bc

Mine

book_age16+
699
FOLLOW
2.2K
READ
HE
second chance
sweet
gxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Si Ara ay lumaki na aware sa pagiging ampon niya ng mga nakagisnang magulang. Pero sa kabila ng pagiging ampon niya ay nagsumikap siyang maachieve ang pangarap niyang maging isang licensed Architect. Kasabay ng pagkakapasa niya sa board exams ay sinagot niya ang kaibigan niyang si Uno. Nagkaroon na ng label ang relasyon nila at ipinaalam din sa kanya ni Uno ang totoong pagkatao nito. Naikwento sa kanya ni Uno kung bakit hindi siya nagpapakilala na anak ng CEO ng kumpanyang pinagtratrabahuhan nila ni Ara. Na dahil sa stepmother ni Uno ay mas ninais ng binata na magpretend na simpleng foreman sa kumpanya ng ama. Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil sa isang katotohanan na magiging sanhi ng paghihiwalay ni Ara at ni Uno.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Ara, sabi ng Mommy ko, ampon ka lang daw ng Nanay at Tatay mo.” Saad ng isa kong kalaro sa akin na si Nene. Noong una ay hindi ko pinansin ang sinabi niya pero ilang beses niyang inulit ulit yung sinabi habang naglalaro kami sa looban na malapit sa bahay namin. Hindi ko man siya pinapansin pati na ng ibang kalaro namin pero patuloy pa din niyang sinasabi na ampon ako. Nang hindi pa rin siya tumigil at naiinis na ako ay ang tanging nasagot ko na lang sa kanya ay “Hindi totoo yan.” Pagkatapos ay nagmamadali akong tumakbo pauwi sa amin.  Nagkulong ako sa kwarto namin nina Nanay.  Umiyak ako sa isang sulok.  "Ampon ka lang, Ara."  Nag-eecho pa din sa tenga ko ang sinabi ng kalaro ko habang umiiyak ako.  Sa mura kong edad ay alam ko na ang ibig sabihin ng salitang ampon kaya masakit para sa akin ang masabihan ng salitang iyon. Umiiyak pa din ako nang pumasok sa kwarto namin si Nanay. “Ara, bakit ka umiiyak?”  Nagaalalang tanong sa akin ni Nanay. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.  “Hindi po, Nay, napuwing lang po ako.”   Pagkakaila ko. "Magsabi ka ng totoo, Ara? Bakit ka umiiyak?" Ulit na tanong ni Nanay. "Wala po, Nay." Ani ko sabay yakap kay Nanay habang naiiyak pa din ako. "Anong wala? Hindi ka iiyak ng ganyan ng walang dahilan, Maracella."  Madiin na saad ni Nanay.  Kinumpleto pa niya ang pagtawag sa pangalan ko.  Pag tinawag na kasi ako ni Nanay sa buong pangalan ko, either need ko ng magbehave or umayos ng sagot sa kanya. "Nay, mahal nyo po ba ako? Mahal nyo po ba ako ni Tatay?" Imbes na sumagot ako, yun na lang ang naisip kong itanong kay Nanay. "Syempre naman. Mahal kita dahil anak kita."  Ani ni Nanay.   Niyakap din niya ako. "Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Kahit na makulit ka, ikaw ang buhay namin ng Tatay mo." Dagdag pa ni Nanay. Pinunasan ko na ang mga mata ko gamit ang suot kong damit at pilit kong pinatahan ang sarili ko saka mas mahigpit akong yumakap kay Nanay. "Ok na po ako, Nay. Sapat na po sa akin na marinig na mahal nyo ako ni Tatay. I love you din po, Nay. Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay." Tugon ko kay Nanay. "Ikaw talagang bata ka. Hindi mo naman kailangang umiyak pa kung gusto mong maglambing sa amin ni Tatay mo. Nagalala tuloy ako sayo. Akala ko may nangyayari na sayong masama."  Saad ni Nanay habang nakatingin sa akin. "Wala po, Nay. Wala pong nangyari sa akin na masama." Ani ko. Pinunasan ko pa ulit ang sipon ko at luha ko gamit ang kwelyo ng tshirt kong suot. "May umapi ba sayo?" Naninigurado pang tanong ni Nanay. "Wala po, Nay. Saka ako pa po ba ang magpapaapi." Ani ko na tila nagyayabang para mapanatag na din si Nanay. "Kunsabagay. Hindi ka naman talaga pumapayag na maapi ng kahit sino dyan. Basta tandaan mo, Ara, pag alam mong nasa tama ka, wala kang ginawang masama at naagrabyadong ibang tao, wag kang papayag na maapi ka o matapakan ang pagkatao mo." Mahigpit na bilin ni Nanay sa akin na tinugunan ko ng pagtango. "Sige na. Maligo ka na ngang bata ka. Ke babae mong tao ang dumi dumi ng damit mo. Para kang lalake. Kung saan saan ka na naman nagsuot. Nanggigitata yang suot mo at amoy araw ka. Umakyat ka na naman siguro sa bubong." Ani ni Nanay pero hindi siya galit. Tatawa tawa pa nga siya sa akin.  