CHAPTER 9

2301 Words
"Good morning po, Sir." Ani ko kay Engr. Lino Alcantara na nakatayo sa harap ko ngayon. Nandito ako ngayon sa loob ng opisina niya sa second floor ng ACC Building. Pinatawagan niya ako sa kanyang personal assistant at sinabihan na pumunta sa office ni Engr. Lino. "Good morning, Architect Delos Santos. Congratulations nga pala sa pagkapasa mo sa board exams." Bati naman sa akin ni Engr. Lino. Sa totoo lang kinakabahan ako dahil first time kong makakaharap si Engr. Lino as girlfriend ni Uno. "Thank you po, Sir." Matipid kong sagot habang nakangiti sa kanya. It's been three weeks mula ng bumalik ako sa ACC mula sa 1 month leave ko. 3 weeks na din ang relasyon namin ni Uno. As agreed upon namin ni Uno, nagsubmit na ako ng resignation letter ko sa HR Department ng ACC two days ago. Kinausap na ako kahapon ng HR Manager ng ACC. She tried to convince me to stay pero dahil nga sa usapan namin ni Uno, I stand firm sa decision ko. Sinabi ko na lang na may job offer sa akin sa Dubai. Yun din ang napagusapan namin ni Uno na idadahilan ko. And I guess, kaya ako nandito ngayon sa office ni Engr. Lino ay dahil sa resignation ko. "Umupo ka muna, Ara. Is it ok if I call you, Ara?" Ani ni Engr. Lino sa akin habang umuupo siya sa kanyang swivel chair. Ako naman ay umupo sa isa sa mga upuan na nasa harap ng table ni Engr. Lino. "Opo, Sir. It's fine with me po." Tugon ko na nakangiti pa din. Potek, nangangawit na ako sa pagngiti pero no choice dahil kaharap ko ang CEO ng kumpanyang pinagtratrabahuhan ko bukod pa sa siya ang Dad ng lalakeng pinakamamahal ko. Saka before pa na maging magkaibigan kami ni Uno, naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Engr. Lino dahil likas na mabait naman siya. May consideration sa mga empleyado niya. Taliwas sa asawa niya na kilalang mataray at suplada dito sa ACC. Kung si Engr. Lino ay kinagigiliwan ng mga kapwa ko empleyado, mataas o mababa man ang posisyon, ilag naman ang lahat sa asawa niya. Buti na lang talaga hindi ko pa namemeet ang stepmom ni Uno ng personal. "That's good. Anyway, Ara, please call me Tito Lino pag walang ibang tao sa paligid natin." Saad ni Engr. Lino na ikinagulat ko. "Po?" Ani ko. "I know everything, Ara. I know na ikaw ang fiancee ni Uno. Kaya I would appreciate it very much if you would call me Tito Lino pag tayo-tayo lang." Saad ni Engr. Lino habang nakangiti sa akin. "Boyfriend ko pa lang po si Uno, Sir." Pagtatama ko sa kanya. "Tito Lino, Ara. Please call me, Tito Lino. Wala namang ibang tao dito ngayon." Pagreremind sa akin ni Engr. Lino. "Besides, Ara, doon din naman ang punta nyo. Magpapakasal din naman kayo eventually kahit na hindi pa nagpropropose sayo si Uno dahil he told me na ikaw ang gusto niyang pakasalan." Ani ni Engr. Lino. "Hindi man kami magkasama sa iisang bahay ng anak ko, I see to it na we get to spend time na kaming dalawa lang ng panganay ko once a week para magusap and to get updated. Alam ko din na you became friends with my son kahit na hindi mo alam na ako ang Dad niya. Thank you, Ara. I appreciate it so much dahil tinanggap mo siya bilang kaibigan mo at minahal mo si Uno kahit na ang alam mo ay foreman lang siya dito sa ACC. Hindi gaya ng ibang tao dito sa company natin na mababa ang tingin sa kanya dahil sa pagkakaalam nila ay foreman lang siya dito." "Hindi naman po ako tumitingin sa estado po sa buhay ng isang tao, Tito Lino. I fell in love po with Uno dahil mabuti po ang puso niya. I can be myself po pag kasama ko po siya. Besides po, I have my own story din naman po." Nakangiti kong tugon kay Engr. Lino. "Kaya nga mas nagpapasalamat ako sayo dahil tinanggap at minahal mo si Uno kung ano ang pagkakakilala mo sa kanya. It doesn't matter to me whatever your story is as long as mahal ka ng anak ko. Saka nakita ko naman na tama si Uno sa desisyon niyang mahalin ka niya. Alam ko din yung nangyari sa canteen. I am so overwhelmed sa ginawa mo, Ara." Ani ni Engr. Lino. "Kinuwento po sa inyo ni Uno?" Gulat kong tanong. Kasi nga nakaabot pa sa CEO yung ginawa ko though hindi ko pinagsisisihan yon. Ipinagmamalaki ko pa kasi nga pinatunayan ko kung gaano ko kamahal si Uno nung ginawa ko yun. "No, Ara. It was not Uno. Narinig kong pinaguusapan nung executive secretary ko at nung isang maintenance habang may inaayos sila sa pantry kaya nagpakwento ako sa kanila." Saad ni Engr. Lino. "Honestly, napabilib mo ako, Ara, at napatunayan mo sa akin how exceptional you are bukod sa totoo nga ang pagmamahal mo kay Uno. Sabi ko nga kay Uno na he would be a fool pag pinakawalan ka pa niya. Sorry nga pala, Ara, kung hindi agad nasabi sayo ni Uno na ako ang Dad niya." Saad ni Tito Lino in an apologetic tone. "Ok lang po, Tito Lino, though to be honest po, nawindang din po ako nung una kong malaman na ikaw po ang Dad ni Uno. Pero mas nangibabaw po ang pagmamahall ko po kay Uno kaya ininuwa ko na lang po ang sitwasyon." Ani ko. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng office ni Engr. Lino. "Come in." Ani ni Engr. Lino. Nagkagulatan pa kami ni Uno ng magtama ang mga mata namin sa pagpasok niya sa pinto. Potek! What are we both doing here? Gusto kong sabihin kay Uno habang naglalakad siya palapit sa amin ng Dad niya. "Good morning po, Engineer." Bati ni Uno sa Dad niya. "It's Dad, Uno. Tayo lang naman ni Ara ang andito ngayon." Nakangiting saad ni Engr. Lino kay Uno. "Sit down, Anak, sa tabi ng maganda mong fiancee." Napangiti si Uno sa sinabi ni Engr. Lino. Umupo nga si Uno sa tabi ko at hinawakan pa ang isang kamay ko. Pinandilatan ko siya. Nahihiya kasi ako sa Dad niya. "It's ok, Ara. Namimiss ka lang ni Uno kaya ganyan yan ka-clingy." Nakangiting saad ni Engr. Lino. "Kakahiwalay lang po namin kanina, Sir." Nahihiya kong saad. "It's Tito Lino, Ara, remember." Pagcocorrect ni Engr. Lino sa akin. "Ay, Tito Lino po pala. Hinatid po niya ako kanina dito bago po siya pumunta sa site." Ani ko. "Oo nga pero may isang oras na din yon, Mine." Katwiran naman ni Uno. Natawa na lang si Engr. Lino sa sinabi ni Uno. "Ano po ang paguusapan natin, Dad?" Tanong ni Uno kay Engr. Lino. "About your wedding with Ara, Uno." Nakangising saad ni Engr. Lino. "Po?" Gulat kong tanong. Medyo napalakas ang boses na parehong ikinatawa ni Uno at Engr. Lino. "Relax, Ara. I'm just teasing you." Tatawa tawang sabi ni Engr. Lino. "Pero I would be happy to see you and Uno get married soon para naman magkaroon na ako ng apo." Nakangiting saad ni Engr Lino. "Don't worry po, Dad. I'm already finalizing my plans sa wedding namin ni Mine." Nakangising tugon ni Uno. Kinindatan pa niya ako. Pabiro ko siyang inirapan. "Magpropose ka po muna, Engineer Uno Alcantara." Ani ko sabay belat sa kanya na ikinatawa na naman ni Engr. Lino. "I will, Mine. Masusurpise ka na lang, My dearest Ara." Paninigurado sa akin ni Uno. "That's my son. Swabeng dumiskarte. Parang ako lang." Proud na saad ni Engr. Lino. "Anyway, kaya ko kayo pinatawag dito regarding sa pending resignation nyong dalawa. Honestly, I don't want that the two of you would resign. Kung ako lang ang masusunod, I want you both to stay here at ACC to learn the ins and outs of this business habang nagaaral pa ang mga kapatid mo Uno. Pero hindi ko naman kayo pwedeng pigilan dahil alam ko na you have plans of your own and may real reasons kayo na ayaw nyong sabihin sa akin." Ani ni Engr. Lino. Nagkatinginan kaming dalawa ni Uno sa huling sinabi ng Dad niya. Feeling ko tuloy marunong bumasa ng isip si Engr. Lino. Hahaha. "Papayagan ko naman kayo pero I have something to offer muna sa inyo na kayong dalawa ang alam kong dapat magdesisyon." Saad ni Engr. Lino. "Ano po yun, Dad?" Tanong ni Uno sa Dad niya. "I want you, Uno, to undergo a three-month training sa US. Makakatulong sayo yung training na to, Anak. Then habang nasa US ka, I want Ara to take your place sa pagoversee sa mga projects na hawak mo tutal she's now an Architect. Sa pagbabalik mo from the US, you are free to resign. Papayagan ko na kayo na magresign." Ani ni Engr. Lino. Nagkatinginan kami ni Uno. Three months kaming magkakahiwalay ni Uno. Parang nalungkot ako bigla na nahalata yata ni Engr. Lino. "Hindi naman dire-diretso yung three months na yun. After every month, uuwi ka dito, Uno, for a 2 week break. So, all in all, you have to stay with ACC for 5 months pa, Ara." "Kelan po magstart yung training ni Uno, Tito?" Tanong ko. "A month from now. May existing passport at US visa ka naman di ba, Uno, kaya anytime pwede kang umalis." Ani ni Engr. Lino. Tumango si Uno. "Dapat nga kayong dalawa ang pupunta ng US para magtraining kaso for civil engineers pa lang yung available. Wala pa for Architects. Baka next year pa daw kaya I decided na si Uno na muna ang magtraining sa US at dito ka na muna sa ACC magtraining, Ara. Don't worry next year pag nagkaroon na ng training both for engineers at architects, ipapadala ko kayo ni Uno. Ako ang bahala sa lahat ng gastos nyong dalawa." "Nakakahiya naman po yun, Tito Lino. Ok lang po na si Uno na lang po ang magtraining. Huwag nyo na po akong isali." Ani ko. "No, Ara. Huwag kang mahiya dahil ngayon pa lang part of our family ka na namin ni Uno dahil magiging asawa ka ni Uno in a matter of time. Magiging katuwang ka niya sa buhay kaya dapat gaya ni Uno maging equipped ka sa profession mo. Ayaw ni Uno na tumanggap mula sa akin in monetary form kaya sa mga trainings man lang na kailangan nyo sa profession nyo, yun man lang maiprovide ko sa inyo ni Uno." Ani ni Engr. Lino. "It would sadden me pag tumanggi ka." Dagdag pa niya. Pinisil ni Uno ang kamay ko. Tila pinapahiwatig niya na tanggapin namin ang sinasabi ni Dad niya. "Eh sige po kung iyon po ang gusto nyo po. Ayoko pong magtampo kayo sa akin. Maraming salamat po, Tito Lino." Saad ko. "Kaya pag-usapan nyo na muna ni Uno yung offer ko, Ara. I will give you until tomorrow morning to think about my offer sa inyo." Nakangiting ani ni Engr. Lino. Sumandal pa siya sa kanyang swivel chair na inuupuan niya. "Sige po, Dad, paguusapan po namin ni Mine yung offer nyo sa amin. Maraming salamat po, Dad." Tugon naman ni Lino. "You don't have to thank me, Anak. It's the least that I could do for you at kay Ara." Saad ni Engr. Lino. "Dad, does she knows?" Tanong ni Uno sa Dad niya. "Your stepmom?" Tanong ni Engr. Lino. Tumango si Uno. "No, she doesn't know about this and I am not going to tell her. This is just between the three of us. Hindi din malalaman ng mga kapatid mo. Alam mo naman yung dalawang yon, wala ding preno ang mga bibig. Ubod ng daldal." Tugon ni Engr. Lino. "Yeah, They truly are. Ke lalakeng tao, parehong madaldal." Natatawang pagsangayon ni Uno tungkol sa dalawang kapatid niya. "Anyway, thanks, Dad, and I hope po it would stay that way. Sana po pati na yung tungkol sa amin ni Ara, wag na po muna nyang malaman hanggat hindi pa po kami kasal ni Ara dahil ayoko pong magulo ang relasyon po namin ni Ara nang dahil po igigiit na naman po niya ang gusto niya." Pakiusap ni Uno kay Engr. Lino. "Don't worry, Anak. If that's what you want then I will keep it a secret." Pagsangayon ni Engr. Lino sa anak niya. "Thanks, Dad, and I'm sorry dahil naiipit ka sa amin ni Tita Cely." Tugon ni Uno. "No need to say sorry, Son. Aminado naman ako na may pagkadominante talaga ang Tita Cely mo. Pero ganoon talaga siya, she just wants what she thinks is best for us. Iiinsist pa din niya kahit na makasakit siya ng ibang tao. Ako na lang ang tingnan mo at ang mga kapatid mo ha, Uno." Tila nakikiusap na saad ni Engr. Lino. "Yes po, Dad." "Ok sige na. Baka magtaka na ang mga katrabaho nyo. Medyo matagal na tong paguusap natin." Ani ni Engr. Lino. "Ara, if ever magtanong sila sayo, just tell them na pinayagan kitang magresign pero after 5 months pa dahil nga ikaw ang maghahandle ng mga projects na iiwan ni Uno na mostly 5 months pa naman ang itatagal." "Ok po, Tito Lino. Maraming salamat po." Tugon ko. "You're welcome and again thank you for loving my son. At sana one of these days makasama ka namin ni Uno na magbonding so I could get to know you more, Ara." Ani ni Engr. Lino. Iniextend niya sa akin ang kamay niya to shake hands with me. Inabot ko yun at nagmano ako sa kanya instead. "Sige po, Tito, pag nagkita po ulit kayo ni Mine, sasama po ako. Saka hindi naman po mahirap mahalin ang anak nyo kahit na may kakulitang taglay po yang si Uno." Ani ko na ikinatawa naming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD