“Being chased is one of the best thrills…” *** What a Man Needs SHE sighed in relief upon that customer finished picking his suits. Ilang minuto rin niyang hinanapan ng gusto ang customer na iyon. Dahil may katandaan na iyon, ay nahirapan siyang kumbinsihin ito at panay hanap ng iba. Napatingin siya sa kanyang wrist watch, malapit na ang kanyang lunch break. Nang makita niyang may isang babaeng customer na nasa neck tie section ay nilapitan niya ito. “If you need help in choosing a color, I can recommend you…” ngiting saad naman ni Eryn. Napabaling naman ang babaeng customer sa kanya at nakangiti rin ngunit agad din itong napawi. “Oh?” turo pa niya sa kanya . “I-Ikaw na si Eryn? Eryn Abijero?” nanlaki ang mga mata ni Eryn sa sinabi nito. Magmula nang siya’y nakabalik dito