May akyatan kasi sa likod bahay namin papunta sa bubong. Madalas kasi akong umakyat sa bubong namin lalo na pag malapit ng magdapit hapon. Gusto kong tinitignan ang langit pati na ang mga ulap sa madaling araw at sa hapon hanggang sa lumubog ang araw. May sense of freedom, kapanatagan at kapayapaan ng loob akong nararamdaman pag nakaupo ako sa bubong ng bahay namin. Pag ayaw ko ng makipaglaro sa aking mga kababata ay doon ako tumatambay. Nakaupo lang sa bubong habang pinagmamasdan ang aking paligid. "Kahit naman po madumi ako, maganda pa din naman po ako gaya nyo po, Nay.  Di ba po magkamukha po tayo.” Naglalambing kong saad kay Nanay. “Oo naman, magkamukha tayo.  Pareho tayong maganda, Ara. Kaya maligo ka na para mas maging maganda ka kesa sa akin.” Utos sa akin ni Nanay. “Sige  po, Nay.  Maliligo na po ako."  Ani ko.  Yumakap muna ako ulit sa kanya saka ko kinuha ung twalya kong nakasabit sa likod ng pinto ng aming kwarto.  Magaan na ulit ang pakiramdam ko. Eight or ten years old lang yata ako noon ng una kong narinig ang katotohanang iyon na sinabi sa akin ng isa sa mga kalaro ko. Pero hindi lang naman siya ang nagiisang tao na naringgan ko about sa pagiging ampon ko. Marami ding mga sumunod na eksena na katulad pa doon na ginawa sa akin ni Nene. Maski mga kamaganak sa both sides ni Nanay at ni Tatay ay naringgan ko ding pinaguusapan nila ang pagiging ampon ko pag may family gathering kami. Pati na ang mga kapitbahay namin na nagtsitsismisan sa tindahang binibilhan ko ay naririnig ko ding lihim na pinaguusapan ako pag nakikita nila ako. Feeling yata nila hindi ko sila naririnig. Hindi ko lang masabi sa kanila na ampon po ako. HINDI PO AKO BINGI. Nooong una umiiyak ako ng palihim pag may nariringgan ako na sinasabing ampon ako. Pero sa kalaunan ay nasanay na din ako. Sa pagdaan ng mga taon natanggap ko na din eventually ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko na iniiyakan. Nasanay na ako na from time to time may naririnig ako na nagsasabing ampon ako.  Tutal yun naman ang alam nila at yun naman din ang totoo bukod pa sa obvious naman talaga na hindi ako tunay na anak nina Nanay at Tatay dahil malaki ang pagkakaiba namin sa physical appearance. Hindi ako kamukha or ni kahawig man lang ni isa man nina Tatay at Nanay. Mestisa ako na matangkad at straight ang buhok ko. Sina Nanay at Tatay naman hindi katangkaran. Mas mataas ako sa kanila. May pagkakulot ang mga buhok nila at kayumanggi ang kulay nila pareho. Sabi nga ng mga kapitbahay namin na etchosera, alangan naman daw mamunga ng mangga ang puno ng santol. Minsan gusto ko na silang sagutin na sana yung mga dila nila ang tubuan ng santol sa sobrang daldal at pakialamera nila sa buhay ng may buhay. Hahahaha. Ang lugar kasi na tinitirahan namin sa Bulacan ay halos magkakakilala ang mga tao at alam ng bawat isa ang kwento ng buhay ng bawat isa. Kaya madalas pag may nagsasabi sa akin na ampon ako, ang isinasagot ko na lang ay matagal ko na pong alam ang tungkol doon. Huli na po kayo sa balita. O kaya naman, di bale na pong ampon ako, mahal na mahal naman po ako ng Nanay at Tatay ko. Pagkatapos ay tatawa ako para akalain nila na balewala lang sa akin yung sinabi nila. Pero kahit na halos lahat ng tao sa paligid ko ay ipinamumukha sa akin ang katotohanan sa pagkatao ko, hindi ko naman matanong ng diretso sina Nanay at Tatay kung sino ang mga tunay kong magulang. Ayoko kasing isipin nina Nanay at Tatay na may pagkukulang sila. Ayoko silang masaktan dahil ramdam ko naman na mahal nila ako talaga ng higit pa sa tunay na anak. Never naman nilang pinadama sa akin na ampon ako. Saka wala din naman akong balak alamin pa kung sino ang mga tunay kong magulang. Ipinàmigay na nila ako so it means hindi ako mahalaga sa kanila. Kaya sabi ko nga sa sarili ko na why should I bother to look for them kung sobra sobra naman ang pagmamahal sa akin ng mga nakagisnan kong mga magulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook