CHAPTER 7

1304 Words
"Mine, if you want at kung papayag sina Nanay Mara at Tatay Alex, magpagawa kaya tayo ng tree house or roof top dito para mas malaki yung space na pagtatambayan natin pag andito tayo sa Bulacan. Pati sina Nanay Mara at Tatay Alex makakapagstay din dito. Bukod doon magkakaroon pa tayo ng 360 degrees view ng paligid natin. Hindi yung itong sa likuran lang ang lagi nating nakikita. Then sa gabi pwede pa tayong makapag star gazing." Ani ni Uno habang nakaakbay sa akin. Andito kami ngayon sa bubong ng bahay namin. Ilang oras na din mula ng dumating kami galing sa lunch treat ni Uno. Umuwi muna kami instead na magikot ikot sa mall dahil madaming tao. Bukod sa gusto munang mamahinga nina Nanay at Tatay bago kami magsimba mamayang 5pm. "Yun nga din ang balak kong gawin noon pa man pag nakaipon na ako. Ipaparenovate ko itong bahay. Hindi na bungalow style. Bale magiging two storey house na siya with roof deck saka papaluwagan ko tutal may space pa naman dito sa likod at sa gilid. Papalagyan ko ng bahay kubo na pwedeng maging pahingahan sa rooftop." Saad ko. "Nice idea, Architect Delos Santos. Pagtutulungan nating dalawa yang balak mo na yan, Mine." Tugon ni Uno at hinalikan niya ako sa pisngi ko. "Ok lang ba sayo na dito tayo tumira sa Bulacan pag magasawa na tayo, Mine?" Tanong ko at sumandig pa ako sa balikat niya. "Oo naman, Mine." Malambing na tugon ni Uno. "Ayaw mo sa Manila? Malalayo ka kay Engr. Lino at sa dalawang kapatid mo. Di ba close ka sa kanila." Saad ko. "Pwede ko naman silang dalawin gaya ng nakasanayan ko ng ginagawa or pwede namang sila ang dadalaw sa atin dito. Saka mas gusto ko nga dito kasi bukod sa sariwa ang hangin at fresh ang mga pagkain, malapit itong lugar nyo sa palengke at bayan pati na sa simbahan. Pwede pa ngang lakarin sa lapit eh at hindi din nakakatakot umuwi dito kahit gabi na. At higit sa lahat kasama natin sina Nanay Mara at Tatay Alex. Ayoko din naman na malayo ka kina Nanay at Tatay. Nagiisang anak ka nila kaya dapat lang na kasama natin sila hanggang sa pagtanda nila. Saka malapit lang naman ito sa Metro Manila, Mine. Pwede naman tayong umuwi araw araw tutal may sasakyan naman tayo o kaya dito na tayo magtayo ng construction business natin para masusubaybayan natin saka nina Nanay at Tatay ang mga magiging anak natin, Mine." "Mga anak talaga, Mine? Ilan ba ang balak mo?" Nakangiti kong tanong. "Hmmm…. Tatlo or apat or kung ilan ang ibigay sa atin ni Lord." Tugon ni Uno. "Aba madami dami din yan. Pagplanuhan natin yan after nating ikasal. Pero syempre dapat magpropose ka muna, Engineer Alcantara." Ani ko na ikinatawa naming dalawa ni Uno. "Oo naman, Mine. In time, magpropose ako sayo. I love you so much, Mine. Thank you talaga for choosing me." Saad ni Uno at hinawakan pa niya ako sa mukha ko para mahalikan niya ako sa noo ko. "Ay sus. Ang drama mo naman, Mine. " Tukso ko kay Uno. "I love you, too, so much. Wala naman akong choice kasi ikaw na ang nagmamayari nito. Matagal na." Dagdag ko pa sabay turo sa tapat ng puso ko then hinalikan ko siya sa pisngi nya na tinugunan ni Uno ng pagyakap sa akin ng mahigpit. "Mas gugustuhin ko na dito tayo tumira sa Bulacan kasama sina Nanay at Tatay, Mine, kesa makalakihan ng mga magiging anak natin ang hindi magandang relasyon namin ng wife ni Dad. Sa mga kapatid ko at kay Dad, walang magiging problema sa kanila. Pero sa wife ni Dad, I can not assure you, Mine na magiging civil kami sa isa't isa or if she will not meddle with our married life kaya we might as well live here and raise our children kasama nina Nanay at Tatay na malayo sa wife ni Dad." Ani ni Uno. "Basta magkasama tayo, Mine, kahit saan mo pa gusto tayo magstay, alam ko at sigurado ako magiging maayos ang pamumuhay natin at ng mga magiging mga anak natin kasama si Nanay at si Tatay. Ang as long as we love, trust and respect each other plus open lagi ang communication natin, we would surpass any trials na dadating sa relasyon natin. Pagtutulungan natin maging maayos tayo." Paninigurado ko kay Uno. "Yes, Mine. Looking forward na talaga ako sa future natin together." Tugon ni Uno. Halata sa boses niya ang excitement. "Ako din." Ani ko. "Dati, ako lang ang umuupo dito at bumubuo ng mga pangarap ko sa isip ko. Now, I have you with me. Magkatuwang na tayo sa pagaachieve ng mga pangarap nating dalawa. Mas malinaw na at mas sigurado na yung pangarap na inaasam ko which is to have a family of my own bukod syempre kina Nanay at Tatay." Full of confidence ko namang saad. "Yun din ang gusto ko, Mine. A family of my own with you. Yung hindi ako nasa sidelines lang. Yung hindi ako pinagdadamutan. A family na akin talaga. Sa ating dalawa, Mine." Saad ni Uno at hinalikan pa niya ako sa kamay ko. "Wag kang magalala, Mine. Kahit hindi pa tayo magasawa, ikaw na ang center of attention ko. Ikaw na ang mundo ko kasama nina Nanay at Tatay." Paninigurado ko kay Uno. "Same here, Mine. Sayo lang ako, Architect Maracella Delos Santos and soon to be Alcantara." Ani ni Uno at pinisil pa niya ang kamay ko na hawak niya. "Wow. Ang sarap sa ears." Kinikilig kong saad na ikinatawa namin ni Uno. "So decided ka na talagang magpasa ng resignation letter mo sa ACC, Mine?" Naniniguradong tanong ni Uno. "Yes, Mine. Either within this week na papasok or the following week." Sigurado kong tugon. Buo na talaga sa loob ko na magresign alang alang sa ikakatahimik ng relasyon namin ni Uno. "Huwag ka na kaya mag-apply sa iba, Mine. Umpisahan na lang natin yung construction business natin." Mungkahi ni Uno. "Kaya na ba natin?" Tanong ko kay Uno. "Oo naman, Mine. Don't worry about it. Kung sa funds, meron naman na akong nakatabi for that. Sa clients naman, we can start with small housing projects dito sa Malolos. We can also engage sa mga public biddings ng mga government projects dito sa Bulacan. Sa manpower naman, may mga tao na din akong kinakausap." "Location ng magiging office natin?" Sunod kong tanong. "Dito muna tayo mag-office sa bahay. Magpaalam tayo kina Nanay at Tatay na dito muna sa bahay tayo mag-office." Mungkahi ni Uno. "Pwede naman, Mine. Saka tiyak naman na papayag si Nanay at Tatay. Matutuwa pa sila pag nalaman nila na dito natin gustong tumira at magtayo ng business natin. Tiyak na tutulungan pa tayo nina Nanay at Tatay. Saka may space pa naman dito na pwede nating iconvert into our office." Pagsangayon ko kay Uno. "Thank you, Mine, for supporting my ideas." Malambing na saad ni Uno sa akin at hinalikan pa niya ako sa pisngi. "I will be your lifetime wife, mother of your children, best friend, partner and. supporter, Mine." Confident kong tugon. "Ang swerte ko talaga na you are mine, Architect Delos Santos." Ani ni Uno. "Pareho tayong swerte sa isa't isa, Engineer Alcantara." Pagcocorrect ko kay Uno. "Hoy, kayong dalawa dyan sa bubong. Bumaba na muna kayo dyan para makapagmerienda muna tayo bago tayo magsimba." Narinig naming tawag ni Tatay. "Andyan na po." Malakas kong tugon kay Tatay. "Tara na, Mine." Aya ko kay Uno at inalalayan pa niya akong bumaba. Bago ako bumaba ng bubong ng bahay namin ay tinignan ko muna ang paligid ko. Naimagine ko ang mga plano namin ni Uno sa bakuran namin. Napangiti ako sa isipin ko na the future is looking brighter for me and Uno dahil magkasama kaming haharapin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD