CHAPTER 8

1784 Words
"Sayang naman yang si Ara. Si Uno lang ang naging boyfriend. Architect pa man din tapos sa isang foreman lang pala babagsak." Narinig kong saad ni Charlotte na isa ring empleyado dito sa ACC sa kasabay niyang kumakain sa kabilang table na hindi ko alam ang pangalan. Sa Purchasing Department naman naka-assign si Charlotte. Nandito kami ni Uno ngayon sa canteen ng ACC. Dahil walking distance lang sa ACC yung project site kung saan naka-assign ngayon si Uno ay dito namin napiling kumain ni Uno sa canteen ng ACC para mapagsaluhan namin yung pinabaon na ulam sa amin ni Nanay na humbang baboy na pareho naming paborito ni Uno. One week na akong nakakabalik ng ACC. Kahapon ay galing kami ng Bulacan ni Uno. Yun kasi ang gusto ni Uno na dapat daw tuwing Friday ay umuwi kami sa Bulacan para makasama namin sina Nanay at Tatay pati na rin ang makapagrelax kami. Mas panatag kasi kami at napapahinga kami pareho pag nasa Bulacan. Alam kong narinig din ni Uno ang sinabi ni Charlotte dahil medyo malakas ang pagkakasabi ni Charlotte kaya pati yung ibang mga empleyado sa ACC ay napatingin sa amin ni Uno. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ni Charlotte na lakasan ang boses niya or sa kung ano pa man na dahilan pero kilala si Charlotte dito sa ACC sa pagiging pakialamera at prangka. Alam din sa ACC na may gusto si Charlotte kay Uno pero never naman siyang pinansin ni Uno sa simula pa man. Bumuntong hininga muna ako at nagpaalam ako kay Uno. "Mine, wait lang ha." Saad ko. "Saan ka pupunta, Mine?" Nagtatakang tanong ni Uno. "May gagawin lang ako sandali." Nakangisi kong tugon kahit na may inis ng namumuo deep inside me. "Pupuntahan mo ba si Charlotte? Wag na, Mine." Pagpigil sa akin ni Uno. Naisip siguro niya na pupuntahan ko si Charlotte dahil nakataas ang isang kilay ko. "Hindi, Mine. Hindi siya dapat ganyan sa ibang tao. Dapat ding itama ang mga maling sabi sabi para hindi na kumalat at paniwalaan ng mga tao sa paligid." Saad ko. "Don't worry, Mine. Relax ka lang dyan. Ako ang bahala. Hindi ako mangaaway." Ani ko. Hinalikan ko pa sa pisngi si Uno at binulungan ko pa siya ng "I love you, Mine." Papunta na ako sa kinauupuan nina Charlotte ng mapatingin ako sa elevated platform na nasa may bandang gitna ng canteen. May idea na pumasok sa isip ko kaya naglakad na ako papunta sa elevated platform imbes na sa direksyon na kinaroroonan nina Charlotte. Ramdam ko na nakasunod ng tingin sa akin si Uno. Medyo maraming empleyado ang nasa canteen ngayon kasi nga lunch break. "Good afternoon po sa inyong lahat." Masaya kong saad nang nasa gitna na ako ng platform gamit ang mas malakas kong boses para makuha ko ang pansin ng mga nasa paligid ko. Medyo maingay sa canteen kaya natahimik ang lahat ng magsalita ako. Lahat ng nasa canteen ay napatingin sa akin pati na si Charlotte. May mga tumugon din ng "Good afternoon" sa akin. Nang tumahimik na ulit ay nagsalita na ako agad. "Pasensya na po kayo dahil aabalahin ko lang po muna kayo ng ilang minuto. Sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ako po si Maracella Delos Santos. Project accounting associate po dito sa ACC. Ara na lang po ang itawag nyo po sa akin kasi nga po medyo mahaba ang Maracella." Pagpapakilala ko sa sarili ko. May mga bumati ng "Hi, Ara." at "Hi, Architect Ara." sa akin. "Anyway po, gusto ko lang pong iinform yung mga hindi pa po nakakaalam na boyfriend ko na po si Uno Alcantara. Foreman po siya dito sa ACC. Ayun po siya." Ani ko sabay turo sa inuupuan ni Uno. "Mine, tayo ka naman para makita ka nila." Saad ko. "Ako po si Uno." Nakangiting saad naman ni Uno ng makatayo siya. Yan ang gusto ko kay Uno. Kaya niyang sakyan at makipagsabayan sa mga trip ko. Hahaha. Kinindatan pa ako ni Uno at nagflying kiss pa siya sa akin. Kumaway din siya sa mga tao na naroroon sa canteen. May mga pumalakpak at sumipol pa kay Uno na mga katulad din ni Uno na foreman at iba pang nakakakilala sa kanya na ikinatawa ko at ng iba pang mga nasa canteen. "Ang gwapo po ng boyfriend ko, di ba?" Proud kong saad. May mga sumigaw ng "OO", "Ang gwapo mo, Uno.", "Ang swerte mo, Alcantara." at "Ang swerte mo, Architect Ara." O di ba, para kaming nasa isang variety show. Hahaha. "Kaya po sa mga interesado kay Uno, pasensya na po kayo kasi po Uno is Mine and I am very proud to be his Mine. Pakibaling nyo na lang po sa iba yung interes nyo. Baka po sakali swertehin na kayo." Masaya kong saad. "Sa mga nagsasabi po na sayang naman ako dahil isang foreman ang boyfriend ko. Nagkakamali po kayo dahil napakaswerte ko po na si Uno ang boyfriend ko. Mabuti pong tao si Uno. Hindi po siya mayabang at napaka down to earth po niya. Kaya nga po bago ko po naging boyfriend si Uno ay naging bestfriend ko po muna siya. Sa friendship po nagsimula ang lahat sa amin. And most of all po, Uno completes. He accepts me and loves me beyond my imperfections and my flaws." "Iba ka talaga, Uno. Bilib talaga ako sayo." Sigaw ni Architect Junard na siyang immediate superior ni Uno sa isang project na hawak niya. "Friendly reminder ko lang din po sa inyo na ang pagmamahal po ay walang pinipiling propesyon o estado sa buhay. Basta po mahal natin ang isang tao, ipagmalaki po natin sa lahat kung gaano po natin kamahal ang taong itinatangi ng puso natin. Maigsi lang po ang buhay kung sasayangin lang natin ito sa mga walang kwentang bagay. At kaya po andito ako ngayon sa harapan ninyo pong lahat ay para sabihin ko po sa inyong lahat na mahal na mahal ko po si Uno. Ang foreman na bumihag sa puso ko." "I love you, too, Architect Ara Delos Santos." Sigaw ni Uno at patakbo siyang pumunta sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo ko sa harap ng mga tao na nasa canteen habang may mga pumapalakpak at sumisipol. Ang saya ng puso ko habang nakayakap kay Uno sa gitna ng mga palakpak at sipol ng mga tao sa paligid namin. "Thank you, Mine." Ani ni Uno ng makaupo na kami sa pwesto namin sa canteen para ipagpatuloy ang pagkain namin. "I didn't expect na iyon ang gagawin mo." "Ano ba akala mong gagawin ko? Aawayin ko si Charlotte?" Nakangisi kong tanong kay Uno. "Hindi naman aawayin. Kakausapin lang ba." Ani ni Uno. "Naisip ko din na kausapin siya kanina pero naisip ko na hindi ko hawak ang emosyon niya. Hindi ko kontralado ang magiging reaction nya pag pinuntahan ko siya. Ayoko din namang makalikha ng eksena at mapahiya kami pareho sa harap ng mga tao kung sakaling isa sa amin ang magburst out habang naguusap kami kaya nung napatingin ako sa platform, iyon ang naisip kong gawin. Ang iinform ang lahat ng nandito about sa atin at itama ang mga maling judgement nila sayo." Nakangiti kong saad kay Uno. "Pumapalakpak pati tenga ko kanina nung ipagsigawan mo sa lahat na mahal na mahal mo ako. Halos umabot sa kisame yung ilong ko sa tangos dahil ipinagmalaki mo sa lahat na ako ang boyfriend mo." Masayang saad ni Uno na ikinatawa ko. Pinisil pa niya ang kamay ko na hawak niya. "Normal size na ba ulit yang ilong mo? Baka matusok ako." Biro ko kay Uno na tinugunan niya ng pagtango. Nagulat pa kami ni Uno ng biglang nagsalita si Charlotte na hindi namin namalayang nakatayo na pala sa gilid ng mesa namin. "Ara, Uno, pasensya na kayo." Apologetic na saad ni Charlotte. Umupo pa siya sa tabi ko. "I'm sorry sa sinabi ko kanina. Alam ko, Ara, na kaya ka nagsalita sa platform ay dahil sa pagpaparinig ko kanina. Pasensya ka na dahil naging bitter ako. Aware ka naman di ba na type ko tong si Uno kasi nga mabait siya. Eh kaso yun nga, hindi pasado ang beauty ko sa kanya. Sa iyo siya nabighani. Kaya ayun nung nalaman ko na kayo na, naging bitter ampalaya tuloy ang beauty ko." Saad ni Charlotte na ikinatawa ko nung inartehan na niya yung boses niya na parang bakla. "Bati na tayo ha." Ani ni Charlotte sa amin ni Uno. "Oo sige na. Bati na tayo basta hindi mo na pagnanasaan si Uno." Naninigurado kong saad kay Charlotte. "Ay, oo naman, Ara. Cancelled na si Uno sa list of eligible bachelors ko dito sa ACC." Saad ni Charlotte. "Nakakatiyak din ako na lahat ng may crush kay Uno dito sa ACC e bibitaw na sa kanya kasi nga may nakalagay na sa noo ni Uno na ARA'S MINE in bold letters pa." Biro ni Charlotte with matching mwestra pa ng kamay niya na ikinatawa ko pati na ni Uno. "Siraulo." Biro ko kay Charlotte. "Bold letters talaga." Dagdag ko pa. "Aba eh OO. Pero kidding aside, maswerte ka, Uno, dito kay Ara. Kakaibang babae itong si Architect Delos Santos. Hindi biro yung ginawa niya kanina na ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal ka niya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya ang nagustuhan mo at piniling mahalin. Kaya Uno ha, wag mong papaiyakin itong si Architect." "Oo naman, Charlotte. Kahit hindi mo ako sabihan, wala sa plano ko ang paiyakin ang aking Mine dahil siya ang Reyna ng puso ko. Parang sinaktan ko na din ang puso ko at ang sarili ko pag pinaiyak ko ang aking Ara." "Hay, ang sweet. Sana all may lovelife." Himutok ni Charlotte. "Sige na nga. Dyan na kayo. Basta ha, ok na tayo." "Oo. Sobrang ok tayo." Tugon ko kay Charlotte. Nagthumbs up naman si Uno kay Charlotte. "Iwan ko na kayo ng makakain na kayo. Bye, lovebirds." Nakangiting pagpapaalam ni Charlotte sa amin. Kumaway pa siya sa amin ng palabas na siya sa pinto ng canteen. "Sikat tayo nyan dito sa ACC, Mine." Ani ni Uno. "Ayaw mo?" Pabiro kong sita kay Uno. "Sus syempre gusto ko. It's not everyday na may babaeng ipinagsisigawan na mahal niya ang isang lalake. And biruin, isa ako sa maswerteng lalake na nakaranas ng ganoon. Pakiss nga, Mine." Proud na saad ni Uno. "Sa pisngi lang." Pagreremind ko sa kanya. "Ok." Ani ni Uno. Tumayo pa siya at dumukwang sa akin para halikan ako sa pisngi ko na ikinakilig. You are truly Mine, Uno, and I intend to keep it that way beyond forever. Ani ko pa sa sarili ko na parehong sinangayunan ng puso at isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD