“When the abyss of evil stares at you…never stare back.” *** Adamantly DAHIL bahagyang nabawasan na ang customers ay inasikaso naman ni Eryn ang mga bagong dating lamang. Namataan niya ang isang customer na pabalik-balik sa isang rack ng suits. “Para ano’ng okasyon po ba ang hanap nila, Sir?” untag ni Eryn sa isang lalaki. Nang magtinginan sila nito ay bigla niyang namukhaan ang lalaki. “We met at the party, right?” Napatango si Eryn, “Opo, Ivan, right?” “Ah, sa boutique ka nga pala. Tignan mo nga naman at makikita pala kita rito,” napakamot pa siya sa ulo. “Kulot ka pala? Bagay mo ang buhok mo,” bigla siyang napahinto dahil sa biglang nasabi. He was to immersed in staring at her. “Ano po bang hanap niyo? Baka puwede ko kayong matulongan sa pagpili,” aniya ni Eryn. “Su

