MICAH'S POV HINIHINTAY niya sumagot si Dani sa tanong niya nang biglang tinawag ito ng nurse dahil umiiyak uli ang anak nito. Mabilis naman ito tumakbo papasok sa emergency room. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Kanina habang nasa airport na siya, mabigat ang damdamin niya. Tila may nag-uudyok sa kanya na bumalik kay Dani upang tanungin ito. Marami talaga siyang gustong itanong sa dalaga. Gusto niya malaman kung minahal ba talaga siya nito? s**t! Gustong-gusto na niya mag-move on at kalimutan ito pero sobrang hirap. Ngunit walang kasing sakit ang kaalaman may anak na pala ito. Ang sakit lang isipin na nagkaanak ito sa iba at hindi sa kanya. Kinuyom niya ang kamao at napabuntong hininga. Tumayo rin siya at pumasok sa loob ng emergency room. Napatitig siya sa anak nito na naka

