MICAH'S POV PAGKARATING sa Pilipinas, dumiretso agad sila sa bahay. Humigpit ang hawak ni Dani sa kamay niya habang buhat niya si Baby Ella. "You okay, Habiba?" Naluluhang tumingin ito sa kanya. "Yes, I just miss the house. Akala ko hindi na ako makakabalik dito...sa'yo." "Don't cry, Habiba. Magiging maayos na tayo simula ngayon, hmm?" kumbinsi niya sa asawa saka iginiya na ito papasok sa loob ng bahay. Sakto naman na sumalubong sa salas ang kanyang Mommy. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig kay Dani. "Oh My God! Danica? Is that really you?" bulalas ng Mommy niya sabay lapit kay Dani at walang pag-aalinlangan niyakap ang asawa niya. "Oh God! What happened to you? Ang tagal mong nawala?" maluha-luhang tanong ng Mommy niya. "It's a long story po. Hindi po ba kayo nagalit sa'

