"Di ba nameet mo na siya." Tugon ni Uno.
"Ha? Sino?" Naguguluhan kong tanong.
"Si Engr. Lino Alcantara." Casual na saad ni Uno.
"What?" Gulat kong saad kay Uno with matching laki pa ng mata ko nang marinig ko kung sino ang tinutukoy niyang Dad niya.
Si Engr. Lino Alcantara. Daddy ni Uno si Engineer Lino Alcantara. Paulit ulit kong saad sa isip ko.
OMG!!! Si Engr. Lino Alcantara lang naman ang CEO ng pinagtratrabahuhan kong Alcantara Construction Corporation. Boss ko ang tatay ng boyfriend ko. s**t! s**t! s**t!
"Potek naman! Dad mo si Engr. Lino? Bakit ngayon mo lang sinabi, Mine?" Himutok ko kay Uno. Sanay na si Uno na marinig yung mga expression ko na potek, s**t at kung ano ano pa. With him kasi I don't have to be refined. Kung ano ako, yun ang pinakikita ko sa kanya from the start.
"It's not a big deal naman, Mine." Ani ni Uno na para bang ordinaryong tao lang si Engr. Lino Alcantara.
"Sayo hindi. Pero, sa akin, letsugas naman, Mine! You should have at least told me before pa, Mine." Ani ko. Napahawak pa ako sa noo ko.
"I was. Supposed to be kanina I was planning to tell you everything about me. No more secrets. Pero niyakap mo na agad ako kaya hindi ko na nasabi sayo. Only until now. Pero wala namang mababago di ba, Mine? Mahal mo pa din ako, di ba?" Saad ni Uno habang nakatingin sa akin. May pag-aalala sa mukha niya.
"Oo naman, Mine. Wala naman talagang magbabago. Nagulat lang kasi ako. Does he know about me? About us? Does he know that I don't know na anak ka niya?" Sunod sunod na tanong ko kay Uno.
"Yes, Mine, he knows all about you. He knows that we're best friends and that I am courting you. And he knows that you don't know that he's my Dad." Saad ni Uno na ikinahinga ko ng maluwag.
"Teka nga. Ako lang ba sa ACC ang hindi nakakaalam na anak ka ni Engr. Lino?" Tanong ko kay Uno.
"It's the other way around, Mine. Ikaw lang ang nakakaalam sa ACC bukod kay Dad at yung personal driver ni Dad." Sagot sa akin ni Uno.
"Ah ok. I felt relieved." Napahinga talaga ako ng maluwag sa sinabi ni Uno.
"Bakit naman, Mine?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Uno.
"Dahil mukhang ako yata dapat ang magsabi nung sinabi mo sa akin kanina, Mine, about sa estado sa buhay at sa sasabihin ng ibang tao dahil sa nalaman ko ngayon na anak ka ni Engr. Lino." Saad ko.
"Mine, hindi naman ako ang mayaman. Si Dad at ang second family niya ang mayaman. Yung ACC, kay Dad yun. Sa kanya, sa second wife niya at sa 2 kapatid ko. I don't own any part of it and I don't intend to own even the smallest part of it. Matagal ko ng tinalikuran ang lahat ng privileges ng pagiging anak ni Engr. Lino Alcantara because of his second wife. I have given up my right sa ACC at sa ibang pag aari ni Dad. Yung apelyido ko na lang naman ang connection ko sa kanila. Other than that, wala na. When my Mom got sick and died of cancer, halos malugi ang ACC dahil sa treatment ng Mom ko. Nakabawi lang ang ACC ulit noong nagpakasal si Dad sa second wife niya. Naginvest kasi siya sa ACC. Mayaman din kasi ang second wife ni Dad and madaming connections. From the very start, hindi kami magkasundo ng second wife ni Dad dahil bukod sa ugali niya, gusto niya akong kontrolin gaya ng ginagawa niya kay Dad. Dumating pa sa point na gusto niya akong ipakasal sa anak ng kaibigan niya ng makagraduate ako ng college. Di ba nakwento ko na sayo yun?" Saad ni Uno.
Tumango ako.
"Because of that incident, nag-away kami. Tinanong ko siya kung ano ang makapagpapatigil sa kanya sa pakikialam sa buhay ko. Ang gusto niya wag akong makikialam or maghahabol sa share ni Dad sa ACC. Sa kanya lang daw at sa 2 kapatid ko mapupunta yung shares ni Dad sa ACC and his other properties if ever may mangyari kay Dad. Pumayag ako sa kundisyon niya basta huwag lang siyang makikialam sa buhay ko. Nagpagawa siya ng written agreement between the two of us. Alam ni Dad yon. Kahit ayaw ni Dad, I signed the agreement because I want a life away from her. A life na I would be free to do anything I want and to love the woman whom I have chosen to love. Ang naging last resort na lang ni Dad is ibigay sa akin yung mga conjugal property nila ng Mom ko. Pumayag lang ako sa kagustuhan ni Dad na magwork sa ACC as foreman para matutunan ang mga in and out ng construction business and real estate. Para in the future, makapagtayo ako ng sarili kong business. Ang gusto ko lang naman magkaroon ng maliit na construction business na akin talaga without asking anything mula kay Dad. Na pinaghirapan ko. And eventually pag kinasal na tayo, mapalago nating dalawa yung business na naitayo natin."
"Ano pa ang need kong malaman about sayo, Mine?" Tanong ko kay Uno. Dahil sa mga sinabi ni Uno, kailangang malaman ko na ang lahat lahat sa kanya lalo na may relasyon kami at gusto ko ding siya ang mapangasawa ko.
Bumuntong hininga si Uno.
"I am a licensed civil engineer." Ani ni Uno
"Is that all?" Paninigurado ko sa kanya.
"Yes, Mine. Yun lang ang mga hindi ko nasabi sayo. Please don't be angry with me." Ani ni Uno. Niyakap niya ako.
"Alam mo, gusto kong mainis sayo. Gusto kong mangwalk out at iwan ka dito coz you lied to me. Pero mahal kita. Mahal na mahal kita kaya uunawain kita. But you have to promise me na kahit kelan hindi ka na maglilihim sa akin." Ani ko sa kanya.
"Yes, Mine. I promise." Nagcross my heart pa siya sa tapat ng puso niya.
"Sa lahat ng nalaman ko ngayon, I guess need ko nang magresign sa ACC." Ani ko. After kong marinig ulit yung kwento ni Uno about his stepmom, kinabahan na naman ako na hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"Bakit, Mine?" Tila nagulat na tanong ni Uno.
"Ayokong pagisipan ng hindi maganda ang ang stepmom mo but based sa kwento mo, ayokong isipin ng Dad mo at ng wife niya na kaya ako pumayag na maging girlfriend mo ay dahil sa anak ka ni Engr. Lino. Sabi mo nga, Engr. Lino knows about me, about us. So may possibility na mabanggit ng Dad mo sa wife nya yung tungkol sa atin. Saka sabi mo nga controlling ang wife ng Dad mo. If ever na malaman niya na may relasyon tayo at employee pa din ako ng ACC, don't you think na pwede niya akong gamitin in order to control you again? Ayokong malagay ka sa alanganin, Mine. Coz your Dad's second wife is also the owner of ACC. Boss ko din siya. Kaya let's not give her even the slightest chance to do that. Let's think a step ahead sa kanya." Pahayag ko kay Uno.
"Honestly, naisip ko na din yan. Pero ayokong pangunahan ka sa desisyon mo lalo na pangarap mo ang maapektuhan. I want you to decide on your own. Saka yun nga, hindi mo pa kasi alam about me and Engr. Lino Alcantara. But I assure you, Mine, wala namang magiging problema kay Dad kasi para sa kanya kung kanino at saan ako ang magiging masaya, supotado niya ako. Pero sure ka ba na gusto mong magresign sa ACC, Mine?" Tanong ni Uno sa akin.
"Yes, Mine. Coz if you want a free and peaceful life, yun din ang gusto ko na ikaw ang kasama ko. And I want to keep our relationship, ours only. Walang nakikialam. Walang manghuhusga. Walang kokontrol na ibang tao." Paninigurado ko sa kanya.
"Paano ang profession mo as an architect?" Tila nagaalalang tanong sa akin ni Uno. "Hindi ka pa man din naguumpisang ipractice ang profession mo, najeopardize na agad.*
"Sus, madami pang construction companies dito sa Pilipinas na pwede kong pag-applyan at pagtrabahuhan. Besides, accounting associate naman ang position ko sa ACC. Hindi naman as an Architect kaya dapat lang na magresign ako." Pag-aassure ko kay Uno.
"Actually, Dad is expecting you to stay. He even asked me a couple of weeks ago about sa plans mo. Sabi ko, hindi ko alam kung ano ang plano mo after ng board exams na hindi niya pinaniwalaan. He said kung pwedeng kausapin kita na magstay sa ACC if ever na pumasa ka. I said NO kasi sabi ko it would be your decision. And besides, di ba nagpasa na ako ng resignation letter ko. Hanggang end of the month na lang ako sa ACC." Saad ni Uno.
"Naapprove na ba yung resignation mo?" Tanong ko kay Uno.
"Inapprove na ng HR pero hindi pa ni Dad but it doesn't matter. I'll leave pa din, iapprove man niya o hindi." Tugon ni Uno.
"If that's the case, Mine, magpapasa na din ako ng resignation ko this coming week." Ani ko.
"Are you really sure about it? Na iyon ang gusto mong gawin, Mine?" Naniniguradong tanong ni Uno sa akin.
"Honestly, Mine, nung hindi ko pa alam na siya ang Dad mo, I plan to stay pa sa ACC as accounting associate for a few months then magreresign ako to apply for a job in Dubai. Di ba nakwento ko sayo na andoon yung isang pinsan ko na kaclose ko. Sa isang construction company siya nagwowork doon." Saad ko kay Uno na ikinalungkot niya.
"So iiwan mo ako, Mine?" Malungkot na tanong ni Uno sa akin.
"Sandali kasi, Mine. Huwag kang malungkot agad dyan. Di pa ako tapos sa sasabihin ko, Mine." Ani ko.
"Sorry naman, Mine." Pilit na ngumiti si Uno.
"Pero dahil nga of my decision na sasagutin kita after ng board exams, nagbago ang plano ko. I plan of staying with ACC and mag apply sana sa kanila as an Architect. Pero ngayon, dahil nga tayo na, magreresign na lang ako, Mine. Magaapply na lang ako sa MDC or sa Ayala Properties or sa ibang company na may subcontract ang ACC. For delicadeza, I am resigning. At higit sa lahat, I want our relationship to work kaya lahat ng magdudulot ng problema sa relationship natin, willing akong igive up yun, Mine." Ani ko. Sumandal pa ako sa balikat niya.
"Thanks, Mine. I'm really sorry. Nang dahil sa akin, nagulo bigla ang plans mo."
"Mahal kita. Mahal mo ako. Nagulo man ang plano ko, ok lang dahil masaya ako na bahagi ka ng buhay ko. And as long as I have you, si Nanay at si Tatay sa tabi, nothing else will go wrong."
"So magpapakasal ka na sa akin, Architect Delos Santos?" Nakangising tanong sa akin ni Uno.
"Magpropose ka muna kaya, Engineer Juan Miguel Alcantara." Ani ko. Sabay pa kaming natawa ni Uno.