DANICA'S POV QUEENSTOWN, NEW ZEALAND. GAMIT ang pala. Isa-isa niya nililinis ang mga dumi ng baka at kabayo sa loob ng barn. Tatlong taon na rin mula nang ipatapon siya roon ng Daddy niya. Matapos siyang makaligtas sa car accident na nangyari sa kanya sa Pilipinas. Ilan buwan din siyang naratay sa hospital habang nagbubuntis siya. Himala talaga na walang nangyari sa baby niya pero nagtamo siya nang bali sa tadyang kaya kinailangan pa niyang tumagal sa hospital. Matapos siyang makapanganak ay sunod naman siya inoperhan upang lagyan nang maliit na bakal ang bali niya sa tadyang. Pre-mature ang baby niya at mayroon ito down syndrome. Labis siyang nalungkot dahil sa nangyari sa baby niya. Hindi naman matanggap ng Daddy niya ang kanyang baby kaya gumawa ito ng paraan para mailabas sila ng b

