. Dyan ka lang. Tatawagin ko lang sina Tatay mo sa labas.” Pagpapakalma sa akin ni Nanay. “Nay….” Natatara

