DANICA'S POV ISANG malalim na paghinga ang ginawa niya habang nakatitig sa kulay asul na tubig sa swimming pool. Umabot naman si Micah kanina sa dinner at ito na mismo ang nagpresinta na magpatulog kay Baby Ella. Kaya hinayaan niya ito gawin iyon, alam niyang sobrang sabik ito alagaan ang anak nila. Naisip niyang magpahinga muna saglit sa swimming pool area. Kanina kasi nakita niya sa balita ang nangyari sa kanyang Daddy. Nagtatalo ang isip niya sa totoo lang. May isang side ng isip niya na masaya dahil sa sinapit nito. At ang isang side naman ng isip niya ay nalulungkot. Dahil kahit baliktarin man ang mundo, hindi maaalis ang katotohanan na Ama niya ito. Napahugot siya uli ng pahinga saka bigla siyang napaigtad nang may brasong yumapos sa beywang niya mula sa likuran. "Micah..." "Wha

