Kabanata 4

1861 Words
DINOUBLE-LOCK ko ang pinto ng kwarto ko at agad naupo sa kama. Mas tumindi pa ang pangangatog ng aking mga tuhod. Kinagat-kagat ko ang dulo ng mga daliri ko. I’m now alone in my room, pero pakiramdam ko ay kaharap ko pa rin siya. Namimilog ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay nakikipagtitigan pa rin ako sa inaanak ni Daddy. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at hinablot ang unan upang itakip sa aking mukha. He’s here! Nasa pamamahay ko ang estrangherong nakasama ko noong gabing ‘yon. Anong klaseng joke ito? Hindi ako makapaniwalang ang taong nakakuha ng pagkabirhen ko ay anak ng kaibigan ni Daddy. And I had s*x with my father’s godson, sh*t! Sa inis ay hindi ko na napigilang kagatin ang unan ko. Hindi ko alam kung nahalata ng parents ko, pero kagaya ko ay gulat na gulat din si Israel. Sigurado akong hindi niya inaasahan na magkikita kami. Hindi ko alam ngayon kung ano ang tumatakbo sa isip niya pagkatapos akong makilala. Itinapon ko ang unan at bumalikwas. Ivan or Israel. I don’t care kung nagsinungaling siya sa pangalan niya. Ang importante ngayon ay mailigtas ko sa kahihiyan ang aking sarili. Paano kung sabihin niya kay Daddy na nagkita na kami? Paano kung ipagtapat niya sa mga magulang ko na nagkasama na kami nang isang gabi? Napasinghap ako at napasabunot sa aking buhok. Anong gagawin ko? Dapat ay may gawin ako. Hindi pwedeng malaman ni Daddy ang kagagahan ko! Ikakamatay ko oras na makarating sa mga magulang ko ang nangyari sa amin ni Israel! Tumayo ako at nagmamadaling binuksan ang pinto upang bumaba. Hindi ko halos maalala kung paano ako nakaalis sa harapan nila kanina, pero ang natatandaan ko ay hinanap ko kay Daddy ang aking driving instructor. I even thought it was Israel, pero ang sabi ni Daddy ay pina-cancel muna niya ang lessons ko dahil sumakit ang ulo ko kagabi. Just another stupidity! “Miranda!” Nahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang tawag sa’kin ni Mommy. My heart bounces in an instant. Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Mommy na palapit sa’kin. Napalunok ako. “M-Mommy..?” “Saan ka pupunta? Akala ko ba ay sumakit na naman ang ulo mo.” Napamaang ako pagkarinig ng sinabi niya. That’s right. Nagdahilan nga pala ulit ako na masakit ang ulo bago ko sila iniwan kasama ang bisita. How can I easily forget that? “M-magpapa…bili po kasi ako ng gamot kay Leah," sagot ko. Nasalubong ko ang makahulugang tingin ni Mommy. Napigil ko ang aking paghinga. “B-bakit po?” “Be honest. Nagtampo ka ba sa Daddy mo dahil canceled ang driving lessons mo?” Mabilis akong umiling. “Hindi sa gano’n, Mommy. Naiintindihan ko naman ang rason ni Daddy. Talaga lang pong… sumumpong na naman ang sakit ng ulo ko.” “May ibuprofen sa medicine cabinet. Magpakuha ka na lang sa katulong. Ano ba kasing dahilan ng pagsakit-sakit ng ulo mo? Sasabihin ko sa Daddy mo na ipa-check ka na namin sa doktor.” “Hindi na po. Mawawala rin naman ito. Sa kapupuyat lang siguro.” Lumingon ako sa paligid. “N-nasa’n na pala si Daddy? Umalis na ba paputang office?” “Oo. Sabay silang umalis ng inaanak niya.” Sinalakay ng kaba ang dibdib ko. “M-magkasama pong umalis? Isinabay ni Daddy sa kotse ang bisita niya?” “Bisita natin dahil kinakapatid mo ‘yon. And no. May dalang sasakyan si Israel kaya hindi siya kailangang isabay ng Daddy mo.” "Pupunta raw ba ulit siya rito- I mean, bibisitahin ba ulit si Daddy ng inaanak niya?" Nagkibit ng balikat si Mommy. "Hindi ko masasabi. Pero parang narinig ko na pabalik na ulit sa Manila si Israel bukas." Nakahinga ako kahit