DANICA'S POV MAKALIPAS ang halos tatlong buwan na preparation sa kasal nila ni Micah. Lumipad sila patungo Dubai upang doon ganapin ang engrandeng kasal nila. Dinaluhan nang halos isang daan katao ang sikat na five star hotel doon sa Dubai. Ang The Palm Hotel. Siya na yata ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa ng mga oras na iyon. Ano pa ba ang mahihiling niya sa Diyos? Huminga siya nang malalim habang marahan naglalakad patungong altar. Naroon na si Micah kasama ang pinsan nito na tumayong best man nito. Napaka-suwerte niya kay Micah. Para sa kanya si Micah na ang pinaka-best na asawa at daddy kay baby Ella. Ilan sandali pa ay nagsimula na magsalita ang pari at sinimulan na ang seremonyas ng kasal. "Hello and Welcome! Today we are here to witness the act of love. Love is magical

