"For you, Best." Ani ni Uno sa akin.
"Thanks, Best." Nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Ano ba naman yan? Best pa din ang tawagan nyo?" Tanong ni Nanay sa amin nang makaupo kami sa sofa sa loob ng bahay namin.
"Si Nanay naman. Nagmamadali. Syempre po hindi pa po namin napapag-usapan ni Uno kung ano po ang itatawag namin sa isa't isa simula po ngayon." Ani ko.
"Nay. Tay. Pwede ko po bang tawagin si Ara na Mine?" Tanong ni Uno kina Nanay at Tatay.
Napangiti sina Nanay at Tatay. Ako naman ay lihim na kinikilig.
Mine. Sa Tagalog AKIN. Ibig sabihin sa kanya lang ako at akin lang siya. Gusto kong ipagsigawan na AKIN LANG SI JUAN MIGUEL ALCANTARA.
"Huwag kami ang tanungin mo. Si Ara dapat ang magdecide nyan. Pero nagpapasalamat pa din kami sayo, Uno, dahil kinoconsider mo kami." Saad ni Tatay.
"Architect Maracella Tuazon Delos Santos, can I call you Mine?" Tanong sa akin ni Uno.
"Opo, Mr. Juan Miguel Alcantara. You can call me Mine as I call you, Mine, din." Nakangiti kong tugon kay Uno. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan ito saka niya pinisil.
"Hay naku, nakakakilig naman. Tara na nga muna, Tay, tignan muna natin kung ano ang pwede nating lutuin para sa tanghalian sa kusina para makapagsarilinan at makapagusap yang dalawang mag-Mine na to." Aya ni Nanay kay Tatay.
"Huwag na po kayong magluto, Nay. Aayain ko po sana kayong maglunch sa labas para icelebrate po natin ang pagkapasa ni Mine ko sa board exams pati na po yung pagpayag po niya na maging officially Mine ko na siya today." Saad ni Uno.
"Ganoon ba. O sige. Dito ka ba matutulog mamaya, Uno?” Tanong ni Tatay.
“Opo sana, Tay, para po hindi na magcommute bukas si Mine ko pagluwas po niya. Pwede po ba? Dapat nga po kahapon pa po ako pupunta dito. Nagkaproblema lang po sa site.” Pagpapaalam ni Uno.
Nagkatinginan kami nina Nanay at Tatay dahil sa sinabi ni Uno na dapat kahapon pa siya pupunta dito. Hays. Tama lang talaga na sagutin ko siya.
"OO naman, Uno. Pwede ka naman ulit dito sa sofa matulog gaya dati.” Pagpayag ni Tatay.
"O kaya, may banig akong binili nung isang araw. Pwede kang maglatag dito kaso walang kutson." Saad naman ni Nanay.
"Ok lang po sa akin kahit alin po dito sa sofa or sa banig po ako matulog. Hindi naman po ako maselan." Tugon ni Uno.
“So mamayang dinner na lang kami ng Nanay nyo ang magtreat sa inyo. Sa labas na lang din tayo kumain after nating magsimba mamaya." Ani ni Tatay. "Tara na muna, Nay. Magready na tayo para sa double date natin nina Mine." Aya ni Tatay kay Nanay.
"Ok." Ani ni Nanay kay Tatay. "Dyan na muna kayong dalawa." Saad naman niya sa amin ni Uno.
"Salamat po, Nay. Salamat po, Tay." Ani ni Uno kina Nanay at Tatay.
Tinapik pa siya sa balikat nina Nanay at Tatay bago sila pumunta sa kwarto nila.
Nang maiwan kami ni Uno sa sala ay inakbayan ako ni Uno at isinandal sa balikat niya habang hawak ng isang kamay niya ang kamay ko.
"Thanks, Mine, dahil sinagot mo ako kahit na mas lumaki pa ang agwat natin sa buhay ngayon." Bungad ni Uno.
"Ano bang agwat sa buhay ang pinagsasabi mo dyan, Mine?" Nakakunot ang noo ko siyang tinignan.
"Kasi nga Architect ka na, Mine. Samantalang ako, eto lang. Foreman lang sa construction." Saad ni Uno.
"Ang babaw naman ng pagkakilala mo sa akin, Mine. Ganoon ba ako? Tumitingin ba ako sa estado sa buhay ng isang tao?" Nagkunwari akong tila nahurt.
"Hindi naman ikaw ang ibig kong sabihin. Yung mga tao sa paligid natin, Mine. Huwag ka namang magtampo sa akin. 1st day pa lang natin as a couple magtatampo ka na agad. Sorry na, Mine." Ani ni Uno na tila nakikiusap.
"Mine, ganito lang naman kasi yan. Sino ba ang boyfriend ko? Di ba ikaw. Sino ba ang girlfriend mo? Di ba ako. May iba bang tao sa relasyon natin? Di ba wala. So why worry about them. Bukod sa ating dalawa, yung parents ko at yung family mo lang naman ang dapat na iconsider natin. Nakita mo naman na naman at tanggap ka nina Nanay at Tatay. Wala kang magiging problema sa side ko dahil basta mahal ko, matic na yon na mahal din nina Nanay at Tatay. Sa side mo naman, I won't worry kung tanggap nila ako or hindi dahil what matters to me is that you love me. So do you really love me ba, Mine?" Tanong ko kay Uno kahit na alam ko naman ang sagot niya.
"Of course naman, Mine. Hindi mo na kailangan pang itanong. Mahal na mahal kita dahil you are my life, Mine. Saka gaya mo, as long as mahal mo ako at tanggap ako ng parents mo, yun lang ang importante sa akin." Ani ni Uno.
"Iyon naman pala. So stop saying na ganito ka lang at ganito ako dahil equal lang tayo, Mine. Equally mahal natin ang isa't isa. I love you for being you. Not for what title you have or how much money you earn or kung ano pa man. Mahal kita dahil iyon ang sinasabi ng puso ko. Period. Ok na ba, Mine?" Saad ko kay Uno.
"Yes, Mine. Thank you and I love you so much, Mine." Ani ni Uno. Hinalikan pa niya ako sa noo ko.
"I love you din so much, Mine, kaya tama na yang insecurities na yan dahil alam naman nating pareho na wala kang insecurities sa katawan. Sus, hindi bagay sayo, Mine." Natawa kami pareho ni Uno sa sinabi ko. "Saka di ba kahit alam mo na ampon ako, minahal mo din naman ako." Dagdag ko pa.
"Kasi nga…" Sasagot sana si Uno pero nagsalita din ako agad.
"So kung anuman ang reason mo kaya mo ako minahal kahit na ampon ako, yun din ang rason ko kung bakit minahal kita, Mine." Ani ko. "So settled na tayo, Mr. Alcantara?"
"Opo, Architect Mine." Nakangiting tugon sa akin ni Uno at niyakap niya ako ng mahigpit. "Basta tandaan mo, Mine, na ang mahalaga lang sa akin ay ikaw. Wala akong pakialam kung saan ka nanggaling o kung sino ang tunay mong magulang dahil para sa akin sina Nanay at Tatay ang magulang mo. Mabubuting tao sila kaya mabuting tao ka din." Saad ni Uno.
"Thanks, Mine." Ani ko.
"Mine, can I kiss you sa lips?" Tanong sa akin ni Uno.
"Mine, andyan sina Nanay at Tatay sa kwarto nila. Baka bigla silang lumabas." Paalala ko kay Uno.
"Smack lang, Mine. Promise." Ani ni Uno.
"Smack lang ha." Paninigurado ko kay Uno.
"Opo." Tugon ni Uno. "Game na?"
Tumango ako.
"Eto na." Ani ni Uno. Marahan niya akong hinawakan sa baba ko at saka ako hinalikan sa labi ko. As in smack lang talaga. "Sa apartment na lang ako babawi bukas." Bulong niya.
"Uno!!" Gulat kong sigaw.
"Bakit, Mine?" Nakangising tanong ni Uno sa akin.
"Yang utak mo. Nagbeberde." Ani ko na nakataas ang isang kilay.
"Ang ibig kong sasabihin, sa apartment na lang ako babawi sayo ng halik sa lips. Ano ba ang iniisip mo, Mine?" Napapailing na tanong sa akin ni Uno. Nakangisi pa din siya.
"Sa lips nga." Maang-maangan kong sagot dahil sa totoo lang malayo na ang nilakbay ng utak ko sa sinabi ni Uno na babawi na lang siya sa apartment bukas. Yung utak ko ang nagberde.
"Sure ka, Mine?" Urirat pa niya.
"Oo nga." Ani ko kahit na ramdam kong namumula ang pisngi ko. Pinindot ko pa sa number 3 yung electric fan na nasa gilid ng sofa na inuupuan namin ni Uno. Hay naku, Maracella. Makukurot ka sa singit ni Nanay sa layo na ng narating ng utak mo.
"Don't worry, Mine. Hindi pa natin gagawin yung naiisip mo hanggat hindi ka pumapayag na magpakasal sa akin." Ani ni Uno.
"Kasal na agad talaga ang usapan?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, Mine. Ayaw mo bang ako ang maging asawa mo? Kasi ako, ikaw na ang gusto kong mapangasawa." Tila nagtatampong tanong ni Uno.
"Syempre, gusto." Sagot ko kay Uno. Totoo naman na I am hoping and praying na si Uno na ang maging husband ko.
"Yun naman pala. Bakit parang ayaw mong pagusapan natin ang kasal?" Ani ni Uno.
"Kasi naman kakaofficially us pa lang natin today, Mr. Alcantara. Why are you in a hurry?" Ani ko. Pakipot lang ang peg. Hahahaha
"Mine, matagal na tayong magkakilala. Halos mag 5 or 6 years na nga yata." Saad ni Uno.
"5 years." Pagcocorrect ko kay Uno.
"See, 5 years na. Formality na nga lang yung pagsagot mo sa akin ngayon dahil alam naman nating pareho na matagal na nating mahal ang isa't isa. Saka nasa right age naman na tayo. So bakit pa natin papatagalin pa and we're not getting any younger." Tugon ni Uno which is true naman talaga.
"Kasal na agad eh hindi mo pa nga ako pinapakilala sa family mo." Pagpapaalala ko sa kanya. "Ni isang kamaganak mo, wala pa akong kilala." Dagdag ko pa.
"Kilala mo naman na si Dad." Ani ni Uno na ikinagulat ko.
"Dad? Kelan ko nakilala ang Dad mo?" Tanong ko sa kanya dahil wala akong naaalala na ipinakilala niya ako sa tatay niya or may ipinakilala siya sa akin na tatay niya.
"Di ba nameet mo na siya." Tugon ni Uno.
"Ha? Sino?" Naguguluhan kong tanong.
"Si Engr. Lino Alcantara." Casual na saad ni Uno.
"What?" Gulat kong saad kay Uno with matching laki pa ng mata ko nang marinig ko kung sino ang tinutukoy niyang Dad niya.