CHAPTER 2

1209 Words
Ako nga pala si Maracella Tuazon Delos Santos. Ara ang nickname ko. 27 years old na ako. And yun nga, ampon ako ng mga nakagisnan kong magulang. Kung ang ibang mga kagaya ko na ampon ay nagrerebelde at nagiging bitter sa buhay upon knowing na adopted sila, ako hindi. I remained friendly and cheerful. Kahit sa mga taong ipinamumukha sa akin na ampon ako, hindi naging magaspang ang paguugali ko sa kanila. I still treat them with respect dahil yun ang turo sa akin nina Nanay at Tatay. Maging mabuting tao ako at irespeto ang taong nakakasalamuha ko anuman ang antas niya sa buhay. Saka ginawa kong motivation yung pagiging ampon ko. Nagpursigi ako sa pag-aaral ko para mapatunayan ko sa mga nakakaalam na ampon ako nina Nanay at Tatay na hindi nagkamali ang mga adoptive parents ko sa pag ampon sa akin at hindi ko sinasayang ang ginagastos nila para sa pagpapalaki sa akin lalo na sa pag-aaral ko. Hindi man ako nakakasama sa honors list, matataas din naman ang mga grades ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero beauty and brains nga daw ako sabi ng mga nakakakilala sa akin. Sa isang private school ako pinag-aral nina Nanay at Tatay dito sa Malolos, Bulacan ng elementary at high school mula sa sinasahod nila bilang empleyado sa kapitolyo. Nang mag-college ako, sa PUP Sta. Mesa ko napiling mag-aral para mura lang ang tuition fee. Edukasyong dose pesos nga di ba ang tagline ng mga graduate ng PUP. Kasi nga 12 pesos lang kada isang unit sa PUP. Anyway, graduate ako ng BS Accountancy pero I didn't take the CPA Board exams dahil the truth is, gusto kong maging isang licensed Architect. I took BS Accountancy dahil yun ang gusto nina Nanay at Tatay na kunin kong kurso. Nang makagraduate ako ay nagapply agad ako sa Alcantara Construction Corporation or ACC na isang construction company sa may Ortigas na contractor sa mga government projects at sub contractor din ng ibang mga malalaking construction company ng bansa para may connection sa pangarap ko na maging Architect. Nahire naman ako bilang isa sa mga Project Accounting Associate ng kumpanya. Different construction projects ang hinahandle ng ACC kaya kada project ay may naka-assign na Project Accounting Associate. Kumbaga, lahat ng transactions involved sa project na nakaassign sa akin like payroll ng mga tao, payment ng expenses and liquidations ng cash advances ay ako ang nagproprocess. Then nang maka-one year na ako sa trabaho ko, I decided to pursue my dream na maging Architect. Nagenroll na ako sa kursong BS Architecture sa PUP Sta. Mesa pa din. Buti na lang Monday to Friday lang ang pasok ko sa ACC dahil every Saturday at Sunday naman ang klase ko sa PUP. Hindi ako nahiya na makipagsabayan sa mga edad 16-17 years at mga fresh grad ng high school na naging classmates ko noong 1st sem ko dahil sa kagustuhan kong maging Architect. Saka parepareho naman kaming mga working students kaya nga Saturday at Sunday ang mga pasok namin. May mga minor subject din naman ako na nacredit kaya halos major subjects lang din ang need kong kuhanin. Instead na 5 years ay naging 4 years na lang ang naging pagkuha ko ng BS Architecture. Nagtyaga ako para mapagsabay ang pagwowork at pag-aaral. Ako ang nagpaaral sa sarili ko. Hindi na ako humihingi kina Nanay at Tatay bagkus nagaabot pa ako sa kanila tuwing sasahod ako para pandagdag sa panggastos nila sa bahay namin sa Bulacan. Umuupa na kasi ako sa isang maliit na apartment malapit lang sa pinagtratrabahuhan ko kaya naging madalang ang paguwi ko sa Bulacan nung nag aaral ako. Hindi na ako nakakauwi every weekend. Hindi rin naman ako makauwi ng weekdays dahil may mga araw na pumapasok ako sa office na 2 to 3 hours lang ang tulog ko dahil sa mga requirements na need kong ipasa sa school. Tuwing sembreak lang ako nakakauwi ng weekends sa Bulacan. Aware naman ang mga boss ko at ang mga kasamahan ko sa trabaho na nagaaral ako kaya may mga engineer at mga architect akong kasamahan na nagsabi sa akin na if ever need ko ng tulong nila ay wag akong mahihiya na lumapit sa kanila. Supportive sila sa pangarap kong maging Architect. Sina Nanay at Tatay naman noong una ay hindi sangayon sa pag-aaral ko ulit dahil baka daw hindi ko kayanin ang pagod saka ang pressure both sa work at sa school pero nung nakita nila na determinado akong maabot ang pangarap kong maging Architect ay paunti-unti napanatag na din sila. Hindi pa man nga ako nakakapasa sa board exams ay proud na proud na sa akin sina Nanay at Tatay nang makagraduate ako ng BS Architecture dahil double degree holder daw ako. Bukod sa unusual daw at hindi pa related pa yung two courses na kinuha ko. Mas nanahimik na ang mga etchoserang kapitbahay namin pati ang mga judgmental na mga kamaganak nina Nanay at Tatay about sa pagiging ampon ko. Puro nice words at compliments na ang narinig ko sa kanila. Swerte daw sina Nanay at Tatay na naging anak nila ako simula pa nung bata ako kasi nga daw never akong naging sakit sa ulo nila. Saka yun nga graduate daw ako ng dalawang kurso. Mana daw ako kina Nanay at Tatay. O di ba mga baligtarin talaga. After kong makagraduate ay nagenrol naman ako for review classes in preparation for the board exams. Nagleave of absence ako for a month sa work ko 2 weeks before the Board exams. At eto na nga ang araw na pinakaiintay ko. Ang posibleng katuparan ng pangarap kong maging licensed Architect ako. Maaga akong gumising kanina. After naming magbreakfast nina Nanay at Tatay ay naligo na ako. After kong maligo ay lumabas agad ako ng kwarto ko papunta sa sala namin para magkasama kami nina Nanay at Tatay na tignan kung pasado ba ako o bagsak sa board exams. Nakapatong ang laptop ko sa ibabaw ng center table namin sa sala habang nakaupo ako sa sofa. Katabi ko sina Nanay at Tatay sa sofang kinauupuan ko. Nasa magkabila ko silang gilid. Dahil ngayon ang release ng results, kabado akong brinabrowse ang listahan ng mga nakapasa sa Licensure Examinations for Architects sa website ng Professional Regulation Commission o PRC. Surnames under letter D agad ang clinick ko. Lord, your will be done po. Ani ko sa isip ko. D Da De Dela Delos Delos Santos, Ana Cruz Delos Santos, Manuel Reyes Delos Santos, Maracella Tuazon Oh God, ayun ang pangalan ko. Architect na ako. "Pasado ako! Yes! Salamat po, Lord." Sigaw ko habang nagtatalon sa saya na parang bata. Sina Nanay at Tatay naman ay nakaupo pa din sa sofa. Natanaw kong nakaakbay na si Tatay kay Nanay. Pareho silang naiiyak dahil sa tuwa habang nakatanaw sa akin. Tumigil ako sa pagtalon. Yumakap ako kina Nanay at Tatay. Umiiyak na din ako. "Congrats, Anak." Ani ni Nanay sa akin. "Proud kami sayo, Architect Maracella Tuazon Delos Santos." Saad naman ni Tatay sa akin. "Maraming salamat po Tay. Nay. Ang lahat po ng ito ay dahil po sa inyo at para po sa inyo." Ani ko habang nakayakap sa kanila. Patuloy pa din kaming umiiyak nina Nanay at Tatay habang magkakayakap. Thank you po, Lord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD