Kabanata 3

1774 Words
DAHAN-dahan akong nagmulat ng mga mata. Ramdam ko ang pagbubutil-butil ng aking pawis kahit malamig sa loob ng aking comfort room. Pigil ko ang paghinga nang silipin sa aking kamay ang resulta ng pregnancy test. Isang guhit ang lumabas. Ibig sabihin, negative. Naibuga ko ang naipong hangin sa aking baga. Daig ko pa ang nabunutan ng tinik sa dibdib sa naging resulta. Ibinalot ko sa isang papel ang stick at isinaksak sa trash bin. Problem's solved. Delayed lang siguro ako kaya wala akong dapat ikatakot. Pumikit ako at bumulong ng pasasalamat. Isang linggo na ang lumipas mula nang makilala ko ang 'Ivan' na 'yon sa roof deck ng condominium building. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan kong may mangyari sa amin. Bagaman ginusto ko iyon, nagsisisi ako na nagpadaig ako sa matinding atraksiyon sa isang lalakeng first time ko lang nakita at nakausap. Nagpatukso ako at kusang ibinigay ang sarili ko sa kaniya. Sa mga unang araw pagkatapos ng nangyari ay kalmado pa ako. Pilit ko na lang itinatakwil sa isip ko ang katangahang aking ginawa dahil wala ring saysay kahit maggugulong pa ako sa lupa. I lost my virginity. I charged it to experience. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, pero nang hindi dumating ang period ko na dapat noong isang araw pa ay hindi na ako napakali. Palihim akong bumili ng pregnancy test kit kahapon at paggising ko nga ngayong umaga ay ginamit ko rin kaagad. Ayoko nang patagalin ang paghihirap ng loob ko. Gusto ko nang malaman kung dapat na ba akong mag-alsa-balutan. Abot-abot ang dalangin ko na sana ay hindi ako buntis dahil siguradong malaking problema. Hindi bale sana kung si Paulo ang nakasama ko noong gabing iyon, baka hindi ako ganito kataranta. Kaya lang ay isang estranghero ang nakauna sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung ‘Ivan’ talaga ang pangalan ng lalake. Paano kung inimbento rin pala niya 'yon gaya ng ginawa ko? “Miranda, anak?” Nagambala ang pag-iisip ko nang marinig ang tawag ni Mommy mula sa labas ng kwarto. Tumingin ako sa salamin upang tiyakin na hindi na ako mukhang problemado. Ayokong makahalata si Mommy kahit kaunti. "Miranda? Gising na, anak!" Napilitan akong sumagot. "Opo, andiyan na po!" Lumabas ako ng banyo at agad dumirecho sa pinto para pagbuksan si Mommy. “Mommy, ang aga mong manggising. Wala naman akong pupuntahan," reklamo ko kunwari. “I know, hija. Pero ipinapagising ka ng Daddy mo dahil may sasabihin siya sa'yo." Bahagyang nagusot ang noo ko. "Tungkol saan daw po?" "I don't know. Sumunod ka na lang sa ibaba para malaman mo.” Isang surpresa ang dahilan kung bakit ako ipinagising ni Daddy. Hindi pa ako makapaniwala sa aking nadatnan sa mismong garahe ng aming bahay. “What do you say, honey? Tama ba ang pinili kong kulay?” tanong ni Daddy. “D-Dad… sa akin ba talaga ‘to? Totoong-totoo?” “Kanino pa ba? Ikaw lang naman ang nag-iisang pinangakuan ko ng kotse.” Dalawang palad na nahawakan ko ang aking bibig. Halos matulala ako sa habang nakatingin sa sasakyan sa aking harapan. Pangarap ko lang ito dati. Pero tinotoo ni Daddy ang sinabi niyang kapag eighteen na ako ay magkakaroon din ako ng sarili kong kotse. “What are you waiting for? Bakit hindi mo buksan at nang makita mo ang loob?” I’m almost speechless. Kinuha ko ang susi ng kotse at pinindot ang unlock button. Lumukso ang puso ko sa munting tunog na likha noon. Binuksan ko ang pinto at sumakay sa driver seat. Hinawakan ko ang manibela na gaya ng mga upuan ay nababalutan pa ng plastic. "It's so beautiful!" naluluhang sambit ko. Tumatayo ang mga pinong balahibo sa buo kong katawan habang binibistahan ang interior at ang makabagong features ng kotse. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin ang sasakyan. I know my Dad. Mabait at responsable siyang ama, pero hindi ko inaasahan na bibigyan niya talaga ako ng ganito kamahal na regalo. Hindi pa pala sapat ang bakasyon. "Nagustuhan mo ba?" Narinig ko ang tanong ni Daddy. Hindi ako agad nakasagot. Bumaba ako at sinugod siya ng isang mahigpit na yakap. “Thank you, Dad! Ang saya-saya ko po! I’m so grateful na ikaw ang tatay ko!” Pagkasabi ko noon ay nagsimulang uminit ang aking mga mata. Tatawa-tawa naman si Daddy habang tinatapik ako sa likod. “You’re welcome, honey! Basta ipangako mo lang na mag-iingat ka lagi.” Isang hikbi ang tumakas sa akin at tumango ako. Pinahid ko ang maninipis na luha sa aking mga pisngi. “Ang daya naman! May bagong car si Ate Andy, ako wala!” Narinig ko ang reklamo ng kapatid kong bunso na si Wesley. Sabay kaming nagbitaw ni Daddy at tumingin dito. “You’ll have your own car, too, someday. Baby ka pa kasi kaya hindi pa pwede,” malambing na sabi sa kaniya ni Mommy. I smiled at my brother. “Six years pa ang hihintayin mo, Wes. Don’t worry, isasakay na lang kita kapag gusto mo.” Kinindatan ko siya, pero imbes na matuwa ay lalo siyang sumimangot kaya tinawanan ko na lang. “Pupunta rito bukas ang driving instructor mo. Kapag mabilis kang natuto, next sem ikaw na mismo ang magmamaneho ng sarili mong kotse kapag papasok sa university.” Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. “The best ka talaga, Dad!” Kinahapunan ay naroon ulit sa bahay si Margaux. Mula nang na-discover ko ang relasyon nila ni Paulo, pang-ilang beses na niya akong pinuntahan para subukang kausapin, pero lagi akong nagdadahilan. Natanong na rin ako ni Mommy kung magkaaway ba kami. Sinabi ko na lang na masama ang loob ko sa pamangkin niya at nakiusap na huwag na akong pilitin na harapin si Margaux. Iba sa pagkakataong iyon. I don’t know why. Siguro kasi ay buong araw akong masaya dahil sa regalo ni Daddy sa akin kaya wala munang puwang sa isip ko ang ibang bagay. Pero hindi ko naiwasang manumbat nang makaharap ko na si Margaux. Naalala ko kasi ang katangahang nagawa ko pagkatapos ko silang mabuking ni Paulo. “Ang hindi ko kasi maintindihan, of all people, ikaw pa ang nagtraydor sa’kin. You’re my cousin, Margaux. At dahil ikaw ang pinaka-close na pinsan ko, wala akong inilihim sa’yo. You know how I feel for Paulo. High school pa lang, alam mong mahal ko na siya, pero anong ginawa mo sa’kin?” “Andy, I’m sorry. Promise, sinubukan kong pigilan ang sarili ko. Hindi ko lang sinadyang ma-develop kay Paulo. Sasabihin ko naman sa’yo ang totoo kaya lang inaalala ko ang mararamdaman mo.” “Kung inisip mo talaga ang feelings ko, sana naging honest ka agad. Hindi ‘yong pinagmukha n’yo akong tanga. Double-kill, e. Bukod sa nalaman kong hindi mutual ang feelings namin ng dream man ko, hindi pala ibang tao sa'kin ang karibal ko. Know what? I don’t want to trust you anymore. Hindi ko na rin kayo gustong makita pa ni Paulo.” Sandaling natahimik si Margaux sa mga sinabi ko. Mula sa pagiging maamo ay nagkaroon ng tapang ang anyo niya. “Gano’n ba? Fine! Kung ayaw mo'kong patawarin, wala akong magagawa! You know what’s wrong with you, Andy? Pakiramdam mo sa’yo lang umiikot ang mundo. I don’t even have to apologize for what happened because in the first place, hindi naman kita inagawan. Sadyang sa akin lang nahulog ang taong gusto mo. I fell in love with him, too. Masisisi mo ba’ko? Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sorry ka na lang kasi hindi na magiging sa'yo si Paulo.” Natahimik ako at hindi nakakibo. Pakiwari ko ay para na rin akong sinampal ng mga sinabi ng pinsan ko, pero hindi pa pala siya tapos. “And don’t worry dahil baka hindi na rin magpakita sa’yo si Paulo. Alam mo kung bakit? Dahil mula nang gabing pinuntahan mo siya sa unit niya, nandiri na siya sa’yo. He knows how you feel towards him. Hindi lang niya inakala na handa ka talagang magpakama para lang makabingwit ng boyfriend. Desperada!” Ang kaninang masayang umaga ay napalitan ng lungkot. Hindi ko napigilang magmukmok sa kwarto at damdamin ang mga sinabi ni Margaux. Galit ako sa kaniya. Para sa'kin ay siya ang may kasalanan sa nangyari, pero ako ang mas nanghihinayang sa pinagsamahan namin mula pagkabata. Isang linggo na ang lumipas pero, doon ko pa lang na-realize na ang dami palang nawala sa'kin. Si Paulo, si Margaux at ang virginity ko! Hindi ako bumaba para sa hapunan. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam nang tawagin ako kaya pinadalhan ako ni Mommy ng pagkain sa kasambahay. Kinaumagahan ay maaga akong bumangon at naligo. Kinalimutan ko ang mga sinabi ng pinsan ko dahil importanteng pagtuunan ko ng atensiyon ang unang araw ng aking driving lessons. Nagbihis ako ng komportableng damit. Papasok pa lang ako sa dining ay naririnig ko na si Daddy. Naroon din si Mommy sa tabi niya, pero wala si Wesley kaya marahil ay tulog pa ito. Isang lalake naman ang namataan kong kasama nila sa mesa at kasalukuyang kinakausap ni Daddy. Sumipa ang excitement ko. Ang driving instructor ko na ‘yon! Tuluyang lumipad sa isip ko ang tungkol kay Margaux. “Good morning, everyone!” buong-siglang bati ko nang makalapit, subalit napalis din bigla ang aking ngiti nang balingan ko ang nakaupong lalake. His eyes, his nose, his lips, and his hair- Ivan?! “Andy, anak, mabuti at gising ka na! Look, may bisita ang Daddy mo!” masayang balita ni Mommy habang hindi na mapigtas ang tingin ko sa aking kaharap. My knees and fingers begin to shiver as I stare at the face of a stranger whom I shared a night with. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtakas ng kulay sa aking mukha. The man also looks shocked. Bahagyang nanlalaki ang mga mata nito sa pagkakatingin sa akin. "Honey, I want you to meet my godson, Israel." Nakangiting lumingon sa'kin si Daddy. "His late father was my best friend. Taga-rito rin sila sa Cebu, pero bago pa isilang si Israel ay nag-migrate na ang parents niya sa Manila. I lost my communication with Abel at last year ko lang din nabalitaan na wala na pala ang kaibigan ko." I gasped for something to say. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Nakailang kurap at lunok muna ako bago ko nagawang tumango nang bahagya at magbukas ng bibig. "H-hi..." "Israel, siya ang panganay kong anak na si Miranda. Everyone calls her Andy. Kailan lang siya nag-eighteen. And since you're my godson, ituring mo rin sanang kapatid ang mga anak ko. Okay lang ba, Hijo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD