MICAH'S POV "WHAT the hell are you doing here?" malakas na bulyaw ni Mr. Bonifacio sa kanya ng walang habas siya pumasok sa VIP room nito sa hospital. At kagaya ng nasa balita, putol nga ang dalawang mga binti nito. Kita niya ang galit at poot sa mga mata nito na nakatunghay sa kanya. Bumuntong hininga muna siya. Si Twix ang tumulong sa kanya na makapasok sa hospital para makausap lang ang Daddy ni Dani. Hindi niya lang alam kung paano nagawa ni Twix na alisin ang lahat ng bantay sa labas ng VIP room. "Gusto ko lang malaman niyo na...nasa akin na uli si Dani at ang anak ko. Kasama ko na sila ngayon at masaya na kami," lakas loob na sabi niya. Nais lang niya ipaalam dito. Umingos lang ang matanda at tinaasan siya ng kilay. "What do you want me to do then? congrats you? the hell I car

