CHAPTER 4

1004 Words
Uno calling… "Ayan na si Foreman. Sagutin mo na, Ara." Nakangising saad ni Tatay. Si Nanay naman ay tila kinikilig. Napaisip tuloy ako dahil parang double meaning yung sinabi ni Tatay. Sagutin ko yung call ni Uno or sagutin ko na si Uno para maging boyfriend ko na siya. Ay, ewan. Pinindot ko ang speaker on ng cellphone ko at saka ko pinindot ang answer button. Hinayaan ko lang na nakapatong ito sa center table. "Congrats Best, Architect Maracella Tuazon Delos Santos. I'm so proud of you, Best." Masayang sigaw ni Uno sa kabilang linya kahit na hindi pa ako nag-Hello sa kanya na nakapagpatalon sa saya at kilig sa puso ko. Best ang tawagan namin ni Uno. Best short for Bestfriend. "Salamat, Best. Ang aga mong tumawag ah." Tugon ko sa kanya. "Syempre naman. Gusto kong ako ang unang magcongratulate sayo, Best, bukod kina Nanay at Tatay." Ani ni Uno. Nanay at Tatay na din ang nakasanayan niyang itawag sa parents ko. "Ang arte mo. May nalalaman ka pang ganyan." Ani ko na ikinatawa ni Uno. "Nasaan ka ba, Best?" Tanong sa akin ni Uno. "Nandito sa bahay." Tugon ko naman. "Hindi ka ba aalis, Best?" Tanong niya ulit. "Hindi, Best. Mamaya pang hapon kami magsisimba nina Nanay at Tatay." Ani ko. "Nasaan ka ba? Bakit parang ang ingay?" Tanong ko dahil sa ingay ng sasakyan na naririnig ko sa paligid niya. "Mamaya na lang tayo ulit mag-usap, Best. Andito na ako sa pupuntahan ko. Bye, Best." Tugon ni Uno. Hindi pa ako nakakasagot kay Uno ay lumitaw na agad ang "Call Ended" sa monitor ng cellphone ko. "Kainis." Bulalas ko tuloy. "O bakit ka naman nainis dyan? Tinawagan ka na nga ni Uno, nainis ka pa dyan." Saad ni Tatay. Nakangisi siya sa akin. "Eh kasi naman po, Tay, hindi pa nga po ako nakapaggood bye sa kanya, iniend call na po ni Uno agad." Nakasimangot kong tugon kay Tatay. "Baka nagmamaneho si Uno kaya ganoon." Ani naman ni Nanay. "Dapat po hindi na siya tumawag kung magmamadali lang po pala siya." Reklamo ko. "Sus, babae ka nga, Ara. Babae ka nga." Kantyaw naman sa akin ni Tatay. Kahit hindi man diretsahang sinabi ni Tatay ang gusto niya sabihin, alam ko ang gusto niyang ipahiwatig dun sa sinabi niya na babae nga ako. Babae ako na mahirap maintindihan ang gusto. Na imbes na matuwa ako dahil tinawagan ako ni Uno, e nainis pa ako. Magrereason out pa sana ako kay Tatay pero biglang may kumatok sa pinto. Padabog akong tumayo at naglakad papunta sa pinto para buksan ito. Walang kagana-gana kong binuksan ang pinto habang sina Nanay at Tatay naman ay nakasunod sa akin ng tingin. Tila nagtataka din sila at gusto din nilang malaman kung sino ang bisita namin ng pagkaaga-aga na nakapasok sa gate ng hindi man lang nagdoorbell. Past 8am pa lang kasi. At malamang isa kina Nanay at Tatay ang nakaiwang bukas ng gate namin kaya nakapasok sinuman tong kumakatok ngayon sa pinto sa bakuran namin. Hindi ko napigilang mapangiti na halos abot tenga ko na nang ang tumambad sa harap ko ng buksan ko ang pinto ng bahay namin ay si Uno na abot tenga ding nakangiti sa akin. Naka-striped polo shirt siya na kulay dark blue and white, maong pants at sneakers. Lalo siyang gumwapo sa suot niya. May dala siyang bouquet ng pink lilies na may sunflower sa gitna at 2 wooden hearts on stick na may nakaprint na CONGRATS! sa isa at I LOVE YOU! naman sa isa. "Good morning, Architect Delos Santos!" Bati sa akin ni Uno. Tumingin ako kina Nanay at Tatay. Nakangiti silang nakatingin sa amin ni Uno. Tila nagkaintindihan kami nina Nanay at Tatay kahit na sa simpleng tingin ko lang sa kanila, alam na nila kung ano ang nasa isip ko na gusto kong gawin dahil nagawa ni Uno ang sign na gusto kong mangyari. Tumango sila sa akin. "Anak, payag ako sa kung anuman ang gagawin mo." Ani ni Tatay. "Ako din, Ara, payag ako." Pagsangayon din ni Nanay. Dahil sa sinabi ni Nanay at Tatay, agad akong lumapit kay Uno at yumakap sa kanya. Naramdaman kong tila naestatwa si Uno dahil na din siguro sa pagkabigla niya sa pagyakap ko sa kanya kaya bumulong ako sa kanya. "I love you, too, Best." "Ha?" Narinig kong saad ni Uno. "Oo, ang sagot ko, Best." Ani ko kay Uno. Bumitaw muna ako sa pagkakayakap ko sa kanya para makaharap ako sa kanya. "Tayo na, Best?" Ani ni Uno na halatang hindi pa nagsink-in sa kanya yung sinabi ko. "Oo, Best. Officially, tayo na. Girlfriend mo na ako at boyfriend na kita. Ayaw mo ba?" Nakangiti kong tugon sa kaniya. "Yes!!!" Masaya niyang sigaw. Saka niya ako hinawakan sa braso ko at maingat na hinila niya ako para yakapin ako gamit ang isang kamay niya na walang hawak. "Akin na muna yang hawak mong bulaklak, Uno, para mayakap mo ng maayos ang anak ko." Narinig kong saad ni Tatay na nakatayo na pala sa likod ko. Napangiti ako lalo nang maramdaman kong nakayakap na sa akin ang parehong braso ni Uno. Napakasupportive talaga ni Tatay ko. "Thank you, Best. Imbes na ikaw ang masurprise ko, ako pala ang masusurprise ngayon. Daig ko pa ang nakapasa sa board exams dahil sa sobrang saya ko ngayon." Ani ni Uno. Naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko. "Ehem. Ehem." Narinig kong saad ni Tatay. Agad kaming bumitaw sa pagkayakap namin ni Uno sa isa't isa. Medyo matagal na kasi ang pagkakayakap namin ni Uno sa isa't isa sa harap ni Nanay at ni Tatay. Conservative pa man din si Tatay. Hahaha. "Sorry po, Tay. Sorry po, Nay. Nadala lang po sa sobrang saya ng puso ko dahil po sa surprise sa akin ni Ara." Ani ni Uno. "Mano po." Saad niya habang nagmamano kina Nanay at Tatay. Iniabot sa kanya ni Tatay yung bouquet. Kinuha din niya yung kahon ng Goldilocks na pinatong niya sa upuan na nasa harap ng bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD