“We could be our own evil…” *** No Ordinary Ways PARA sa day off ni Eryna napag-isipan niyang mag-libot sa famous business district ng Guanzons—ang Hill Side Avenue. Dito mo makikita ang pinakamalawak na Food Park, mga hilerang nagtitinda ng mumurahing damit at iba pa. Suot ang straw hat ni Eryn habang naka palda hanggang lagpas sa tuhod niya’t naka-offshoulder ay masaya siyang naglakad sa kahaban ng mga Stalls ng damitan. Napahawak siya sa kanyang shoulder bag nang makakita siya ng mga straw hat na medyo kagaya sa kanyang suot. She tried some of it, may sun glasses din silang benta kaya hindi rin nakaligtas ito sa paningin niya. Napusuan niya ang pink na straw hat kaya binili niya ito. Nilagay naman sa paper bag ng tinder ang kanyang binili at swining niya ito nang magpatu

