"ANO?!?" Gulat na saad ni Chacha matapos kong ikwento sa kanya at kay Tita Flor ang nangyari kanina sa bahay. "Ang kumplikado, di ba." Ani ko sa gitna ng pagiyak ko. "Hindi lang kumplikado. Ang sakit naman nyan, Insan." Dagdag pa ni Chacha. "Biruin mo ininsulto ka mula ulo hanggang paa ng totoong nanay mo. Tapos idinamay pa sina Tito Alex at Tita Mara without her knowing na ang iniinsulto nya ay ang tunay niyang anak at ang mga taong nag aruga sa tunay niyang anak. Tapos kulang na lang sampalin ka ng checkbook nya. Putcha!!!" Ani ni Chacha na halatang dismayado sa nangyari sa akin. Mas lalo akong umiyak sa sinabi ni Chacha at napatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. Sobrang bigat na ng dibdib ko. Ang sakit-sakit na ng pakiramdam ko. Andito ako ngayon sa ancestral house nina Chacha sa si