paano. "Mommy, may tanong pala ako. Paano naging inaanak ni Daddy si Israel? Hindi ba, matagal nang umalis ng Cebu ang kaibigan niya?" "That exactly is the reason, Andy. Magkaibigan sina Williard at Abel. Malamang na wala pa man si Israel ay may usapan na ang Daddy mo at ang Daddy nito." Napatango-tango ako. Siguro naman ay walang sinabi at wala ring balak na sabihin si Israel sa parents ko tungkol sa amin bago siya umalis. Posible kasing matakot din siya na ipaalam sa mga ito ang namagitan sa amin. Siyempre, kinakapatid niya ako, babae at mas bata sa kaniya. Napaka-awkward naman kung siya pang lalake ang magdadaldal sa mga magulang ko ng tungkol sa namagitan sa'min. He should think more maturely than me. We're both under the influence of alcohol that night. Pareho kaming nagpadala sa kapusukan. At kung na-shock siyang malaman na magkinakapatid kami, gano’n din ako. Parehas lang kaming walang alam sa ugnayan ng mga tatay namin kaya mabuting tumahimik na lang kami pareho at ibaon sa limot ang mga nangyari. Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng series at mga pelikula. Mahilig akong mag-bake kaya napagawa rin ako ng muffins. Nagustuhan naman ni Wesley kaya natuwa ako. Naalala ko pa na ilang beses akong nag-bake ng cake at pastry at ipinabigay ko kay Paulo sa pamamagitan ni Margaux. Na-imagine ko bigla na sabay nilang kinakain noon ang mga padala kong cake habang pinag-uusapan kung gaano ako katanga at pagkatapos ay masasamid sila pareho sa pagtawa. Napasigaw sa gulat si Leah nang maitapon ko ang tray sa lababo. “Andy naman! Nanggugulat ka, eh! Nagdadabog ka ba?” Isang pekeng ngiti ang gumuhit sa mukha ko. I don’t feel apologetic at all. Hindi naman nasaktan si Leah kaya hinubad ko na lang ang mittens at iniwan na sila ni Wesley sa kusina. Ang dami kong dapat isipin, pero ayokong sayangin ang energy ko sa pagkukulong sa kwarto. Mag-aalas cinco na ng hapon. Bandang alas siete pa ng gabi karaniwang dumadating si Daddy ng bahay, pero may time na maaga siyang umuuwi galing sa office. He’s one of the executives of a big corporation in Cebu. At dahil sa trabaho niya, naitataguyod niya ang lahat ng pangangailangan naming pamilya. Kahit ang mga bakasyon at iilang luho dahil hindi naman kami maluhong mag-iina. Simpleng housewife lang si Mommy. Si Wesley, pagkain at gadgets lang ang madalas na nire-request. Ako naman ay hindi rin gaanong mahilig sa mga materyal na bagay. Isa lang ang alam kong masidhing pinapangarap ko simula pa noong high school- ang maging girlfriend ni Paulo Arevalo. Nag-picture ako sa harapan at sa loob habang nakaupo sa driver seat ng bago kong kotse. Inalisan na namin iyon ng plastic kahapon at handa na nga para sa driving lessons ko. Ang instructor na lang ang iniintay. “Wow!” Lumapad ang mga mata ko nang makita ang nakahandang dinner sa aming mesa. Some of them are seafoods. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at kinunan isa-isa ng picture ang mga pagkain para i-post sa aking social media accounts. All of them are colorful and special. Tingin pa lang ay nakakatakam na. At kung okay sana kami ni Margaux, baka tinawagan ko na rin siya para imbitahing maghapunan. Siyempre, automatic na kasama si Paulo. “Baked oysters! Pwede ko bang tikman?” “Let’s wait for your father. He’s already on his way. O, ayan na pala!” Naulinigan ko nga ang pagdating ni Daddy. Dali-daling nagtanggal ng apron si Mommy at lumabas ng dining. Naiwan ako. At dahil hindi ako makatiis na tingnan lang ang oysters ay dumampot na ako ng isa at tinikman. May naiwang butter sa nguso ko. Kinuha ko ang table napkin at nagpahid ng bibig. Ilang sandali pa ay nabosesan ko na si Daddy habang papasok sa komedor. Pumihit ako at isang magaang yakap ang isinalubong sa kaniya. “How’s your day? Parang nauna ka nang tumikim sa niluto ng Mommy mo?” bati at puna ni Daddy. Napangiti na lang ako. Hindi rin kasi ako makapagsalita dahil sa aking ningunguya. “Norma, pakihanda naman ang guest room. Tulungan mo na rin si Leah na ipasok ang mga gamit ng bisita.” Natigilan ako pagkarinig sa sinabi ni Mommy. Tumingin muna ako kay Daddy at mula sa gilid ni Mommy ay lumitaw ang mukha ni Israel. I panicked. Napalunok ako nang wala sa oras at halos ikasamid ko iyon. “A-anong ginagawa niya rito?" Naubo ako nang isang beses at napahawak sa leeg ko bago nagpatuloy. "Akala ko ba... babalik na siya sa Manila?” Sabay tingin ko kay Mommy. Huli na para bawiin ko ang tanong. Pare-pareho na kasing nabigla ang mga magulang ko at si Israel. Natulos ako nang mapag-isip-isip ang aking ginawa. Halos hingin kong mabiyak ang lupa at kainin ako sa aking kinatatayuan. Tumikhim si Daddy. Seryoso ang mukha nito nang bumaling sa'kin. “Honey, ano bang klaseng tanong ‘yan? Bisita natin si Israel. He'll be staying with us for a week. Kinakapatid mo rin siya, so don’t forget to call him ‘Kuya’ dahil mas matanda siya sa’yo. Do you understand?” Wala akong nagawa kundi ang tumango. "I-I'm sorry, Dad." "Hindi mo sa'kin dapat sabihin 'yan." Tumingin ako sa bisita, pero hindi ko nakayanang makipagtitigan dito kaya napayuko na lang ako. "S-sorry..." "It's okay. I understand." Nag-angat ako ng mukha nang marinig siyang nagsalita. He sounds cool and confident. Kanina kasi ay halos hindi rin siya nakakibo nang ipakilala kami sa isa't isa ni Daddy. At kung kanina ay mukha siyang gulat, iba na ngayon. He now looks calm and unbothered. Para bang first time na nakita niya ako. Anong nangyari? Nagpalipas lang ba siya ng maghapon at ngayon ay nakalimutan na niyang may nangyari sa'min? "All right! Mabuti pa siguro ay kumain na tayo. Nasaan pala si Wes?" "Nasa kwarto pa niya, sweetheart. Tatawagin ko muna dahil may ginagawa si Leah. Maupo na kayo ni Israel. Andy..." Bumaling sa'kin si Mommy. Nakataas ang mga kilay nito at bumulong. "Don't worry. Hindi galit sa'yo ang Daddy mo. Kumain ka na, anak." Napilitan akong ngumiti at tumango. "S-sige, Mommy." Paglabas ni Mommy sa dining ay sumunod na akong pumwesto sa mesa. At dahil sa tabi ko nakalatag ang extra dining set, doon naupo ang aming bisita. Nagtayuan ang mga pinong balahibo ko nang maamoy ko siya. That sensual scent. Tandang-tanda ko pa ang amoy ng balat niya habang magkayakap kami noong gabing 'yon. Nahulog ko sa sahig ang tinidor nang hindi ko sinasadyang matabig. Napamulagat ako. "Careful, honey. Papalitan mo kay Norma ang kubyertos mo." "I-it's okay, Dad. Ako na lang..." Yumuko ako sa ilalim ng mesa upang kunin ang tinidor, subalit hindi ko inaasahan na sabayan ako ni Israel. Nanlaki ang mga mata ko nang magtagpo ang mukha namin sa ilalim ng dining table. "W-what are you doing? Ako na rito!" Halos masinghalan ko siya sa panic. Napasulyap pa ako sa gawi ni Daddy dahil baka hindi ko alam ay nakasilip na siya sa amin. Ngumiti si Israel. The familiar perfect set of his white teeth took my attention. Lumabi pa siya dahilan para lalo akong matigilan. "You look tensed. H'wag kang masyadong magpahalata, okay? Relax... Angel." Pagkasabi niya noon ay umayos na siya ng upo. Narinig ko ang marahang tawanan nila ni Daddy. Naiwan naman akong naghahagilap pa rin sa nahulog kong tinidor sa ilalim ng mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD