CHAPTER 3

2091 Words
"Sulit ang lahat ng pagpupuyat mo at pagtyatyaga mo dahil natupad mo na ang pangarap mo, Anak, na maging isang licensed Architect." Ani ni Nanay. Nakaupo na ako ulit sa gitna nila ni Tatay sa sofa. Hawak ni Nanay ang kamay ko samantalang nakaakbay naman sa akin si Tatay. "Bukod pa doon, mas napatunayan mo pa sa amin at sa lahat ng tao na hindi kami nagkamali na ampunin ka namin." Saad naman ni Tatay. Gulat akong napatingin kay Tatay dahil sa sinabi niya. First time lang kasi nila nabanggit ang pagiging ampon ko ngayon. Never naming napagusapan yun. "Nabasa kasi namin ni Nanay mo yung mga nakasulat sa notebook mo na lagi mong dala-dala nung minsang maiwan mo yun dito sa bahay. Yung sinusulatan mo pag umaakyat ka sa bubong natin. Pasensya ka na kung pinakialamanan namin ni Nanay mo. Nabasa namin dun yung mga saloobin mo. Nabasa din namin yung nakasulat doon na papatunayan mo sa amin at sa lahat ng tao na nagsasabing ampon ka na deserve mo na inampon ka namin. Aabutin mo kamo lahat ng pangarap mo para sa sarili mo at para sa amin ng Nanay mo. Magiging Architect ka para patunayan mo sa kanilang lahat na kahit ampon ka, you will be a somebody at may mararating ka." Ani ni Tatay. Alam ko yung sinasabi ni Tatay na notebook ko. Mahilig kasi akong magsulat ng kung ano-ano. Mga thoughts ko. Mga nangyayari sa buhay ko sa araw araw pag masaya ako or malungkot ako. Madalas sa bubong ng bahay ako nagsusulat pag andito ako sa Bulacan. Andoon lahat yun sa notebook na nabasa pala nina Tatay at Nanay. Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko dahil pati mga kalokohan kong isinulat ko na nandoon ay nabasa nila. "Bakit namumula yang mga pisngi mo, Ara?" Tanong sa akin ni Nanay. "Tay, tignan mo nagblablush ang anak natin." Natatawang tukso sa akin ni Nanay. "Eh kasi naman po, nabasa nyo pati mga kalokohan ko. Nakakahiya kaya." Ani ko sabay takip pa ng mukha ko. "Anong nakakahiya doon? Ayaw mo ba nun, nalaman namin yung mga saloobin mo. Mas naintindihan ka namin." Tugon ni Nanay. "Oo nga, Anak. Tama naman si Nanay mo. Atleast nalaman namin na aware ka na pala sa pagiging ampon mo at hindi mo minasama iyon. Instead you use it positively. Hindi ka nagalit sa amin ni Nanay mo dahil naglihim kami sayo." Ani ni Tatay. Tinanggal pa niya ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Niyakap nila ako ni Nanay. "Kahit kelan po, hindi ako magagalit sa inyo ni Nanay dahil kung hindi po kayo ang umampon sa akin baka napariwara na ako. Baka imbes na Architect po ako ngayon, baka isa na pala po akong addict or nakakulong na ako or baka wala na ako dito sa mundo." Ani ko. Mas hinigpitan ko pa ang yakap kina Nanay at Tatay. "Habambuhay po akong magpapasalamat sa inyo at kay God dahil sa inyo Niya ako binigay. Saka ni minsan naman po hindi nyo ipinaramdam sa akin na ampon nyo ako " "Sus, ang drama naman ng anak natin, Nay." Saad ni Tatay. "Tay, nagchange topic lang yan dahil ayaw niya lang sabihin sa atin ang totoong dahilan kung bakit siya nahihiya." Saad ni Nanay. Nakangisi siya sa akin. "Pero, ako, alam ko kung bakit nahihiya itong si Ara sa atin, Tay." Nakangising saad sa amin ni Nanay. "Bakit, Nay?" Tanong ni Tatay. Pareho kaming napatingin kay Nanay. "Kasi magkakaboyfriend na siya. Sasagutin na niya si Uno. Ayiee." Panunukso sa akin ni Nanay na tila kinikilig pa. Si Uno. Ang Bestfriend Uno ko. Siya ay si Juan Miguel Alcantara. Foreman siya sa ACC. Sa halos lahat ng mga naging projects na hinahandle ko siya nakasign kaya mas madalas kaming nagkakausap at nagkakasama. Magkaedad lang kami pero ahead ako sa kanya ng isang taon na mahire sa ACC. Gwapo siya at matalino. Medyo hawig nga siya kay Joseph Marco. Madali kaming nagkapalagayan ng loob dahil marami kaming bagay na napapagkasunduan gaya sa pagkain, genre ng movies pati songs, mga ayaw naming ugali ng isang tao at kung ano ano pa. Isa siya sa mga nagmomotivate sa akin to keep on going lalo na pag gusto ko ng maggive up at naprepressure na ako sa work pati sa studies ko. Ang sabi niya graduate siya ng kursong BS Civil Engineering pero hindi siya nakapasa ng board exams. Namatay ang Nanay niya noong 8 years old lang siya. Nag-asawa ulit ang tatay niya at nagkaroon siya ng 2 half brothers na parehong nasa college na din. Though taga Makati lang daw sila pero mas pinili niyang mamuhay magisa sa Pasig dahil hindi daw niya kasundo yung stepmother niya kahit na close siya sa mga kapatid niya. May pagkapakialamera daw kasi ung stepmother niya na pati pag-aasawa niya ay gustong pakialamanan kaya he decided to live on his own. Tinanong ko siya minsan kung kamaganak ba niya yung may ari ng ACC kasi nga Alcantara ang surname niya. Sabi niya kaapelyido lang daw niya. Noong una, barkada lang kami. Tropa lang. Sinasamahan niya ako sa mga lakad ko. May times na isinasama din niya ako sa mga lakad niya gaya ng pamamasyal niya sa kung saan saan pag wala kaming pasok pareho or pag may lakad sila ng mga kaibigan niya na taga ACC. Mahilig din kaming maglate night kain sa mga 24 hours kainan sa Metro Manila dahil magkalapit lang ang mga apartment na tinutuluyan namin. May sarili kasi siyang pick up na naipundar niya mula sa sahod niya kaya halos araw araw niya akong isinasabay sa pagpasok sa opisina o kaya naman kung didiretso siya sa site ay hinahatid muna niya ako sa opisina namin. Siya din ang nagturo sa aking magdrive kaya may driver's license na din ako. Kilala na din siya nina Nanay at Tatay dahil ilang beses ko na din siyang naisama dito sa Bulacan pag natapat ung paguwi ko dito na wala din siyang pasok or ibang lakad. A year ago, umamin siya tungkol sa nararamdaman niya para sa akin pero sabi nga nya willing naman daw siyang maghintay dahil aware naman daw siya sa mga priorities at pangarap ko. Naikwento ko na kasi sa kanya ang halos lahat tungkol sa pagkatao ko. Wala akong sinikreto sa kanya. Alam niya na ampon ako at ang mga pangarap ko. Dahil mabait naman kasi si Uno kaya hindi naging mahirap para sa akin na mahalin din siya. Bukod sa bago pa man siya nanligaw sa akin, alam ko na sa sarili ko na I have started falling in love with him. Hindi ko lang masabi sa kanya dahil nga friends lang kami. Then yun nga nanligaw siya kaya ang balak ko kasi sasagutin ko siya paglabas ng results ng board exams. Alam din ni Uno yun na malalaman niya ang sagot ko pag nirelease ang results ng Board exams. Though for formality na lang naman talaga ung pagsagot ko sa kanya kasi hindi naman ako totally nagtatago ng feelings ko sa kanya. Para na nga kaming magboyfriend at maggirlfriend kung kumilos. MU yata ang tawag dun. "Totoo di ba na sasagutin mo na si Uno?" Giit ulit ni Nanay ng hindi ako sumasagot sa sinabi niya. "Hindi po kaya." Ani ko kay Nanay. "Naku, Maracella, kami ba naman ng Tatay mo ay paglilihiman mo pa. Nabasa namin sa notebook mo na matagal ka na ding inlove kay Uno. Saka nasa tamang edad ka naman na. Hindi lang para magkaboyfriend kundi para mag-asawa na din. Magbebente otso ka na nga e. Yung mga kaedaran mo nga dito sa atin eh may mga asawa at mga anak na." Ani ni Nanay. "Oo nga naman, Ara. Tama si Nanay mo. Huwag ka ng maglihim sa amin dahil wala namang problema sa amin kung sasagutin mo na si Uno dahil boto naman kami sa kanya para sayo. Mabait naman siya at magalang. Base sa mga kwento mo masipag at mabuting tao siya na napatunayan din naman namin ng Nanay mo bukod sa kilala na din naman namin siya. Alam na din namin ang ugali niya kaya panatag na ang loob namin sa kanya. Saka, Ara, obvious naman sa amin ng Nanay mo na may pagtingin ka din naman kay Uno." Saad naman ni Tatay. Napabuntong hininga na lang ako. Talunan na naman ako kina Nanay at Tatay. Useless na magdeny pa ako sa kanila. "Oo na po. Surrender na po ako sa inyo." Nagkunwari pa akong nagmamaktol kina Nanay at Tatay. "So kelan mo ba sasagutin si Uno?" Tanong ni Nanay. "Bukas ba pagbalik mo sa ACC?" Tanong naman ni Tatay. "Depende po." Tugon ko sa kanila. "Paanong depende?" Tanong ni Tatay. "Depende po kung magagawa niya yung ipinagdarasal ko na magiging sign para sagutin ko siya ng OO." Sagot ko kay Tatay. "Sus, may sign sign pa kasing nalalaman. Para kang Nanay mo. Aba, Ara, mahigit isang taon na yatang nanliligaw sayo yang si Uno. Saka ilang taon na din naman kayong naging magkaibigan bago siya nanligaw sayo. So halos kilala nyo na ang isa't isa. For formality na nga lang yang pagsagot mo sa kaniya kung sakali dahil sabi ko nga kanina halata naman na may mutual feelings kayo sa isat isa. Saka ano pa bang sign yang gusto mong makita?" Ani ni Tatay na tila dismayado. "Ang pinakafinal sign po kasi na gusto kong gawin ni Uno ay ang pumunta po siya ngayon dito sa atin to show his support sa akin, pumasa man po ako o hindi sa board exams. Saka po bigyan niya ako ng bulaklak na sunflower. Madalas niya po kasi akong bigyan ng flowers pero never niya po akong binigyan ng sunflower na favorite ko po." Saad ko. "Mukhang imposible naman yan, Ara. Lalo na di ba ang usapan ninyo ni Uno na magkikita lang kayo pagbalik mo sa ACC which is tomorrow." Ani ni Nanay. "Kaya nga po iyon ang gusto ko pong sign. Kasi kahit po sabihin ko sa kanya na wag po siyang pumunta dito, dapat po puntahan pa din po niya ako ngayon dito kahit na ano pa po ang maging resulta ng exams. Pumasa man po ako o hindi, dapat andito po siya para samahan po ako sa saya man o pagkabigo ko." Paliwanag ko kina Nanay at Tatay. "Bakit ba kasi kayong mga babae, ang hilig nyo sa mga sign sign na yan? Mahal nyo na nga kaming mga lalake pero gusto niyo pa din na mas pinahihirapan nyo pa kami. Para kang ang Nanay mo." Reklamo ni Tatay. "Ganoon talaga. Gusto lang namin makasigurado na deserve nyo ang pagmamahal namin at tama ang desisyon namin sa pagpili sa inyo." Tugon naman ni Nanay. "Saka tama naman si Ara. Dapat magkusa si Uno na iparamdam niya sa anak natin na he will be there for Ara no matter what the result of the exams will be. Dapat nga kahapon pa siya nandito." Pagsangayon sa akin ni Nanay. Nakipag-appear pa sa akin si Nanay. "Kaming mga lalake, hindi kami manghuhula para malaman namin ang mga sign sign na yan kung hindi nyo sasabihin. Magbigay man lang sana kayo ng clue." Reklamo pa ni Tatay. "Nagawa mo naman dati yung sign na ipinagdasal ko na masundan mo ako sa simbahan sa Lucban kahit hindi ko sinabi sayo di ba." Saad ni Nanay. "Kaya kung talagang para kay Uno si Ara, magagawa din ni Uno yung sign na gustong makita ni Ara kahit hindi sabihin ni Ara kay Uno kung ano man yun." "Tumpak. Tama po si Nanay, Tay. Saka sabi nyo nga po, sa tagal na naming magkakilala ni Uno, dapat alam na niya kung ano ang mga gusto ko at ayaw ko." Pagsangayon ko kay Nanay. "Naku, bahala kayong mag-ina. Basta wag kang iiyak sa akin, Ara, pag yang si Uno e napagod na sa panliligaw niya sayo dahil sa mga sign sign na yan." Babala ni Tatay pero alam ko naman na biro lang yun ni Tatay dahil alam ko naman na si Tatay ang unang una na dadamay sa akin kung sakaling umiyak ako anuman ang maging dahilan ng pagiyak ko. Silang dalawa ni Nanay ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Sasagot pa sana ako kay Tatay ng biglang magring ang cellphone ko. Magkakasabay pa kami nina Nanay at Tatay na tumingin sa cellphone ko na nasa ibabaw ng center table na nasa harap namin para tignan kung sino ang tumatawag. Nakita kong napangiti din sina Nanay at Tatay gaya ko ng makita nila kung sino ang tumatawag. Uno calling….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD