“Owning her innocence is what the devil wants…” *** The Bachelor’s Temptress NAPANGITI si Eryn habang tinatapos ang shading ng kanyang ginuguhit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadatnan niya si Kalix na tulog dito sa pagoda—ang tambayan niya tuwing lunch break dahil mahangin dito at mukhang hindi alam ng mga estudyanteng may ganitong lugar sa kanilang eskwelahan. She tried hard not to make a sound because he seemed to be tired and sound asleep. Napahinto si Eryn nang biglang humangin at napansin niyang bumaba ang buhok nito sa kanyang kilay Napansin niya rin ang mahabang pilik mata nito na parang nakakaakit hawakan. Bakit sa tuwing nakikita niya ito ay para bang tumitibok nang napakabilis ang puso niya kahit wala pa itong kinikilos? Naguumapaw ang damdamin niya’t sumisigaw

